Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ikaapat Na Labas Ng Bagong Yugto Sa Araw Ng Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Sabado (Pasensya po Natagalan)

in #steemitdora6 years ago

image


Magandang buhay po sa lahat!

Napakasarap po magbasa ng mga paglalakbay ng mga #steemitdora. 😀

Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga manlalakbay nakibahagi sa aking munting paandar.

Mabuhay ang lahat ng mga manlalakbay! Mabuhay ang mga #steemitdora! Mabuhay!

Narito po ang aking listahan sa mga nakibahagi sa Bagong Yugto Ng Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon ang ikaapat na labas sa araw ng Sabado:

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Sabado): "WAG KANG MATAKOT MANGARAP,LIBRE LANG MANGARAP"😀💖

Eto naman po ang sa araw ng Biyernes:

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Biyernes): "Canigao Island Sa Matalom Leyte"😀💖

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Biyerneses "Waterfalls"

@yhel21 - #Paglalakbay patungo sa dako paroon..Araw ng Biyernes..Bonding with my 2 brothers and cousins...

Eto naman po ang sa araw ng Huwebes:

@shikika - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto Sa Araw Ng Huwebes - Ang Kaligayahan Sa Tuktok Ng Bundok

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Huwebes):"Ang Tuktok na Bundok ng Aking Narating"❗️😀

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Huwebes "Kakayanin basta kasama si Mama"

Eto naman po ang sa araw ng Miyerkules:

@shikika - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto Sa Araw Ng Miyerkules - Ang Palaruan Sa Kagubatan

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Miyerkules):Ang Model Sa Kagubatan

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Miyerkules "Magsakripisyo at Magdasal "

Eto naman po ang sa araw ng Martes:

@yhel21 - #Paglalakbay patungo sa dako pa roon..Araw ng martes.. Pagkain..Ginisang Togui ulam sa pananghalian...

@shikika - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto Sa Araw Ng Martes - Masaya Kapag Kasama Ang Pamilya

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Martes "Ang Sarap Kumain Kapag may Kasama"

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Martes):Unlimited Food,Halina't Sabayan Nyu Ako😀

Eto naman po ang sa araw ng Lunes:

@shikika - Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto Sa Araw Ng Lunes - Ang Daan Napapalibutan Ng Kaalaman

@yhel21 - #Paglalakbay Patongo sa dako pa roon..Araw ng Lines.. Trapic sa kalsada araw araw kong tinatamasa...

@betbet - Paglalakbay patungo sa dako pa roon : Lunes - Matayog Na Daan

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (Araw ng Lunes): "Hindi Masyadong Matuwid na Daan Ang Aking Nilakbay Sa Buhay"

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Lunes "Ang Pinangarap na Daan"

Eto naman po ang sa araw ng Linggo:

@yennarido - Paglalakbay sa dako pa roon (araw ng Linggo)"Ganda na Ipinagmalaki Ko"😀💖

@wittyjov24 - Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon : Araw ng Linggo "Magtiwala sa Sarili"

@betbet - Paglalakbay patungo sa dako pa roon : Linggo - Pagbabago para sa Sarili

@shikika - #UlogHugot Contest - Lumipas Ang Panahon : Ang Pait Na Nakaukit Sa Aking Kaarawan / Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon : Ang Bagong Yugto Sa Araw Ng Linggo

@yhel21 - #paglalakbay patungo sa dako pa roon.. Araw ng lingo..Halina at ako'y inyong kilalanin mga ka-steemitdora..

Maraming maraming salamat sa lahat ng mga nakisabay at sa makikisabay pa sa paglalakbay.


Para po sa mga gustong sumabay sa bagong yugto ng ating paglalakbay ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon.

Tayo na at magsimulang maglakbay!

Sa loob ng isang linggo meron tayo iba't ibang litrato na ipapakita. Ito ay ating bibigyan buhay. Dapat sarili natin litrato hindi galing sa internet. Narito ang mga pagkakasunud-sunod kung anong litrato ang ating ibabahagi sa bawat araw ng ating paglalakbay.

Linggo - Sarili. Ang sarili ang pinakamahalaga sa bawat paglalakbay. Kung wala ang sarili, paano na lang ang paglalakbay? Lols. Ipakita ang angkin ganda. Sabihin ang nilalaman ng puso, masaya man o malungkot.

Lunes - Daan. Dahil tayo ay mga #steemitdora. Ipakita natin ang daan ating tinatahak. Kahit anong klase ng daan: matuwid, matarik, lubak-lubak, paikot-ikot o kahit ano man. Ang importante kaya natin lampasan ang kahit na anong klase ng daan atin mapagdadaanan.

Martes - Pagkain. Sa bawat paglalakbay hindi mawawala ang pagkain. Kaya ihandog niyo sa ating paglalakbay ang mga masasarap niyong pagkain.

Miyerkules- Gubat. Ipakita kung gaano kaganda ang atin kagubatan. Ito'y atin alagaan at huwag hayaan na masira ng tuluyan.

Huwebes - Bundok. Nakarating na ba kayo sa tuktok ng bundok? Masaya ka ba na ito ay iyong narating? Pwede niyo ibahagi ang inyong paglalakbay sa bundok at ihalintulad sa atin buhay. Tayo'y magmuni-muni sa tuktok ng bundok.

Biyernes - Tubig. Kahit saan, kahit sa dagat, ilog, pool, lawa, kalye o sa bahay. Ipakita natin ang ganda o di kaaya-aya na dulot nito sa atin mga buhay.

Sabado- Himpapawid. Ibahagi ang mga karanasan natin sa paglalakbay sa himpapawid o di kaya ay mga pangarap na gusto natin abutin o di kaya ay naabot na.


Mga Paalala:

  1. Huwag po natin kalimutan na isama sa atin pamagat ang Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon. Saka isama natin sa pamagat kung anong araw ng paglalakbay.
  2. Ang unang tag na atin gagamitin ay #steemitdora upang tayo'y hindi magkalituhan at hindi magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay.
  3. Sa loob ng isang linggo dapat isama ang link sa bawat paglalakbay para madaling makita kung kompleto ang isang buong linggong paglalakbay.
  4. Isama ang link ng post na eto sa bawat araw ng paglalakbay.

Meron gantimpalang makukuha ang makakakompleto sa bagong yugto ng paglalakbay. Konting gantimpala lang naman 😀 na galing kay @steemitdora dahil siya ay nagsisimula pa lang maging parte ng pang araw-araw nating pamumuhay o paglalakbay. Malay natin sa pagdating ng araw maging lingguhan at lumaki ang pagbibigay ng gantimpala ni @steemitdora. 😀

Everyone can check it here on how @steemitdora started.

@steemitdora been created to help and support each members in Steemitserye and Steemitdora Full Force.

image

Anyone can be #steemitdora. You can join our growing Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord Channel.

Mabuhay ang mga #steemitdora at #steemitserye! 😀💖

Calling all #steemitdora & #steemitserye you can request for your banner at Steemitserye and Steemitdora Full Force Discord. Hurry! Get yours now while it's free! Lols

So what are you waiting for! See you on board.

Love lots,

@steemitdora 😀💖

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00