#SteemitDora Ulat Sa Madugong Biyahe ni @shikika simula Visayas - Luzon - Mindanao [Unang Bahagi]

in #steemitdora6 years ago

jemzem.PNG

Ang larawang ito ay nilikha ni Jemzem para sa #steemitdora.


Si Bb. @shikika ay nag-mula pa sa bayan ng Barugo, Leyte Silangang Visayas Rehiyon VIII at kasalukayang nag-tratrabaho sa isang siyudad sa Cebu. Sa pag-lalakbay ni Shikika pabalik sa bayang sinilingan ay inilibot niya tayo sa bawat kanto ng nasabing lugar. Hindi inalintana ng ating bida ang init at pagod bagkus ay nag-patuloy pa ito sa kanyang ekspedisyon. Sinuyod ni Shikika ang bawat kalye ng kanyang bayang sinilangan at pagka-tapos ay umuwi siya sa kaniyang bahay at doon nakipag muni muni siya sa kaniyang mga kapamilya at hinimok din niya na mag-lakbay sa "Dako Pa Roon" ang kaniyang mga kapatid. Umuo lamang ang kanyang mga kapatid na tila hindi sigurado sa gagawing pag-lalakbay. Ngulilang-ngulila si Shikika sa pag-mamahal ng kaniyang mga magulang kaya sinulit na niya ang panahon kasama ang kaniyang mga magulang. "Kapoy work. Char lang poor ta! Ika pa ng ating bida.


Nag-paalam na ang ating bida sa kaniyang mga magulang at tila nanggigilid ang kaniyang luha nang mag-paalam siya. Bumiyahe na si Shikaka papuntang siyudad ng Tacloban at doon lumipad na siya patungong Maynila upang asikasuhin ang kaniyang pasaporte at para narin makipagpanayam sa embahada ng Bulgaria sa Pilipinas. Madali namang nakapasa ang ating bida sa pakikipagpanayam niya sa mga konsul sa embahada ng Bulgaria. Kinabukasan pa ay lumipad na patungong Bulgaria si Shikika. Lumapag ang eruplano sa Sofia. Bulgaria. Agad agad naman siyang sinundo ng kaniyang kaibigan na si Sunnylife. Nag-chikahan ang dalawa habang lulan ng isang magarang kotse. Halos 19 na oras ang biniyahe ni Shikika patungong Sofia galing ng Maynila. Talagang mahiya mo si Darna ang ating bida, kasi hindi siya napapagod. Nang makarating na sina Sunnylife at Shikaka sa animo'y mala mansiyon na bahay ni Sunnylife, nag-pasiya na ang dalawa na ipagpa-bukas na ang kanilang biyahe patungong bundok ng Krakra. Inihatid na ni Sunnylife sa kaniyang kuwarto si Shikaka at agad naman itong nahiga at nag-paalam na rin si Sunnylife. Borlog agad ang peg ni Shikaka sa layo ng kaniyang biniyahe. Sumapit na ang umaga. Nag-sipilyo agad at naligo si Shikika. Ganoon din si Sunnylife. Inihanda na ang kotseng gagamitin patungong Bundok ng Krakra. Nang makarating ang dalawa sa paroroonan ay walang sinayang na segunda ang dalawa agad nila inakyat ang bundok at sumigaw sila ng "andito na kami". Uhaw na uhaw ang dalawa, tila mga bakang naka-suga sa gitna ng parang. Nag-pahinga muna silang dalawa at nag-chikahan muna sila. "nga pala humiling ka ng kahit ano dito sis nakakalamang na matupad iyan" bukambibig ni Sunnylife. Sige sis. "sana makita ko na ang forever ko dito" paanas na usal ni Shikika sa sarili. Matapos ang chikahan nila ay napagpasiyahan na nila na umuwi na sapagkat gabi na rin. Naka-uwi nang ligtas ang dalawa sa sobrang pagod nila ay borlog agad. Kinaumagahan pa ay nag-paalam na si Shikaka kay Sunnylife. Inihatid na ni Sunnlife si Shikika patungong paliparan. Nag-paalam na si Shikika at agad naman itong tumawag kay Jenny Beans para sunduin sa paliparan ng General Santo sa South Cotabato.


Wala nang pahi-pahinga gorabells agad si Shikika, sa biyahe na lang natulog ang ating bida. Matapos ang kulang kulang 19 na oras na biyahe ay narating din sa wakas sa General Santos. Maya maya pa at nag-kita rin sina Shikika at Jenny Beans. Nag-beso beso ang dalawa at sabay niyaya ni Jenny si Shikika patungo sa dala dala niyang sasakyan upang maka biyahe na patungong Saranggani. Ilang oras din ang biyahe patungong Saranggani pero hindi ito alintana ni Shikika apura pa ang hunta ni Shikika kay Jenny pa tungkol sa Bundok Kra Kra sa Bulgaria. Nang maka-rating sila sa bahay ni Jenny at agad naman sila pinaunlakan ng mga magulang at kapatid ni Jenny. Asikasong asikaso si Shikika ng mga magulang at kamag-anak ni Jenny, kung ano anong masasarap na pagkain ang inihandog sa ating bida. Hindi nag-patumpik tumpik si Shikika at naki kain narin siya "feel at home" ika nga ng mga magulang ni Jenny. Pagkaing pagkakain ay inaya kaagad ni Jenny na bumiyahe patungo sa magagandang lugar si Shikika. Siyempre walang tanggi ang peg ni Shikika at sumakay na ulit sa sasakyan si Shikika. Habang tumatakbo ang sasakyan ay tanaw na tanaw ang mga magagandang tanawin sa nasabing lugar. Nakarating na sila sa lugar kung saan pagmamay-ari ng iskuwelahan ni Jenny. Ibinida ni Jenny ang mga alaalang mayroon siya pati na rin ang kaniyang mga kaibigan. Sumakay na ulit sila sa sasakyan para tunguhan pa ang ibang sikat na lugar sa Saranggani, nang malibot nila ang lalawigan ay tila hindi nasiyahan si Shikika sapagkat hindi niya nakita at nakausap ang pamilya Pacquiao. Tumawa na lamang si Jenny at sinabing "sa susunod makikita na natin sila" kumpiyang sambit ni Jenny kay Shikika. Umuwi na sila sa bahay nila Jenny at nag-pahinga na sila, kasi bukas ay lilipad nanaman pabalik ng Leyte si Shikika. Sumapit ang kinabukasan at nag-paalam na si Shikika kay Jenny at inihatid na ni Jenny patungong paliparan si Shikika. Niyakap ni Shikika si Jenny at nagpa-salamat pa siya kay Jenny.


Ang pagbabalik ng Leyte, dahil sa pamilyar naman si Shikika sa lalawigan ng Leyte ay hindi na ito nag-pasundo sa kaniyang kaibigan na si Yennarido. Tinunguhan na lamang ito sa kaniyang bahay at naabutan niya si Yenna na nag-kakayod ng buko. Nang matapos mag-kayod ng buko si Yenna ay ginawa na niya itong inumin at inalok ang uhaw na uhaw na si Shikika. Walang tanggi ang ating bida sa pag-inom ng buko, tinungga niya ito na para bang mauubusan siya. Uhaw na uhaw ang peg ni Shikika. Natawa na lamang si Yenna at nag-chikahan sila tungkol sa kani kanilang buhay buhay. Nang sumapit ang gabi ay nag-paalam na si Shikika at sinabing pupunta pa siya ng Bicol para tagpuin ang kanilang kaibigan na si Luna Mystica. Umalis na si Shikika at muling nag-paalam kay Yenna. Lumipad na nga sa siyudad ng Naga si Shikika.

ITUTULOY.......






GIF-180316_162802.gif

THE-KAPE-BOYZ.gif

Sort:  

Ang yaman na talaga ni sis @shikika! De kotse pa! Feeling ko limousine pa yung sasakyan mo. Hehehehe. Ayun at nasimulan na ang ulat. Hindi ko nasundan 'yung ibang paglalakbay kaya malamang dito ko na malalaman saang dako na tayo nakarating. :D

Sis @jemzem salamat sa banner. 😀 Hahaha. Dami ko tawa sa ulat ni @twotripleow. Hahaha. Meron pala nun sa naging paglalakbay ko. Hahaha
Mabuhay ang mga manlalakbay! 😀

Walang anuman sis @shikika. :D
Oo nga e, ang yaman mo sa ulat na ito. Baka naman kasi totoo sis. heheheheh

Hahaha. Totoo lahat un dito sa Steemit. Lols

Ayos ba? Haha. Nag-bisaya pa ako kaunti. Kapoy work char poor ta. Baka hanggang part III to kasi mahaba haba pa iyong paglalakbay niya. Siyempre para mukhang katotohanan ang pag-lalakbay sa dako pa roon haha.

Kapoy jud work boss. Hahahah. Baka nga part 5 pa. Ang dami pa kasing sumama sa paglalakbay. Malapit na nating malibot ang pilipinas. :D

Char poor ta! Kapag malalayo ang pagitan malamang sa abutin nga ng part V kasi Cebu to Pangasinan tapos Cebu ulit tapos Bulacan haha. Daghan man ang kuwarta ni Shikika kay biyahe biyahe lang ang peg.

Hahahahah. Mula Batanes hangtod Sulu talaga ang peg nato ani. Mao jud boss. Datu kaayo si sis @shikika. Feel gani nako kay naa pod siya private airplane, yacht, ug submarine. Hehehehe

Mopalit pa si Shikika ng chopper para malaksi man ang biyahe haha. Walay traffic kapag nasa NCR na. Di ba nga magkasunod tayo isasama ka niya saka si Regine papunta sa'min haha.

Cge lahat ng imposible gawin natin posible sa paglalakbay. Lols

Wahahaha. Tara na! Sakay na! Lols

Wahahaha. Mike Enriquez ikaw na ba yan? Hahaha. Nag-uulat ka na pala sa biyahe ko. Hahaha. Ang daming Shikaka. Hahaha. Mukha atang masaya ang aking paglalakbay patungo sa dako pa roon. Lahat po pala Mike na pinupuntahan kong tao eh kasama na un mga pinupuntahan ko sa aking paglalakbay. Hahaha

Masaya kaso mopahuway na muna ikaw kasi kapoy na! Tomorrow naman ulit pati yang bagong manlalakbay babalik ulit tayo sa Bohol. Work ka muna para may pambili ka ng ticket hehe.

Wahaha. Dili ko kapoyan. Hahaha. Matibay to. Hahaha. Madami pa ko pera pambili ng tiket. Hahaha

Ay sige mopalit na ka sa daghang ticket ui, para dire diretso na biyahe mo LuzViMin hhe.

Human na. Andam na tanan. Lols

Ang ganda naman ng fullname ni Jenny - Jenny Beans! LOL!

Baka screen name lang niya yan. Hindi ko naman kadikit yun hehe. Ilakbay mo rin kami sa Palawan pala idolestest.

Upvote this reply and follow https://steemit.com/@a-0-0

You got a 1.28% upvote from @upmewhale courtesy of @shikika!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

grabe master @twotripleow, gawan mo na yan ng libro....hehehe

Haha hindi sa isang araw tatapusin ko na it. Gawa ka rin yung nakak bitin din hehe

hahahaha......mag-iisip pa ako master, sa ngayon iba kasi pumapasok sa isip ko eh kahit anong pilit ko na ibahin kaya sinusulat ko nalang din....hahahaha

Maganda talaga kapag may tula sa lagay ng panahon master. Susundan ko iyan huwag ka mag-alala hehe. Dami ko lang sinusulat ngayon.

To travel is to live ika nga ni shikika. 😁 Napakaadventurous naman ni ate shikika.👍

Haha gawa ka na rin sa Calasiao Pangasinan boss.

Haha oo boss. Darating tayo jan. Kelangan ko din maging makata sa gagawin kong istorya ni Pepe. Haha

Grabe wala jetlag jetlag xeo @shikika
Bilib na aq sa pagka adventurous mo 😂

Hehe kaya niya iyan kasi same time lang naman daw Luzon-Mindanao. Sa Bulgaria lang siya nahirapan jetlag siya bahagya pero keribells lang daw.

Coin Marketplace

STEEM 0.39
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70463.21
ETH 3549.83
USDT 1.00
SBD 4.87