"OO! ALAM KO!" : MGA KATAGA

in #steemitfamilyph6 years ago

image
Photo Credit

Oo! Alam ko!
Alam ko naman na hindi ako ang dahilan ng iyong mga ngiti sa labi,
Na sa tuwing tayo'y magkasama ay sya ang bukambibig mo,
Kapag nagkukwentuhan tayo pangalan nya lang lagi ang binibigkas mo.

Sa mga oras na ika'y kasama akala ko ako lang talaga muna,
Akala ko ako lang ang nasa isip at bukambibig mo.
Pero bakit! Bakit!?
Bakit siya palagi ang nakikita mo?Iba parati ang pangalan na binibigkas mo!

Pilit parin na umaasa sayo,
Pilit umaasa na baka maging tayo.
Pinipilit ang sarili ko na dapat okay lang ako,
At pinipilit na baguhin ang sarili ko para lang sayo.

Pero wala! siya talaga ang mahal na mahal mo,
At dahil sa mga salitang sinabi ako ay napatulala.
"Kaibigan lang talaga kita"
Pumatak ang mga luha sa mga mata ko at napatanong "kulang paba ako sayo? Kulang paba lahat ng ginagawa ko para sayo?"

Nang nakita mo akong umiiyak at durog na durog,
"Sabi mo sabihin ko sayo ang aking problema kasi kaibigan kita"
Yun nga ang problema ko kasi kaibigan lang ang turing mo sa akin!!
Na kahit anung gawin ko siya parin talaga,
Siya talaga ang mahal mo at hanggang kaibigan mo lang ako.

Alam ko! Alam ko!
Alam ko na hanggang dito na lang talaga tayo,
Kaibigan na lang kita at kaibigan mo ako,
Alam na alam ko na kahit pa anung gawin ko di ako magiging siya na mahal mo.
ALAM KONG DI TAYO PARA SA ISA'T ISA!

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64961.60
ETH 3103.64
USDT 1.00
SBD 3.86