"PAANO NGA BA" : MGA KATAGA

in #steemitfamilyph6 years ago

image
Image source

Minsa'y napatanong ako paano kaya umibig ang isang ginoo?
Maghahatid-sundo at manunuyo,
Gagawin lahat at bibilhin ang mga paborito,
Maglalaan ng ilang araw, oras ultimo minuto.

Paano rin kaya umibig ang isang dilag?
Magpapasensya at umintindi kahit na sa loob ay labag,
Magbibigay ng paalala, insipirasyon at habag,
Kahit mga mata man ay sa mga luha lulubog.

Paano rin nga ba magmahal ang binata?
Mga bituin at ang buwan ay kayang makuha,
Kahit dagat at kabundukan pa ay kayang ipanata,
Mula lupa abot hanggang langit kung maglathala.

At papaano rin nga ba magmahal ang isang dalaga?
Kayang magpuyat para lang sa binata,
Kakalimutan pa ang iba bagay at tao para unahin ka,
Lahat na lang ng kasiyahan ay naka depende sa sinisinta.

Paano kaya ipababatid ang pagmamahal sa kasintahan?
Higit sa salita at gawa o kahit pagpaparamdam,
Dapat ay kalinga sa lahat, pag-ibig at kasiguraduhan.

Lahat ay binigay na ng mapagarugang ginoo,
Pero bakit ang pag-ibig ay nahulog parin sa pain ng pagkalito?
Naipadama naman ng dilag ang lahat ng pagmamahal.
Ngunit bakit tila'y relasyon biglang lumalabo?

May ginawa bang mali ang dalaga?
Bakit mga pangako ng binata ay napako at nawala?
Meron bang nanggulo sa samahang binuo?

Kaya naman talagang pagtibayin,
Kung nanaisin lamang at gugustuhin,
Ngunit lahat ng pag-asa ay biglang nagdidilim,
Kaya naman ngayon lahat ng ito ay nakalihim.

Please follow and support our very own @surpassinggoogle, @bayanihan and @teardrops. VOTE @steemgigs as your witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70391.42
ETH 3572.68
USDT 1.00
SBD 4.74