#steemitserye 3rd Edition's Quotable Quotes: Kung Maibabalik Ko Lang


source

Sa wakas ay narito na nag mga hindi malilimutang tagpo at mga linya ng ating mga bida mula sa #steemitserye 3rd Edition: Kung Maibabalik Ko Lang na sina:

Yanna Mae
Roy
Cathy
Joey
Xian

mula sa panulat nina @avhyaceulip, @zephalexia, @yennarido, @ellachim0816 at @zhayie03.

Sorry po kung natagalan mga #steemitseryesisters at #steemitdora dahil sobrang abala po ng lola nyo hehehe!

Part 1 Kung Maibabalik ko Lang... 😭😭😭 by @avhyaceulip


source

Dear Yanah,
Alam kong madami ka ng manliligaw,
nagbabaka sakali lamang ako na
mapansin mo, maari rin ba kitang ligawan,
matagal na kitang gusto pero nauunahan ako
ng hiya at takot na di mo pansinin, pero
nilakasan ko na loob ko ngayon. Sana
mapagbigyan mo ako.
Nagmamahal,
35

Dear Mae,
Di nakita kukumustahin kasi minu-minuto
naman kitang nkikita at alam kong okay na
okay ka at lalong gumaganda, Pasensya ka na
sasulat ko kahapon walang pangalan,
nahihiya kasi talaga ako sa'yo, sana naman
sagutin mo na etong sulat ko ngaug
magpapakilala na ako at sana ay wag mo
naman akong iiwasan, Maari mo ba akong
ngitian pag nakita mo ako, Mae n lang tawag
ko sa'yo para unique.
Nagmamahal,
35 ROY PEREZ

Roy,
Salamat sa sulat mo, akala ko suplado ka,
marunong ka din palang mambola, Bahala ka
kung gusto mo akong ligawan, pero sinsabi ko
sau, hanggang dun lang yun bata pa tayo at
magagalit si nanay at tatay.
Yanah Mae

"Mae, wear this everyday, para lagi mo akong kasama." -Roy to Mae

"PWEDE NA BANG MAGING TAYO, CAN YOU BE
MY GIRLFRIEND?"-Roy to Mae

"Tinanung ako ni Roy, kung pwede na ba daw maging kami anung gagawin ko, parang ang bata ko pa, pero love ko na din naman siya, 1 taon n syang nanliligaw." Mae to Cathy

"Mae, Mahal ko, Mahal mo din Ba Ako? Pwede na ba kitang maging GirlFriend,"
"Salamat, Mahal na Mahal Kita, Di ko Sasaktan" - Roy to Mae

"Nangako kang di mo ako sasaktan, pero anung ginagawa mo ngayon, May iba ba ha?" -Mae to Roy

"Yanah, di naman sa minamadali kita, pero malapit na tayung grumaduate, baka naman" -Joey to Mae

"Okay sige, sige Joey, payag na akong MU (mutual underdtanding) tayo""After a month ko sasabihin ang sagot ko"

"Miss na kita Mae ko, sana mabigyan mo pa ulit ako ng isa pang pagkakataon" Roy to Mae

Part 2 Lihim na Mensahe at ang Pagtatagpo by @zephalexia

Hindi ko alam kung sino ang dapat kong unahin sagutin, ang nagawa ko na lamang ay isubsob ang aking mukha sa unan at sumigaw. -Mae

"Kumusta ka na Mae? Miss na kita , gusto sana kitang makita o makausap muli" -Roy to Mae

Para bang may bumubulong sakin at nagsasabing sige na Yannah, makipagkita ka na, bigyan mo na siya ng isa pang pgkakataon.-Mae

"Mae, kumusta ka diyan sa school , sa Sabado at Linggo ay pahinga ako sa aking OJT, maari ba tayong magkita or puntahan kita sa bahay?" -Roy to Mae

"Mae, namiss kita, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo, patawarin mo ako, kung kinailangan kong iwan ka pansumandali, sana magkaron pa ulet tayo ng pangalawang pagkakataon"-Roy to Mae

Boses iyon ni Joey, dumating siya sa takdang oras na napagusapan namin, isang buwan matapos ang pagsabi ko sa kanya na M.U. kami, para malaman kung magiging nobyo ko na siya, subalit naabutan niya kami ni Roy sa ganung eksena

Part 3 Ang Kaibigan Ko, Karibal Ko by @yennarido

"Kaya pala ang tamis - tamis ng ngiti mo sa library si Roy seguro ang katextmate mo hindi...yung sinabi mong..merong surprise yung mama..mo....wow..hah!!!surprise!!!!..talagang ako ang nasurprise Yannah..hindi ko inakala na ganyan kang klaseng babae...kala ko iba ka..sana sa simula palang sinabi mo lahat..!!!" -Joey

"Tama na yan Yannah, huwag kang mag alala nandito naman ako hindi kita pababayaan.
Mahal na mahal kita at pangako magbabago na ako, hindi na kita sasaktan ulit." -Roy

Huwag kang mag alala Yannah dahil mahal na mahal kita hangad ko ang kaligayahan mo kahit kapalit nitoy kabiguan ko,Pilitin kong lumigaya sa kabila ng lahat basta ang mahalaga ay masaya ka sorry din sa mga nasabi ko nabigla lang ako....... - Joey

Part 4 NAGMAHAL, NASAKTAN, BUMANGON AT NAGMAHAL ULIT by @ellechim0816

Bakit si Cathy pa?
Sabihin mo sa 'kin Roy, may nagawa ba ako sa 'yong mali at palagi mo nalang akong sinasaktan ng ganito?
Wag ka nang magkunwari Roy, alam kong may relasyon kayo ng bestfriend ko! - Mae

Nakita ko kayo kahapon! Wag mo na akong gawing tanga Roy! Mga traydor kayo! Matalik ko pang kaibigan! Sa dinamidami ng babae sa mundo kaibigan ko pa Roy! Grabe yung sakit Roy! Tagos sa puso ko, sinaksak nyo ako ng patalikod! Pinagkatiwalaan ko kayo, minahal ko kayo Roy! -Mae

Mae hindi ko mahal si Cathy, patawarin mo ako. Siya ang unang lumapit sa 'kin, tinukso niya ako Mae, ikaw lang ang mahal ko Mae! -Roy

Tapos na sa 'tin ang lahat! Simula ngayon ay ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Mahal kita pero hindi na kita kayang pagkatiwalaan pa! Sinira mo lahat ng pangarap natin Roy! Magsama kayo ng kaibigan kong ahas! -Mae

Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo, sa ngawa kong kasalanan, sa pananakit ng damdamin mo bes. - Cathy to Mae

At nakuha mo pa akong tawaging "bes"?. Alam mo ba ang ibig sabihin ng "bestfriend" Cathy? Alam mo bang ang sakit-sakit ng ginawa nyo? Pinagmukha nyo akong tanga! Pinagkatiwalaan ko kayo Cathy! Minahal kita na parang kapatid ko na. Alam mo ang lahat, ang lahat-lahat, wala akong nilihim sayo! -Mae to Cathy

Sana'y napatawad mo na ako, Mahal pa rin kita Mae. Miss na miss na kita. Alam mo ba marami na akong napundar para sa atin. Nakapagpatayo na ako ng bahay. Pinagsikapan ko talaga Mae para sa susunod na pagkikita natin ay handa na ako. Di ba ito yung pangarap natin Mae? - Roy

Hindi ko na nasagot pa ang mga tanong ni Roy. Napaluha ako. May pagmamahal pa palang natitira sa puso ko para kay Roy. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa? Hindi ko kayang saktan si Xian, napakabuti niyang tao. Mahal ko rin naman siya. Nandiyan siya palagi sa lahat ng oras para damayan ako at para pasayahin ako. -Mae

Part 5 Ang Pagtatapos by @zhayie03

Wala man lang I love you too? Wag mo sabihing nahihiya ka parin sakin hanggang ngayon? Ikakasal na tayo! - Xian to Mae

Please Mae, give me one more chance ... please..please.. magkita tayo.
Scape Skydeck , 8pm bukas, maghihintay ako. - Roy to Mae

Cge mahal. Ingat ka na lang ha. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at walang iba. - Xian to Mae

Patawarin moko sa lahat ng ginawa ko.. Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon.
Mae, bigyan moko ng isa pang pagkakataon please.. Oo naging kami ni Cathy,pero matagal na kaming wala. Pinagsisihan ko yun. Natukso lang ako. Lalaki lang ako Mae. Nagkakamali rin ako. Pero sising- sisi ako sa ginawa ko sayo. Patawarin moko. Ikaw talaga ang mahal ko. - Roy to Mae

Ikakasal nako,1 buwan na lang..Sana noon mo pa ako pinaglaban. Sana noon mo pa ito ginawa. Sana noon mo pa sinabi ang lahat ng ito, edi sana tayo ang ikakasal sa dulo. Mahal kita Roy.. pero noon yun. May mahal na akong iba ngayon. Sana tanggapin mo yun. Patawad pero huli na Roy. Huli ka na. -Mae to Roy

Yannah! Bakit ginawa mo sakin to???!
Yannah! Mahal na mahal kita... ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito,pero bakit mo ginawa sakin to?? -Xian to Mae

Mae,
Patawarin moko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Di sana aabot sa ganito ang lahat kung diko pinilit ang sarili ko na ipaglaban ka. Patawad. Sana mapatawad din ako ni Xian. Mahal kita, pero MAS mahal ka ni Xian. Paalam.
Roy


Narito rin po ang una at pangalawang serye ng #steemitserye:

Unang Edisyon
Part 1 - Dear @sunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear @sunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli
Part 3 - Dear @jennybeans - Mahal ko o Mahal Ako
Part 4 - Dear @akoaypilipina - Mahal ko...Mahal Ay Iba
Part 5 - Dear @shikika - Happy Ending Na Ba?
Part 6 - Dear @unamystica - Mahal Ko, Mahal Na Ba Akong Muli?

Ikalawang Edisyon
Part 1 - Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba?
Part 2 - Dear @Mallowfitt Bromance...Di ko kayang Tanggapin
Part 3 - Dear @iamdeth: Bromance- Puso o isip?
Pary 4 - Dear @fherdz: Bromance- Mapaglarong Tadhana
Part 5 - Dear @shirleynpenalosa: Katapusan na ng Bromance, Simula ng Bagong Pag-ibig :-)❤️

Sana po ay nagustuhan nyo at inyo pong abangan ang ikaapat na edisyon! ... Hanggang sa muli.....! Ba byeeeee!:)

akoaypilipina.gif

31947237_1885140124892703_6524815806713298944_n.jpg

received_1803336496406400.jpeg

AKOAYPILIPINA.gif

Sort:  

Hi! This is jlk.news intelligent bot. I just upvoted your post based on my criteria for quality. Keep on writing nice posts on Steemit and follow me @jlkreiss to get premium world news updates round the clock! 🦄🦄🦄

hehehe aba ginalingan maxado!
ubos ang bangz sis nagpapatubo pako hahaha
ayan nagawa mo na den sa wakas hehehe
salamat sis. gorabels

Wow sis. Sa wakas natapos na rin. Hahaha. Unti-unti ng tumutubo mga bangz. Lols

Galing. Mo sis..cheerrrs.😀👍

Nakakatuwa at kakakilig aman pung basahin mga dayalog nila. Para na din pu akong nagbasa ng buod ng buong ikatlong edisyon dahil dito. Salamat pu sa compilation @akoaypilipina

pak na pak sis!!! 😘❤️❤️❤️

You got a 3.00% upvote from @emperorofnaps courtesy of @akoaypilipina!

Want to promote your posts too? Send 0.05+ SBD or STEEM to @emperorofnaps to receive a share of a full upvote every 2.4 hours...Then go relax and take a nap!

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 62986.12
ETH 3072.14
USDT 1.00
SBD 3.84