#steemitserye Third Edition : Dear @avhyaceulip, Kung Maibabalik ko Lang... 😭😭😭

in #steemitserye6 years ago (edited)

images (3).jpeg
broken

Habang binabasa at sinusubaybayan ko ang dalawang edisyon ng #steemitserye, sa patnugot ng ating butihing Ms. @Sunnylife at pagbibigay buhay ng mga batikang manunulat na sina @shikika, @jennybeans, @akoaypilipina, @lunamystica, @jemzem, @mallowfit, @iamdeth, @fherdz, @shirleynpenalosa, parang napakadali lang magbasa at magbigay ng payo, subalit ang sumulat ng isang istorya ay tlgang nkakapanlagas ng bangz kahit wala ako. Pero maraming salamat sis @sunnylife sa pagtitiwala at pagbibigay ng pagkakataon n makibahagi sa mga istorya ng #steemitserye

Ngaun po ay binubuksan ko ang ikatlong edisyon at sana magustuhan ninyo ang istoryang ibabahagi ko sa inyo,

Dear @avhyaceulip,

Magandang araw po, Ako po si Yanah, masugid po akong tagasubaybay ng #steemitserye, simula pa po kay AILEEN. Hanggang kay SARAH, at sana po ay maifeature nyo din ang aking istorya sa #steemitserye, narito po ang aking kwento...

images.jpeg
alarm clock
Pag tunog ng aking alarm clock ay dali dali akong bumangon at inayos ang aking kama, kinuha ko ang tuwalya at agad pumunta sa banyo, "Yanah, kumain ka muna!" Sigaw ng aking nanay na kanina pang madaling araw gising at nagluto ng aming umagahan "Opo Nay, pagkatapos kong maligo" pagkatpos kong maligo ay isinuot ko ang bagong bili ni tatay na pantalon ko at blouse, Sumubo ako ng konti at umalis na, Ngayon ang unang araw ng aking pagpasok sa MATAAS NA PAARALAN NG BATONG BAKAL, yehey High School na ako!!

Pagdating namin sa school ng bestfriend kong si Cathy, agad naming tiningnan ang Bulletin Board, doon nakapaskil ang mga sections namin, Naku magkaiba kami ng section, Naghiwalay na kami at nagtungo sa kanya kanya naming classroom. "Magkita na lang tayo sa recess best" sigaw ni Cathy habang papalayo. Pagpasok ko ng classroom naghahanap ako ng kakilala, nakita ko ung kapitbahay kong si Jerry, pero lalaki di kami close, friendly naman mga classmates kong babae, Maya maya pa ay dumating na ang aming Adviser, Si Mrs. Cecilia Madlangawa, mukha namang mabait at di terror, "Class, I will be your adviser, I am Mrs. Madlangawa," Nagpakilala kami isa isa, "Kilalanin nyo ng maigi ang bawat isa, mamaya after ng recess nyo we will have a class election" mababait naman mga kasection ko si Jane, Girlie, Lauren angmga naging kakwentuhan ko agad,

Pagkatapos ng recess ay nag-election na nga kami, nakikinig lang ako at nakikitaas ng kamay sa bet kong maging officers, "I respectfully nominate Yanah to be our Muse" biglang nagtakbuhan ang mga daga sa aking dibdib sa sinabi ni Lauren, "Hoy anu ka ba bakit ako, ang itim itim ko," bulong ko kay Lauren, habang pakiramdam ko ay binubuhusan ako ng malamig na tubig, "Lahat ng nominated for Muse ay pumunta rito sa unahan para makita kayo ng ayos ng mga classmates ninyo at mkapili ng iboboto" Lalo na akong nanlamig di naman ako sanay sa ganung atensyon, simpleng babae lang ako, di naman kapangitan at maitim pa, Anung panama ko dito sa mga kalaban kong sina, Marife na tisay, si Hannah na ma-ayos, at si Jocelyn na sexy, pero okay na rin at least sigurado akong talo.

" Ang boto kay Marife para maging muse taas ang kamay" tinaas ko ang aking kamay kasi siya talaga ang deserving, 10 kaming nagtaas ng kamay, 12 kay Hannah, 8 kay Jocelyn, 43 kaming lahat, ohhh my 13 bomoto sa akin,
"And our Muse is Yanah" palakpakan... 👏👏👏Nkakataba naman ng puso kahit nangangatal na ako sa hiya sa harapan, uupo na sana ako ng "Yanah diyan k na muna sa unahan, para makapili na ng iyong escort"
Gerry, okay naman mukhang gentleman,
Dylan, mahangin naman to," bagay kami ni Yanah diba kaya ako iboto nyo" ani Dylan,
at si Roy, mukhang suplado,... Tatlo silang nominated, okay naman kahit sinu manalo, at ang nanalo ay si Roy, pinalapit siya sa akin ni Ma'am dun ko lang siya nakita ng malapitan, mapungay mata niya, moreno at pagtingin niya sa akin ngumiti sya, May dimple ang lolo mo sa kanang pisngi, bigla akong kinabahan, eto ba yung Crush, ewan ko ba wala naman akong idea dun,
images (1).jpeg
muse & escort

Dahil sa pagkakahirang ko bilang class muse, may mga sulat akong natanggap galing sa kung kani kanino khit ibang section at ibang year level, "Dear Yanah, Pwede ba kitang ligawan?" , puro ganyan ang laman ng sulat, di ko naman sinsagot.
Isang araw habang naglalakad na kami ng bestfriend kong si Cathy palabas ng school, patakbong humahabol si Jane, "Yanah, Yanah saglit, may nagpapabigay," sulat na naman,

5431.jpg
love letter

 Dear Yanah, 
 Alam kong madami ka ng manliligaw, 
 nagbabaka sakali lamang ako na 
 mapansin mo, maari rin ba kitang ligawan, 
 matagal na kitang gusto pero nauunahan ako 
 ng hiya at takot na di mo pansinin, pero 
 nilakasan ko na loob ko ngayon. Sana 
 mapagbigyan mo ako. 

 Nagmamahal,
        35

Sino naman yun, nilagay ko n sa bag ko ang sulat at umuwi na kami, yun ngang ibang sulat may pangalan deadma ako, eto pa kayang number code lang nakalagay, pero habang naggagawa ako ng homework naintriga ako, Sinu kaya ung 35 na un, birthday nya kaya yun o baka edad, tanda naman nun para manligaw sa akin na 13 pa lang ako,
Kinabukasan, pagdating ko sa aming classroom ay nagpapaskil si Janna(secretary) ng isang cartolina na may pangalan ng mga Class Officers,

 Muse : Yanah Mae Robles
 Escort: Roy James Perez

Bigla ako kinabahan, Perez pala last name ni Roy, Siya kaya yung 35, Imposible naman suplado naman yun, napatingin tuloy ako sa kanya, na nakatingin din pala sa akin, napahiya tuloy kami pareho, kinahapunan may sulat na namang iniabot si Jane, "Jane, kanino ba to galing wala namang pangalan" ngumiti lang siya sa akin at tumakbo na palayo, binuksan ko na agad ang sulat, ewan ko bakit excited akong mabasa,

 Dear Mae, 
 Di nakita kukumustahin kasi minu-minuto 
 naman kitang nkikita at alam kong okay na 
 okay ka at lalong gumaganda, Pasensya ka na 
 sasulat ko kahapon walang pangalan, 
 nahihiya kasi talaga ako sa'yo, sana naman 
 sagutin mo na etong sulat ko ngaug 
 magpapakilala na ako at sana ay wag mo 
 naman akong iiwasan, Maari mo ba akong 
 ngitian pag nakita mo ako, Mae n lang tawag 
 ko sa'yo para unique. 

 Nagmamahal,

35 ROY PEREZ

Bigla tuloy bumilis ang kabog ng dibdib ko, ewan ko kung bakit, "Hoy bakit ngiting ngiti ka naman diyan" pansin sa akin ni Cathy, napahiya tuloy ako, di ko namamalayan nakangiti na pala ako, napatingin ako sa may kiosk malapit sa may gateandun pala si Roy, Nakangiti sa akin, napangiti din tuloy ako, panu bang di ka ngingiti sa napakalalim na dimple nya at mapupungay na mata, mapulang labi, binawi ko agad ang aking tingin at nagpatuloy sa paglalakad palabas ngschool, Habang naggagawa ng homework, nakita ko ang sulat ni roy sa mga gamit ko, binasa ko etong muli at para bang may nagbubulong sa akin na sagutin mo naman yung sulat, sa lahat ng sumulat sa akin wala akong sinasagot ang sulat, pero etong si Roy ewan ba.

Di ko namamalayan, sumusulat na pala ako ng sagot sa sulat ni Roy,

  Roy,
  Salamat sa sulat mo, akala ko suplado ka, 
 marunong ka din palang mambola, Bahala ka 
 kung gusto mo akong ligawan, pero sinsabi ko 
 sau, hanggang dun lang yun bata pa tayo at 
 magagalit si nanay at tatay.

Yanah Mae

Nagpatuloy ang pagsusulatan namin araw araw, nkakatuwa naman di nakukumpleto ang araw ko na di nkakatanggap ng sulat galing sa kanya, kahit na nagkikita naman kami araw araw di siya najubusan ng kwento, madaldal siya sa sulat, sa personal hanggang hi at ngitian na lamang kami,

Hanggang isang araw December yun after ng Christmas Party namin, pumunta si Cathy sa classroom namin, "Yanah di ako makakasabay pag-uwi, punta kami sa bahay ng classmate ko," Tumango na lang ako, di kasi ako sanay umuwi mag-isa lang kaya ko naman pero nasanay na akong kasama si Cathy,

Habang papalabas ng school may biglang lumapit sa akin, SI ROY!!!! "Mae, (sya lang tumatWag saakin nun) pwede bang sumabay sa'yo hanggang sakayan, narinig ko kasi si Cathy kanina sabi niya di daw siya makakasabay sa'yo", "Sige" yun lang naisagot ko, sobrang nahihiya ako, first time naming mag-usap ng hindi sa sulat, mga dalawang minuto na kaming naglalakad pero wala pang nagsasalita sa amin ulit, gusto ko ng magtanong, pero sobra talaga hiya ko, nagpapahuli kasi siyang maglakad mga dalawang hakbang ang una ko at kita ko sa peripheral view ko na nkatingin sya sa akin, hanggang sa natatanaw na yung sakayan nagsalita din sa wakas ang lolo mo, "San ka magchristmas?" tanung niya "Dito lang sa province, Ikaw?" sagot ko "Baka pumunta kami sa Manila sa Kuya ko, di kasi sila mkakauwi eh," At nakarating na nga kami sa terminal, "Sige sakay na ako, salamat sa hatid" Bago ako sumakay sa tricycle, hinawakan nya ako sa kamay.... Para akong nakakita ng multo sa shock, may iniabot siyang maliit na regalo sa akin sabay sabing "Merry Christmas Mae, see you next Year" sabay ngiti na labas ang dimple, di pa rin ako makagalaw, "Neng sakay ka na para makaalis na tayo," nagulat akong sabi ng driver, kumaway n ako kay Roy habang papalayo na ang tricycle, excited ako binuksan ko agad ang regalo habang nasa tricycle pa ako... May Note pa, Mae, wear this everyday, para lagi mo akong kasama silver na bracelet na may heart na palawit,😍😍😍
images (2).jpeg
bracelet

Lumipas ang buwan, araw araw pa rin siyang sumusulat, at tuwing biyernes, inihahatid niya ako sa sakayan, mahilig rin siyang pumutol ng bulaklak sa madadaanan namin at ibibigay nya sa akin,
Sumapit ang March, final exam na namin, one week to go at bakasyon na namin, ewan ko ba biglang nalungkot ang puso ko, mamimiss ko kasi ang sulat nya araw araw at ang hatid nya tuwing Friday, Last Day ng School namin, wala ng klase nagko-kumpleto lang ang mga estudyante ng clearances, Lumapit sa akin si Jane(pinsan pala to ni Roy) "Yanah, kung pwede ka daw makausap ni Roy mamayang Lunch sa likod ng conference room, sa may kiosk," sabi ko Bakit, di niya ba ako ihahatid sa sakayan mamaya, Friday ngayon diba, "Ewan importante daw eh" sagot ni Jane, "Cge pero samahan mo ako Jane ha" lunch na hinanap ko si Jane, at pumunta n kami sa sa likod ng conference hall, sa kiosk, andun na si Roy, kinakabahan ako pero nakangiti siya sa akin at may dalawang coke at packed food sa ibabaw ng mesa, "Jane diba may bibilhin ka pa" tanung ni Roykay Jane "Ay oo nga pala, dyan ka na muna Yanah ha," Ayaw ko man wala na akong nagawa, Kami na lang dalawa, anu ba bakit ba ako nito kakausapin, daming tanung, binigay nya isang pagkain sa akin, "Adobo-Rice yan binili ko sa canteen, favorite mong adobo diba" alok ni Roy, " okay lang di pa naman ako gutom, bakit ba tayo andito?" tanung ko, pero nahalata kong nalungkot siya sa pagtanggi ko, "Sige na nga kain na tayo," pagbukas ko ng pagkain may note

PWEDE NA BANG MAGING TAYO, CAN YOU BE 
MY GIRLFRIEND?

Muntik ko ng mabitiwan ang Styrofoam kong hawak, Anu bang gagawin ko sasagutin ko na ba siya, "Sige na kumain na muna tayo" , sabi sa akin ni Roy, Salamat para akong nabunutan ng tinik, kumain na kami pero di ko naman naubos kahit gusto ko yung ulam kakahiya namang damihan ng kain hehehehe,
Nagkwentuhan kami ng konti, tapos tumunog na ang bell, tapos na ang lunch," Okay lang take your time" bulong nya sa akin habang pabalik kami ng classroom, Di ko mapigilan nararamdaman ko natatakot na sobrang saya, kaya dinaanan ko bestfriend ko, "Cathy!!! HELP" Natatarantang lumapit si Cathy sa akin "Tinanung ako ni Roy, kung pwede na ba daw maging kami anung gagawin ko, parang ang bata ko pa, pero love ko na din naman siya, 1 taon n syang nanliligaw" nalilitong tanung ko kay Cathy, "Ikaw ang mkakasagot diyan loka ka, pero kung kelangan mo advice ko wala namang masamang sagutin mo mabait naman si Roy, at matiyaga kang niligawan ng halos isang taon, ikaw rin last day na natin ngayon, tapos magbabakasyon na yun sa Manila magkikita ng iba yun dun," pabiro pero kinabahan ako sa sinabi ni Cathy.

Habang pauwi na kami nakatingin sa akin si Roy, na para bang naghihintay ng sagot, ilang minuto n lang, matagal naulit bago ko makita ang kanyang ngiti na may dimple, "Roy, Oo" maikli kong sabi, napatingin siya sa akin at tumigil ng paglalakad kaya napatigil din ako, "Oo? As in OO, sa tanung ko?" nakangiti nyang tanung, "Ay teka di mo naman ako tinatanung ng personal eh?" Biro kong turan, "Mae, Mahal ko, Mahal mo din Ba Ako? Pwede na ba kitang maging GirlFriend," Tango na lang naisagot ko, nagulat ako hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan eto, sabay sabing "Salamat, Mahal na Mahal Kita, Di ko Sasaktan" At nagpatuloy na kaming maglakad papunta sa terminal, pagkasakay ko ng tricycle, kumaway siya sabay bulong sa hangin ng salitang ILOVE YOU!!!! Hayyyy @avhyaceulip para akong nasa ulap nun.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon, naging masaya ang aming relasyon as in masaya, konting tampuhan pero naaayos naman kaagad, napakilala na niya ako sa Mommy at Daddy Niya at ganun din siya kay Nanay at Tatay, basta bilin nila mag-aral ng mabuti, at sinunod namin yun.

At dumating ang araw na di ko akalaing dadating graduation day namin ng 4th year High School, masaya ang lahat inimbita ko si Roy sa bahay sa konting handa ko pagkatapos sa bahay, pinagpaalam niya ako sa magulang ko na isasama ako sa kanila, pinayagan naman ako, masaya naman, nakigamit ako ng banyo, habang nasa banyo narinig ko ang kwentuhan ng kuya niya at ng tito nila, "Ayan ngang si Roy ay pinagsi - Seaman ko, pero sabi ko ay wag na munang mag girlfriend at baka di makatapos" Para akong sinemento sa loob ng banyo, May ganun palang eksena ang kuya niya sa akin, pinalipas ko pa ng mga 2 minuto pa bago ako lumabas, para deadma na, Di ko na lang inisip yun, kuya lang naman niya yung nagsabi di naman siya, mga bandang 4PM nagpaalam na kami sa magulang nya, hiniram Niya ang Motor ng Pinsan niya para mahatid ako, Nagulat ako bigla siyang huminto eh malayo pa naman ang amin, Simbahan pala, pumasok kami walang gasinong tao, mga 5 lang siguro, umupo kami sa may gilid at nagdasal, pagkatapos naming magdasal may inabot Siyang sulat sa akin, "Sa bahay mo na lang basahin" alam naman niyang binabasa ko agad pag may sulat siya, binuksan ko na, pero pinipigilan nya ako, pero di pa rin sya nanalo naiintriga ako anu bang laman nun, pagkabukas ko ng sulat patakbo siyang lumabas ng simbahan, mas lalo akong kinabahan,

    Dear Mahal Kong Mae, 

   Congratulations sa atin Yehey College 
   natayo, salamat  sa 3 taong napakasayang 
   parte ng buhay ko, yun ay naging girlfriend 
   kita, 
   Sa Manila ako pinagka college ng Kuya ko, 
   Siya magpapaaral sa akin Mae, sorry ngaun 
   ko lang nasabi, sinasamahan kitang kumuha 
   ng mga college Entrance Test Dito sa atin 
   kasi ayaw. Kong sumama loob mo, Sorry 
  talaga. 
  Sobrang sakit Mae, pero kelangan ko 
  munang magpaalam sayo, gusto ko mang 
  ituloy ang meron tayo pero napakalayo ko 
  Manila ako tapos dito ka sa Palawan, di ko na 
  magagampanan ang pagiging boyfriend ko 
  sayo, kaya pinapalaya n kita, Mahal na Mahal 
  kita tandaan mo yan. Di magbabago yun, 

 Nagmamahal, 
        Roy

Daig ko pang binaril sa nabasa ko, di ako makagalaw at walang tigil ang agos ng luha sa mga mata ko, lumapit na sa akin si Roy, "Sorry, Mae!" yun lang ang nasabi niya habang sinusubukang hawakan ang aking kamay, pero kinukuha ko ito pabalik "Ganun lang yun Roy!" pabulong ngunit madiin kong iyak sa kanya. "Nangako kang di mo ako sasaktan, pero anung ginagawa mo ngayon, May iba ba ha?" umiiling siya habang umiiyak na nakatungo "Mae alam mo at alam ng Diyos wala akong iba, kaya ko eto ginagawa ay mas masasaktan ka kapag nasa Manila na ako at baka di n ako makauwi lagi, kasi susunod na dun sina Mommy at Daddy," para akong sinsaksak sa sakit nun @avhyaceulip di na ako maksalita kaya tumayo na ako at lumabas ng simbahan sumunod agad si Roy at iniaabot sa akin ang helmet, di ko kinuha, tuloy tuloy lang akong lumakad papuntang sakayan ng jeep, " Wag ganito Mae please, ihahatid kita sa inyo" pero agad akong sumakay ng jeep at di ko siya nilingon, sobrang iyak ko nun buti 2 lang kaming sakay ni tatang na nasa unahan, sa dulo sa likod ako pumwesto,
Iyak ako ng iyak ayaw kong umuwi sa bahay ng ganun ak kaya bumaba ako sa bahay nila Cathy, "Tita, si Cathy po?" sabay na si tita na diretso diretso ako sa bahay nila, buti nasa kusina sya "Anjan anak sa kwarto nya akyatin mo na, nagbibihis yun, pero kumain ka muna," pasigaw na sagot ni Tita, "Okay lang po ta busog pa po," umakyat agad ako at pumasok sa kwarto ni Cathy, nanagbibihis pa "Ay! Anu ka ba naman Yanah di ka man lang kumaka...." natigilan sya ng makita niyang umiiyak ako, lumapit siya at tinanung ako, kinuwento ko sa kanya lahat lahat, "Hay, naku si Roy, anu bang klaseng dahilan siya meron, nakakagalit siya" nangigigil na sabi ni Cathy, "Sige lang iiyak mo lang, try ko kausapin si Roy" agad ko siyang pinigilan, "Huwag na Cathy," nagpalipas lang ako ng mugto ng mata, at nagpaalam na ako kay Cathy. Pagdating ko sa bahay sabi ni nanay, "Oh, bakit nagpunta dito si Roy, hinahanap ka" gulat na tanung ni Nanay, " Ay di niya lang narinig kanina Nanay, sabi ko punta ako kina Cathy," at dumiretso na ako sa kwarto ko, magdamag akong umiyak, sobrang sakit talaga @avhyaceulip,
images (4).jpeg
heartbroken

Naghintay ako, na baka isang araw pupunta siya dito sa bahay at babawiin ang mga sinabi niya, lumipas ang araw, linggo wala pa rin, nabalitaan ko na lang kay Jane na lumuwas na sila kasama na mga magulang niya, Nawalan na ako ng pag-asa, 😔😔😔

Nagpatuloy ang buhay ko, nagcollege na ako, Nursing ang kinuha kong course, masaya naman nagfocus ako sa pag-aaral ko. At ngaun 3rd year college na ako, isang taon na lang may nurse na sila nanay at tatay, wala na akong balita kay Roy pero tuwing maaalala ko siya nasasaktan pa rin ako, buti na lang at lagi akong pinapasaya nitong mga barkada ko, syempre si Cathy at si Jane at si Mariz at si Ryan at si Joey na nakilala na namin sa college na mga nursing din, tagal na nilang pinipilit sa akin si Joey 1st year pa lang kami pumoporma na kzi, "Anu ka ba best, sagutin mo na si Joey, 3 taon na yang nagtitiyaga sayo," patudyong utos ni Cathy, "Anu ba kayo, mahirap namang sasagutin ko yang si Joey, na wala akong nararamdMan barkada tayo," lagi kong sagot sa kanila yan.

Minsan habang nasa birthday kami ni Mariz, lumapit sa akin si Joey, "Yanah, di naman sa minamadali kita, pero malapit na tayung grumaduate, baka naman" at talagang sinabi niya yun sa harap ng buong barkada" Sasagot na yan! Sasagot na Yan!!" sabay sabay nilang sigaw sa amin, mabait naman si Joey, gentleman, tisoy, matangos ang ilong at matangkad, ewan ko ba baKit sa akin to nagtitiyaga, nakabingi mga barkada ko ayaw nilang tumigil ng di ako sumasagot, "Okay sige, sige Joey, payag na akong MU (mutual underdtanding) tayo" biglang natigilan ang lahat "After a month ko sasabihin ang sagot ko" at tuwang tuwang lumapit sa akin si Joey "Salamat sa pagkakataon" bulong niya sa akin,

Masaya namang kasama si Joey, araw araw niya akong hinahatid, nagmi-message din kami araw araw, 3 weeks na ang nakakalipas simula maging MU kami, siguro nga handa na akong magkaboyfriend ulit, pero di na kagaya ng pagmamahal ko kay Roy,

Minsan habang nagriresearch ako sa library may nagmessage sa akin, "Hi Mae, kumusta ka na?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Mae, pero panu niya malalaman number ko, ohhh malamang si Jane pinsan nuya, tinanung ko Sino siya kasi di nakaregister number niya sa phone ko, Roy to, kumusta ka na, andito na ako sa Palawan ulit nkagraduate na ako at mago-OJT na ako dito sa barko sa atin, ikaw musta ka na?" Bigla akong natigilan, di ko alam ang gagawin ko bakit biglang bumalik lahat, "Ok naman ako malapit na rin akong maka graduate" di ko namamalayang sinagot ko na pala ang message niya, "Miss na kita Mae ko, sana mabigyan mo pa ulit ako ng isa pang pagkakataon"

😭😭😭 @avhyaceulip HELP!!!, Anung gagawin ko, Mabait si Joeyat ayaw ko siyang masaktan, pero bakit bumabalik ang lahat sa message ni Roy,

Sana ay matulungan mo ako at ng mga taga subaybay ng #steemitserye, pasensiya n sa napakahabang sulat,

Lubos na umaasa at naloloka,

YANAH MAE

Ayan po ang istorya ni Yanah Mae, sana matulungan natin siya, at ipinapasa ko na ang pluma sayo sis @zephalexia, ikaw na ang baHalang sumakit ang bangz

Thank You For Dropping By!!!


Steeming to the Moon,



Always look at the brighter side ❤️❤️


Sort:  

Akala ko nga pocketbook ang binabasa ko waaaaa..naalala ko tuloy ang highschool life hahaha..high school life oh my high school life every memory kay ganda hehehe! grabe sis avhy ang galing-galing mo po 😉😀

sis anong hskul lafy mo hihihi tara dali wento na hehehe
miss u, bawi na lang ako sa susunod:) mua

Thank you sis @taminites hehehehe high school life talaga is the best,,, 😘😘😘

Ano po mapapayo mo kay Yanah sis hehehe

sis anong hskul lafy mo hihihi tara dali wento na hehehe
miss u, bawi na lang ako sa susunod:) mua

wahahaha sis ang hayskul life ay araykupo hehehe parang hawig sa wento ni @avhyaceulip.. truelulu...nurse ship na sya ngaun at happily committed sa kabaro nya lol..

ayayayay hehe ganern? naubos bangz ko sau sis hehehe

Hehehehe nakakatuwang balikan ang high school life

OMG!! Sobrang ganda sis @avhyaceulip ... Kinilig ako ng bonggang bongga sa ligawan stage hahhaha tapos basta sobrang mix emotions tlaga at tyaka very relatable siya kasi pang teens.... Ang galing mo ate sobra ... 👏

Thank you dear @jennybeans.... Ginawa king young love para lahat tayo relate hehehehe 😘😘😘

hi @avhyaceulip, sorry ngaun lang ako ulet naging free..pero binasa ko to haha.. kinilig nga ako eh.. ngaun naman punta na ako sa susunod na part gawa ni @zephalexia.. .ganda ng story...

Thank you @iamdeth.... 😘😘😘

oh oh my my buong pocket book binasa ko na haha
sakit sa bangz sis! gravee kinilig ako bitin sobra!!
ang hirap naman, mga lalaki talga at ang puso tsk tsk.
ganda ng flow ng storya sis! salamat sayo!! grvee!
panalo!

Thank you thank you sis, sobrang na pressure ako sa 1st and 2nd edition gaganda ng story. Kaya napahaba ang story ko hahahahah

sakit sa bangz, anong naging inspirasyon mo d2 sis hihihi
cguro love life mo to hihi

Hahahaha hirap nga humugot sis ng story kasi yung husband ko was my first boyfie kaya naubos bangz ko kakaisip hahahaha though yung high school lovers sa amin yung hugot kong yun hehehehe

I wish I knew your language.
I just hope you are not feeling heartbroken my friend.

Ohhh it is a fictional story my friend, it is a young love story from high school and then they last for almost 4 years then all of a sudden the boy dump the girl because he will be studying far from their place, then after 3 years he came back and trying to win her heart again but there's another guy who's making the girl happy right now... The question now is who will she choose the past or the present.... ☺️☺️☺️

Ang galing mo ..kinikilig ako ng level up... para ako 10=ager. Sis 😁😁.wow...nakangiti ako habang nagbasa nito...kilig much pa more..hahahaha..😁

Hehehehe thank you dear.... Ikaw sali ka ha...

Hehehe..nakagawa na ako sis..😁😁

This post has received a 2.82 % upvote from @boomerang.

follow your heart Yana :) hehe

Thank you ms. sunny... Yanah ☺️😘

yun oh. nag start na pala. hehehe. bata na naman tayo niyan mam. @avhyaceulip

Waaahhhh.....sissy @sunnylife & @avhyaceulip saka mga ka #steemitserye ngayon pa lang po ako nakachance dito. Waaahhhhh. Graveh! Nabuang ako sa love letters. Ang sarap makatanggap ng love letters. Hahaha. Sakit sa bangz. Naloka rin ako sa pagsulpot ni Roy. Waaahhhh. Mga Roy talaga grabeh maging sa steemitserye hanep kung pumorma. Hahahaha.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64271.38
ETH 3157.43
USDT 1.00
SBD 4.25