Likhang Filipino sa Steemit Ika-apatEdisyon

in #steemph-antipolo6 years ago (edited)

Likhang Filipino sa Steemit: Ikatlong Edisyon

Untitled.jpg

Mapagpalang gabi po sa inyong lahat! Una sa lahat, binabati ko po ang mga "Ina" na walang sawang nagmamahal sa ating lahat. Kaya naman ang Ikatlong Edisyon ng Likhang Filipino dito sa Steemit ay ihahandog natin sa kanila. Katulad ng mga nakaraang edisyon, kami po rito sa @steemph.antipolo ay mamimili ng tatlong(3) akda na nakasulat sa Filipino na inilimbag sa Steemit. Ito po ang ating paraan upang mas mapalawak at makahikayat pa lalo ang ating mga kapwa Pilipino na sila ay sumulat sa ating wika. Sa pamamagitan nito, mapapahalagahan pa rin natin ang ating wika sa gitna ng Steemit na pulos Ingles ang ginagamit dahil karamihan ng miyembro dito na naglilimbag ay iba't ibang lahi mula sa iba't ibang bansa. Kaya naman ang salitang Ingles talaga namang importante na matutunan ng karamihan dahil ito ang nag-uugnay sa atin sa mga taong maaaring makilala pa, lalo na kung tayo ay mangingibang bansa.
Napagdesisyunan po namin na ang 3 akda na aming pipiliin ay ang mga kwento sa kanilang mga "Ina". Naririto po ang aming napiling 3 mga akda patungkol sa kanilang mga Ina. Mula sa ika-7 hanggang sa ika-13 ngayong Mayo kaninang alas dose ng tanghali.

PAMAGAT: Ang aming DAKILANG ilaw ng tahanan
LINK: https://steemit.com/kwentong-nanay/@yo-mikhael/ang-aming-dakilang-ilaw-ng-tahanan
MAY AKDA: @yo-mikhael
Ito ay isang malungkot na pangyayari na maaaring dumating na pagsubok sa bawat mga anak. Ang magkaroon ang ating Ina ng isang sakit na maaaring maging dahilan upang sila ay tuluyang kunin sa atin ng paunti-unti. May kung anong kurot sa aming puso dahil karamihan ng nasa akda na ito ay naranasan nating lahat. Sana ay mabasa ninyo ito mula sa simula hanggang sa katapusan mula kay @yo-mikhael.

PAMAGAT: Ang Tunay na Kwento ni Nanay
LINK: https://steemit.com/kwentong-nanay/@mariejoyacajes/ang-tunay-na-kwento-ni-nanay
MAY AKDA: @mariejoyacajes
Ito naman ang isa sa pinakanakakatakot sa lahat na magkaroon ng karanasan. Sa tagpong ito, mahirap tanggapin na mawalan ka ng mahal sa buhay lalo na ang iyong Ina na ang tanging alam lang ay ang mahalin ang kaniyang Pamilya. Dito ay winakasan ng isang di-nakikilalang tao ang buhay ng kaniyang Ina sa pamamagitan ng pagbaril sa katawan at ulo nito. Nakakapanindig-balahibo na hanggang ngayon ay maaari itong mangyari sa atin dahil sa ating lipunan ngayon na nagkalat ang masasamang loob. Talagang kasumpa-sumpa ang taong may gawa nito sa kaniyang Ina. Sobra akong nabalot ng lungkot at takot sa akdang ito Ni @mariejoyacajes.

PAMAGAT: Maligayang araw ng mga nanay
LINK: https://steemit.com/philippines/@jercmonteverde03/maligayang-araw-ng-mga-nanay
MAY AKDA: @jercmonteverde03
Ang akda namang ito ay nagpapahiwatig na hindi lamang "Ilaw ng tahanan" ang kaniyang Ina kundi pinto, upuan, lamesa, unan at siya mismo ang mismong tahanan na yumayakap, nag-aalaga, pumuprotekta, nangangaral, nagpapasaya at nagmamahal sa kaniyang Pamilya. Ito ay isang katotohanan pagdating sa ating mga Ina at sa akdang ito naramdaman ko ang pasasalamat Ni @jercmonteverde03 sa kaniyang mabuting Ina na talaga namang nagmamahal sa kaniya.

Ang wikang Filipino na mga ginamit ng mga may akda ay talaga namang kahanga-hanga ang kanilang pagsusulat mula rito. Lalo na ang bawat akda ay tungkol sa kanilang mga Ina. Napakasarap basahin ng mga ito sa ating wika. May mga parte man na malungkot sa mga ito, may mga aral namang kapupulutan ang bawat isa sa atin. Kung ito ay nasa salitang Ingles din ay siguradong napakahusay nito at mas marami ang maluluha sa mga akdang ito dahil sa mga kwento ng kanilang buhay na maaaring maunawaan o maintindihan ng ating mga kasama sa Steemit na mga ibang lahi. Muli, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa ating wikang Filipino at sa inyong walang sawang pagsuporta ganun din sa pagbabasa. Hanggang sa susunod na edisyon. Maraming salamat po!


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, @steemph.manila, @steemph.laguna, @steemph.uae, @steemph.negros,@steemph.antipolo and @steemph.bulacan.

Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs, @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

Sort:  

@therealwolf 's created platform smartsteem scammed my post this morning (mothersday) that was supposed to be for an Abused Childrens Charity. Dude literally stole from abused children that don't have mothers ... on mothersday.

https://steemit.com/steemit/@prometheusrisen/beware-of-smartsteem-scam

Sana lahat ay magsalita ng englis sa steemit but ako sinubukan ko lang eto

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63157.91
ETH 3096.77
USDT 1.00
SBD 3.91