Ang pagtutulungan ng @steemph.antipolo at ni @tagalogtrail

lingkodsteemit.jpg

Kami po sa @steemph.antipolo ay nagagalak na makipagtulungan kay @tagalogtrail sa kanyang mga adhikain na palawigin ang paggamit ng wikang Tagalog sa Steemit. kung kaya't aming napagdesisyunan, sa permiso na rin ni @tagalog trail na aming bibigyan ng karagdagang 5% na upvote ang bawat miyembro ng pangkat na magawawagi sa Lingguhang #tagalogserye.

Ang @tagalogserye po ay isang munting hamon ni @tagalogtrail sa mga manunulat ng wikang Tagalog na magtulong-tulong na sumulat ng isang kwento kung saan dudugtungan ng kasunod na manunulat ang unang naisulat ng kanyang kapangkat hanggang nag lahat ay makapagambag ng kanyang bahagi ng kwento at mabuo ang hamon.Ito po ay boluntaryong gawain ng mga sumali sa hamon.

Sisimulan po namin ang pag-upvote sa lahat ng miyembro ng Ikalawang pangkat na siyang nagwagi sa Ikalawang Edsiyon ng #tagalogserye. Sila ay sina @beyonddisability, @ailyndeomonte, @valerie, @jemzem at @itsmejayvie. Kung lumipas na ng 6 na araw ang mga inilahok na blog ng mga pasapi ng pangkat ay iboboto ng @steemph.antipolo ang pinakahuling post ng awtor. Sa mga oras na ito ay tumatakbo na ang ikatlong edisyon. Sa mga nais pong maunawaan at makilahok sa adbokasiyang ito mangyari po na pumunta lamang kayo sa akawnt ni @tagalogtrail.

Si @tagalogtrail po ay tagahanap, tagabasa at tagacurate ng mga gawang Tagalog. Siya rin po ay nagtatampok ng mga gawang Tagalog mapasanaysay, tula, kwento, awit, anenkdota hanggat bawang Tagalog ay maaaring matampok.

Para naman po sa nais mabasa ang akda ng mga nagwagi narito po ang mga link na may temang Gotiko para sa nagdaang Linggo

y.png

Sort:  

Yes I know

Salamat din po ng marami @steemph.antipolo sa inyong suporta sa adhikaing ito. Mas pahihirapan gagandahan pa namin ang mga prompts para sa mga sasali at sa ibang mga patimpalak para mas malinang pa ang pag gamit ng wikang tagalog.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70733.96
ETH 3563.16
USDT 1.00
SBD 4.76