Obra ko'y Akin, Obra mo'y Sayo

in #steemph6 years ago

image
Ikaw,
Oo ikaw na nakaupo sa mumunti mong upuan habang binabasa ang tulang ito
Ikaw na nariyan sa loob ng apat na sulok ng iyong kwarto
Isa ka rin ba?
Isa ka rin ba sa iilang kabataang nagnanakaw sa obra ng iba?
Sa obrang ika'y naakit at natukso para sa pansariling benepisyo?

Ikaw ba'y nasisiyahan?
Sa obrang ni katiting na pagod, ika'y walang inambag?
Ikaw ba'y karapatdapat sa papuring ninakaw mo sa iba?
Sa obrang alam mo sa iyong sarili
Ay di ikaw ang nag mamay-ari?

Ikaw,
Oo, ikaw
Ikaw na mandurugas, magnanakaw, manggagaya
Ika'y tumigil na
Tumigil sa pagnanakaw at pagkuha sa obra ng iba
Dahil ikaw,
Ikaw na nakaupo riyan at nagbabasa
Ikaw mismo'y may magagawa
Sariling obra na batay sa sariling talento't kakayahan

Dahil ikaw at ako,
Ay may natatanging kakayahan
Huwag ikahiya ang iyong nalalaman
Ibahagi ito sa karamihan
Ako'y nakatitiyak ito'y hahangaan
'Pagkat ito'y mula sa sariling utak at mga palad

Ikaw,
Oo, ikaw
Ano man ang kulay at lahi,
Wika at kaugalian
Ikaw ay may magagawa
Sapagkat ang talento ng Pilipino ay 'di limitado sa apat na sulok ng silid na iyong kinalalagyan

Ang obra ko'y akin, obra mo'y sayo
Ang akin ay akin lamang, ang sayo ay sayo lamang

Sort:  

Tama tama yung mga mahihilig kumuha sa wattpad at FB page dyan. Pwede naman ma inspire, kumuha ng ideya at porma. Pag-aralan ang kanilang likha pero ang pagkopya mismo sa kanilang gawa ay isang malaking ekis.


Hello @artbyadrian! Ang akdang ito ay napili sa aming ika-58 na edisyon ng @tagalogtrail. Patuloy lang po tayong lumikha ng magagandang akda sa wikang Tagalog

Upvoted and resteemed po ang inyong post.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

"Ang obra ko'y akin, obra mo'y sayo, Ang akin ay akin lamang, ang sayo ay sayo lamang" <-- I loved this catch phrase... What we need in the platform is guys who still believed in content quality and originality...you see you got @c-squared votes by working hard, congrats

Thank you so much!

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 69965.85
ETH 3540.49
USDT 1.00
SBD 4.71