Pinakapaboritong Laro? Pata-pata-pata-pon! 😂

in #steemph6 years ago (edited)

Wla ako masulat kaya eto sali n lng ako s kontes ng SteemPH.

Favorite game ang theme this week and last na daw so sulat na lang ako para masaya. Ang tagal bago ko naisip yung favorite game ko actually. Di ko lam e, sa dami-dami ng nilaro ko since bata susme pa'no ba ako pipili ng favorite game di ba? Lol.

Since bata ako naglalaro na ako sa computer. 3 yrs old p lang ata ako nun or 5? Basta naaalala ko pinapalaro na ako sa computer noon haha. Jusmio wag ko na ikwento kung ano bsta un ang nakaraan. Kaya siguro hanggang lumaki ako naglalaro ako sa computer at di ako masyado naglalaro sa labas. Mas bet ko tlga online kesa larong pisikal. Pero nag-PE rin naman ako so keri lang.

image.png

Natuto rin naman akong mag-bike nung elementary. Di ako magaling mag-jackstone. Naglaro rin naman ako ng patintero tsaka mga tsinelas games ewan ano mga un. Jusko. Lol. Tapos ung mga chinese garter nakow. Alam m yung nayaya ka lang maglaro, sali ka naman? Ganun lang kaya ako napalaro ng mga ganyan kahit di ko naman hilig. Haha. Buhay bata napakasimple grabeh.

Wag ko n banggitin yung mga ibang nilalaro kong computer games noon. Mapaghahalata edad eh. Hahahaha. Eniwei so yun, nung high school di n ako masyado nakakalaro sa computer kasi sa school lang meron no'n. Console games nakikihiram lang ako s pinsan ko, naglalaro kami. Tas sa arcade na malapit gano'n. Kahit sa probinsya namin meron din naman gano'n dati. Lalo n siguro ngaun? Hay.

Ang haba naman ng intro ko. Teka so nung nag-college ako wla pa rin d pa rin ako nakakalaro sa computer. Not until maka-transfer ako s Manila dahil sa aking lola. (Salamat Lola kong sponsor!!! Jusko kundi dahil sa kanya di ako nakapag-graduate.)

At dahil balik Manila ako ulit ay waw ang saya. Hahaha. Allowance na pang-project, shempre pang-computer games na rin. Lol. Di pa uso online pagkakakitaan noon. Pero actually meron na mga click click ka lang pero shempre di ko na ginagawa kasi busy sa school and projects. D pa ako mukhang pera noon. Cheret. Hahahaha.

So anyway ang mga games na nalaro ko dati nauso yung MMORPG, so shempre Ragnarok. Boom panes yung ibang online games. Naadik ako jan noon. Hala lagot. Buti natigil ko kasi kundi naku wla na nangyari sa pera/allowance ko noon. Hahaha. Baka mahalata. Cherets. Hahaha.

Ang haba ng intro ko, basta marami ako nalaro na mga computer games. Meron pa yung Lineage I or II ba yun... Lagi ako ginagawang healer e gusto ko makipagbakbakan. Luh. Bahala yung leader namin noon mainis basta makikigulo ako sa laban. Ipipilit na gawin akong healer, ano, sila lang masaya? Hahahaha. In short, di na kami friends pero di dahil sa gaming.

Pero ano nga ba favorite game ko? Sige na tama na daldal di ba? Pero kasi after college, bihira na ako makalaro sa computer. Nung magka-PSP at PlayStation mga kuya ko ayun saka lang ulit ako nakalaro. Final Fantasy X yung isa sa nalaro ko, sa haba at pati side quests di ko na natapos kahit nasa bandang dulo na ako.

Eniwei iba kasi tlga yung title ng post ko na'to kanina. Pinalitan ko lang yung title may naalala kasi ako dahil sa God of War. Haha.

image.png

Matindi ang God of War naku. Sobrang astig. Umabot na nga sa nagka-anak na si Kratos aba naman di na ako nakalaro ulit. Hahaha. The last time na nalaro ko yan was back in 2013. Which reminds me, dapat mag-download ng mobile game na lang. Omg meron yata nyan s mobile. Hahaha.

So ano ba talaga yung favorite game ko? Eto na, eto na, ang tawag ay Patapon. Haha. Niloloko ko lang ba kayo? Wla naman game na patapon d b? Hahaha. Itapon sa basura! Charot. 'De, meron nga tlga yan.

Ang Patapon ay isang laro sa PSP. Ang cute cute at napaka-musical nyan. :) Mag-eenjoy ka kakalaro. Eto check m trailer.

D m masyado maa-appreciate until malaro mo yan pramis. Lol. Meron na pala mobile emulation ata. Check ko later. Hahaha. Nagsasawa na ako s games sa phone ko eh.

So bakit ko favorite ang Patapon? Kasi nga cute tsaka yung rhyme ng laro tas mapapapindot ka talaga. Pata-pata-pata-pon! Haha. Alam mo yung kakaadik di mo titigilan until matapos mo. Tapos may mga mini-games at may mga cute characters/activities din. Maaaliw ka talaga sa tugtog/adventure/laban. Mas natuwa pa ako dito kesa sa Super Mario Brothers na games.

Mas okay pa'to sa'kin kesa Angry Birds. If naglaro ka ng Guitar Hero at iba pang musical games e mag-eenjoy ka rin dito. Ang natapos ko na laruin dati is yung Patapon 1 & 2. Yung 3 baka mobile ko na lang laruin/tapusin. Hahaha, hanapin ko muna.

Teka parang wala ako masyado masabi about the game. :P Basta kasi check more YouTube vids na lang or laruin nyo rin sa PSP if meron kayo para matuwa kayo. Haha. Ayun lang.

Teka lang... meron pa pala akong favorite na game pero eto kasi favorite game ko in terms of cuteness, adventure and musicality. :D So ok na'to. Ito n lang. Basta magda-download din ako mamaya sa mobile ng God of War na pwede sa phone tsaka Patapon 3 if meron. Woohooo!

XOXO,
@artgirl

P.S. If you don't have Byteball yet read this so we both will get extra $$$. :)


For my art, writings and other posts, feel free to check my blog page.


IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg

WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.


Game images from Wikipedia articles. Biking image from Pixabay.

Written by @artgirl for Steemit.
© Art x Stephanie Rue

@artgirl is a freelance artist and also an online seller. For art and writing commissions, feel free to contact me.
You can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.


IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg


468x60 btc.gif

468x60 bch.gif

image.png

my-Bitlanders-banner2.gif



Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.

♥ Thanks! ♥

Sort:  

Natapos kong basahin ang gawa mo nang nakangiti! Paano ba naman, may background music sa isip ko. Pata-pata-pata-pon! Pon-Pon Pata Pon! Chaka chaka Pata Pon! Paulit-ulit na nagpplay sa isip ko yan. hahaha.

Salamat sa pagsali @artgirl :-)

Hehe. Masaya rin laruin pag catchy. Thanks din s pa-kontes. 😊

Posted using Partiko Android

ako naman Patapon3 na ang nalaro ko. hindi ko nasubukan ung 1&2
sobrang naadik ako sa Patapon3. pina-level up ko lahat ng class at pinakapaborito ko ung PUSA na malakas mag-critical hit. Don-Don-Chaka-Chaka muna sabay Pon-Pon-Pata-Pon
patay agad ang mga BOSS. tapos kinulekta ko din mga weapons at armors, equipments, sasakyan at kabayo. may dalawang mission lang ako na hindi natapos dahil kailangan ng 4players na naka-WLAN. isang Paring Penguin din para sa matinding support at para sa buffs.😊 masyado na yatang nahahalata na adik ako sa Patapon3 😂

Whoaaa. Hahaha. Orayt!

Posted using Partiko Android

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70601.11
ETH 3576.21
USDT 1.00
SBD 4.78