Saan Nga Ba Ako Talentado

in #steemph6 years ago

Naranasan niyo na bang pinagsayaw kayo ng magulang niyo sa reunion o sa isang handaan sa opisina nila? O kaya naman ay pakantahin na lang bigla kapag may bisita kayo sa bahay. Yung tipong ay itong si ko, mahusay itong umawit/sumayaw/tumula/kumain ng bubog/bumuga ng apoy/tumambling nang limang beses sa ere at kung anu-ano pa.

Ako kasi hindi. Walang kahilig-hilig magyabang kasi ang mga magulang ko. Hinahayaan lang nila ako kung ano ang gusto kong gawin kapag may mga party basta huwag akong mang-aaway o magpapaapi sa mga kalaro ko, ayos na sa kanila ang ganoon. Mahiyain din kasi talaga ako noong kabataan ko. Sa kabilang banda, ngayon ko naiisip na nahirapan akong maghanap kung ano ba ang talento ko talaga. Gayon pa man, ang mga magulang ko naman ay hindi rin naman nagkulang sa pag-e-expose sa akin sa iba't ibang talento.

Talentado sa Larangan ng Musika?

Gitara

toy-3245426_1280.jpg
Pinagkunan

Ang tatay ko ay magaling maggitara noong kabataan niya. Alagang-alaga niya pa ang luma niyang gitara noon. Sa edad kong anim na taon, sinubukan niyang turuan ako kumalabit ng kwerdas. Hindi ko iyon nagustuhan dahil napakasakit sa daliri. Pakiramdam ko ay masusugatan ako. Kaya hindi ko iyon itinuloy.

Banduria

bandpalalh004e-thickbox.jpg
Pinagkunan

Hindi ko naman maisip kung ano ang pumasok sa isip ng Nanay ko dahil ipinasok niya ako sa grupo ng Banduria sa eskwelahan namin. Tingin ko ay kalangan niya lang ng ligtas na mapaglalagyan sa akin habang ihinahatid niya ang bunso naming kapatid sa kindergarten. (Madiskarte rin talaga to si Aling Fanny eh.) Nang makita ko ang banduria ay nagitla ako. Mas maraming kwerdas. Aatras na sana ako kaya lang umalis na si mama, wala na rin talaga akong mapupuntahan noong unang araw kaya sinubukan ko na rin. Natuwa naman ako pero umabot lang ng isang taon ang pag-aaral at pagtugtog ko ng Banduria.

Keyboard

maxresdefault.jpg
Pinagkunan

Doon na nagsimula ang hilig ko sa pagtugtog. Sumunod kong inaral ay ang keyboard. Yung de-numerong tugtugan. Natutunan ko yung Happy Birthday, Twinkle Twinkle Little Star, London Bridge is Falling Down, at kung anu-ano pang nursery rhymes.

Lyre

maxresdefault (1).jpg
Pinagkunan

Napasali rin ako sa Lyre band sa eskuwelahan namin. Gustong gusto ko ang tunog ng bawat pagpalo sa lyre. Kaya kahit wala akong ganun sa bahay, nag-drawing pa ako ng kunyaring lyre at nag-ensayo sa nakadrawing na piyesa ko. Nakatugtog ako nang ilang beses sa eskwelahan namin. Bawat pagbisita ng Mayor sa amin, kami ang pinapagtugtog. Umayaw lamang ako nang binigyan kami ng bagong uniporme. Hindi ko nagustuhan ang iksi ng palda kaya walang sabi-sabing umalis na lang ako sa grupo.

Flute

flute-2245041_1280.jpg
Pinagkunan

Noong nag-highschool ako, natuklasan ko naman ang hilig ko sa flute. Madalas akong mag-ensayo kapag wala pa ang guro namin. May minsang napakalma ko ang lahat ng kaguluhan sa kwarto namin dahil sa pagtugtog ng flute. May nanghiram ng flute ko kaya natigil ang pagtugtog ko. Matagal bago niya naisauli pero ayaw ko nang gamitin ito uli nang muli kong mahawakan ang flute ko. Huwag niyo nang itanong kung bakit.

Gitara pa ulit

guitar-756326_1280.jpg
Pinagkunan

Nabalik ako sa paggigitara. Kung alam ko lang na mas malakas ang dating ng babae kapag marunong maggitara, sana ay sineryoso ko yung pagtuturo sa akin ni Papa dati. Pero kahit papaano, natuto ako ng basics. Alam ko tipahin ang mga chords. Marami akong natugtog. More than Words, Forevermore, If, 214, at iba pa. Yun nga lang, kung may Intro-girls, ako siguro ang founder. Panay intro lang kasi ang alam ko sa mga kantang na iyan. Hindi na nawala ang hilig ko sa paggigitara. Nakatugtog pa ako noon sa simbahan para sa misa namin. Noong naka-graduate naman ako at nagkatrabaho, nadagdagan ang mga kaya kong tugtugin at nakakabuo na rin ako ng kanta. Lalo na kapag nag-iinuman, nakakapag-medley pa ako lalo kapag napasarap na ng inuman. Sinikap kong dagdagan ang kaalaman ko sa paggigitara at inaral ko ang Pentatonic. Marahil ay dahil sa naging masyado na akong abala sa trabaho ay hindi ko na natutukan ang hilig ko.

Pagkanta naman (bigyan nyo na po siya ng talento please)

animals-3293258_1280.jpg
Koro

Sinubukan ko rin maging mang-aawit. Kahit papaano ay may natutunan ako sa voice lessons noon pero siyempre, kung apat na sessions lang ang pinasukan mo, hindi mo rin naman makakagamayan. Hindi ako naging magaling na mang-aawit. Amindado ako doon. :( Marahil ay hindi ko lang din talaga alam kung paano kami magkakasundo ng mga nota at titik.

Sa Pagsasayaw

about-video-medium.jpg
Zumba

Sa huling subok ko na magkaroon ng talento sa larangan ng musika at tugtog, sinubok ko rin na magsayaw. Marunong naman akong umindak ayon sa tugtog. Pero hindi masasabing pang-paligsahan ang karakas ko. Sumali ako sa mga grupo ng sayaw noon pero pamalit lang ako sa kung sino ang kulang. Kumbaga sa basketball, bangko ako lagi. Nag-Zumba rin naman ako at dumating sa punto na pag pagod na ang instructor ay ako na ang pinapupuwesto niya sa harapan. Naisip ko na dati na mag-audition pero nahiya ako. Kaya hindi ko sigurado kung papasa nga ba ako. Sayang. Di ko sinubukan.

Talento sa patalinuhan?

illustration-happy-bee-ribbon-pinned-260nw-300057962.jpg
Pinagkunan

Sumubok din ako sa larangan ng patalinuhan. Hindi ako yung mahilig mag-aral dahil mas gusto kong gumawa ng alaala kaysa ng mataas na marka. Habang ang mga kaklase ko ay nag-aaral, may mga panahon na ako ay nasa gilid lang ng corridor at nakikipagtawanan. Pero Noong highschool, basta larangan ng Matematika, nakikipagtaligsahan talaga ako. Bawat taon ay kinukuha ko ang medalyang pang-kampiyon noon. Gusto ko lang yung excitement ng nakikipag-unahan ka sa pag-solve ng problem na ibibigay ng proctor. Nakapag-uwi naman ako ng maraming medalya. Pero hanggang Highschool lang ako naging ganoon. Pagtungtong ko ng kolehiyo ay nawalan na ako ng ganang makipag-pagalingan at makipagpatalinuhan.

Talento sa Pagsusulat?

writing-1209121_1280.jpg
Pinagkunan

Noong nasa elementarya pa lang ako ay sumali ako sa Journalism class bilang isa sa mga extra-curricular activities ko. Ang unang ipinasulat sa amin ay ang pinakanakakatakot naming karanasan. Nagkwento ako at nagulat ako nang sabihin ng guro ko na yung kwento ko raw ang pinaka-nagustuhan niya ang pagkakalahad. Natuwa rin siya masyado sa akin, isinali niya ako kaagad sa patimpalak ng pagsusulat. Hindi ko naman alam kung ano ang ginawa kong tama noon para niya magustuhan ang gawa ko, kaya naman noong nasa paligsahan na ako, nagkaroon ako ng tinatawag na "writers' block" na siyang naging dahilan ng pagkatalo ko. Dinibdib ko iyon at naisip kong hindi ko maaaring gawing pang-araw araw na gawain ang pagsusulat at lalong hindi ko kayang magsulat nang may pressure at deadline. Kaya hindi ko na pinursigi ang pagsusulat.

Ngayon ko lang napagtanto na dapat pala ay ipinagpatuloy ko yung sinimulan ko noong elementarya para mas nalinang ko pa ang kakayahan ko. Bata pa lamang kasi ako noong mga panahon na iyon. Hindi ko naisip na narito pala sa pagsusulat ang puso ko. At napansin ko, kadalasan kung nasaan ang puso, sumusunod na rin ang isip.

Ang alam ko, marami akong sinubok na talento. Sadyang dito lang talaga sa pagsusulat ako nakahanap ng saya. Masaya ako kapag naisasambulat ko ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng mga salita. Masaya ako kapag nakapagpipinta ako ng larawan sa pamamagitan ng mga talata. Masaya ako kapag nakikita kong may mga puso rin na napapasaya ang aking mga gawa.

Kaya totoong totoo sa akin ang pangungusap na "Gawin mo ang makapagpapasaya sa iyo." At sa anak ko, sisiguraduhin kong siya rin ay susundan ang talentong pinakamalapit sa kanyang puso.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Grabe ka naman friendship, napaka multi-talented mo @romeskie. Pahawa naman.

Puro hapyaw lang ang alam ko sa mga talentong yan. Wala naman akong kahit isang na-master sa mga yan. Haha.

Wow! So talented naman Ms. Rome. @romeskie Naging part din ako ng Drum and Lyre Corps. Tumutugtog rin ako ng lyre. Waaaah, ang sarap sariwain ang nakaraan. Nakakatuwa. ❤

Ang saya tumugtog ng lyre noh? Haha

Truelaluuu. ❤

Ayie, talaga palang simula pa noon ay magaling ka ng manunulat. Kitang-kita naman talaga yung husay mo sa bawat likha mo. Pero nakakatuwa din malaman na ang dami mo palang nasubukang music talents haha. Openmic na ba ang kasunod mong post? Haha

Nakakataba ng puso ang comment mo ha... haha. Na-discourage ako magsulat dati kasi nga natalo ako sa contest. Pakiramdam ko tsamba lang yung galing na nakita ng guro ko. Dapat pala di nadi-discourage para mas natututo.

Naku. Never akong mag-o-openmic Tito Jazz dahil baka hunting-in ako ng mga tao sa inis. Hahah.

Comedyopenmic na lang baka pede hahaha. Tanda ko pa yun tagalog entry mo about sa ex-crush mo at MLM XD Dun pa lang kahit komedya, kita na galing mo sa pagsulat. Tapos nasundan pa kamakailan ng 2 Curie. San ka pa?

Hahaha. Naalala ko nga yun. Gusto ko sana i-share yun sa facebook, panghikayat sana... kaya lang friend ko si ex crush dun. Hahaha.

Give up na sana ako sa curie tapos biglang napansin nila ako. Buti na lang. Hehe. Nakahanap ulit ng drive.

musician ka pala talaga ate @romeskie at sobrang dami ng alam mo tugtugin. tama nga talaga si brad @twotripleow na magaling ka daw tumipa ng nota. malupit ka!!! 😂

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 70112.96
ETH 3549.99
USDT 1.00
SBD 4.71