Sandata Laban sa Bagyo: Panalangin, Kaalaman at Kahandaan

in #steemph6 years ago

Napabalikwas ako ng bangon sa kalagitnaan ng gabi nang magising ako sa kalaliman ng aking tulog. Tila ba nag-rarambulan ang mga bubong sa tapat ng bintana sa aking kuwarto. Matindi ang galit ng hangin base sa paghampas nito sa mga bagay na madaraanan, kabilang na ang aming bubong na walang ibang nagawa kundi ang sumayaw sa saliw ng tugtog na tanging ang hangin lamang ang nakauunawa.

image
Pinagkunan

Bumaba ako at lumabas pata silipin ang lagay ng ilog sa gilid ng aming bahay. May kataasan ang tubig kaysa karaniwan pero mabilis ang agos. Ibig sabihin ay malaki ang pagkakabukas ng flood gates. Kahit papaano ay nabawasan ang aking kaba. Bilang isang nanay ay hindi maiaalis sa akin ang mangamba sa mga ganitong pagkakataon. Kaya naman naisipan kong pag-aralan kung ano ba ang dapat gawin para maging handa sa mga bagyo o sakuna.

Una kong nabasa ay ang artikulo ng Red Cross na may listahan ng mga bagay na dapat nasa Lifeline kit. May mga nakita rin akong mga ibinebentang Life Pack at Life Kit . Mayrion din namang nagbigay din ng listahan ng sampung bagay na dapat nasa iyong emergency bag.

Kaya kaninang umaga ay agad akong magtungo sa tindahan ni aling Puring para bumili na ng mga kakailanganin namin sa aming emergency Kit.

Pagkain at tubig

Una ko nang binili ang de lata na easy to open para di na ako mamroblema pa ng abre lata pag nagkataon.

image

Isa pa sa mga dapat nasa emergency bag ay energy bars. Bumili na rin ako ng mga tsokolate para pampataas ng enerhiya kung sakali man.

image

Dapat din ay may dalawang litrong tubig sa emergency kit. Dahil may anak akong kailangan ng ilang bote ng gatas sa maghapon ay kailangan ko rin mag stock ng tubig para sa kanya. Nasa hiwalay na bag ang emergency kit na para sa anak ko bilang mas espesyal ang mga pangangailangan niya.

Ilaw at Komunikasyon

Kung malala ang bagyo ay malaki ang tsansa mawawalan ng kuryente. Kaya dapat ay may nakahandang flashlight at portable na radyo na may AM transition. Kailangan din na may reserbang baterya para rito.

Dapat din ay mag pito o whistle para kung mangailangan ka ng tulong ay madali kang marinig ng mga sasaklolo. Maglagay rin ng kapote sa inyong bag. Kung wala naman ay maaari na rin ang malaking trash bag. Lagyan din ng duct tape at lubid ang inyong life kit. Lahat ng nabasa ko ay mahigpit na sinasabing iwasan ang nylon.

Magdala rin ng kandila at posporo ngunit dapat ay siguraduhin munang walang gas leak bago ito gamitin.

Mga Personal na Gamit

Sipilyo, toothpaste, alcohol, sanitary pads, tissue roll at wet wipes. Kung kakailanganing manatili sa evacuation center ay mas makabubuti na panatilihin ang personal na kalinisan.

image

Sabi ko na nga ba't may silbi rin ang paghahakot ko ng mga ganito sa mga hotel na pinagbakasyunan namin dati.

Mga Dokumento at Pera

Ilagay ang mga mahahalagang dokumento, ID, at pera sa lalagyan na hindi mababasa.

First Aid Kit

Wala naman akong kaalaman sa paglalapat ng first aid pero mas maganda kung may mga basic na gamit tulad ng bulak, alcohol, benda at band aid. Maglagay na rin ng mga gamot sa mga simpleng sakit gaya ng paracetamol, medicol, kremil-s atbp.

image

Mga Espesyal na Pangangailangan

Nabanggit ko kanina na may anak akong dalawang taong gulang. Kaya may mga nakahanda na rin akong mga gamit para sa kanya. May laman itong mga kumot at jacket para sa kanya. May mga boteng may tubig para sa gatas niya. Lagi ring nakahanda ang Medicine Kit niya na may lamang Tempra, thermometer at mga vitamins niya. Nakahanda rin ang baby carrier niya.

image

Panalangin at Kahandaan

Naniniwala ako na bawat pagdadaanan natin ay magiging mas madali hangga't hindi tayo nakalilimot manalangin. Ngunit kaalinsabay nito ay dapat din nating siguraduhing handa tayo. Maganda rin na may sapat tayong kaalaman para mas madali tayong matulungan at makatulong.

Lagi tayong mag-iingat at maging handa sa mga ganitong sitwasyon.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Sort:  

Naku! Ingat pala riyan kasi kapag umapaw iyong beach niyo riyan sa gilid baka pasukin ang bahay niyo at masira mga gamit niyo hehe.

Oo nga eh. Alerto bentekwatrk din talaga ako. Lagi kong sinisilip ang aming swimming pool. Haha

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61482.47
ETH 2990.09
USDT 1.00
SBD 3.67