Panulaan ng Diwa # 3 - Tag-Ulan Sa Bukid

in #steemph6 years ago (edited)

Inspiration/Inspirasyon

We've started getting some rains in Manila of late specially at night and early morning. It looks like a sign that the rainy season has started. We only get two seasons in Manila really; the dry season between February and May, and the rainy season between June and November. The months of December and January are typically a transition characterized by being the coolest months.                                              
Nagumpisa nang pumatak ang ulan sa Maynila lalo na sa gabi at medaling-araw. Marahil ay parating na ang tag-ulan. Mayroon lamang dalawang uri ng panahon sa Pilipinas; ang tag-araw sa pagitan ng mga buwan ng Pebrero at Mayo, at and tag-ula sa pagitan ng buwan ng Hunyo at Nobyembre. Ang mga buwan ng Disyembre at Enero ay hudyat ng pagbabago na karaniwan ding ang mga pinakamalalamig.


Image Source: bingbing - Flickr, CC BY 2.0

Tag-Ulan Sa Bukid

Patak ng luha sa lupang uhaw sa tag-araw
Tuwa sa ingkong at impong hapo sa pagbungkal
Hinagpis sa paslit na sa laro'y di mataggal
Iba't iba ang damdaming iyong mapupukaw.

Payong at salakot ilabas mula tambakan
Bintanay ay isara at baka maanggihan
Pawid iyong tapala't siguruhing talian
Parating na ang ulan, pananim ay bakuran.

Magpipirito ng tuyo't magsasangag sa agahan
Itlog na pula at kamatis naman sa tanghalian
Pipitas ng papaya at sa hapunan ay tinola
Bukas ay bagong araw, umulan man ay magsasaya.

Uniporme ay lalaban, ihahanda sa pasukan
Magbebenta na ng palay, bibilhi ng kagamitan
Pagbibinhi ay tulad din ng sa lupa't karunungan
Baka isang araw nga ay kumawala sa sakahan.

Ang tubig ay pandilig sa pananim at gunita rin
Pag-asa ngang isang araw hihilagpos sa bukirin
Mabubuhay ng marangya tag-ulan man o tag-araw
Mananaginip ng gising pangarap sa balintataw.

Image Source: Pixabay, CC0 Creative Commons

steemitph.png

sndbox.gif

Sort:  

Ah! It seems that we have similar seasons. But, in reality, I think we have hot, hotter and hottest seasons in Thailand nowadays. ;)

We noticed this as well @tangmo, the summer is getting hotter and hotter each year.

So sad! It seems that our World get hotter and hotter……

Napakahusay po ng inyong tula..

Inspirasyon sa puso dama rin sa diwa..

Salamat sa pagbahagi!!!

Isa sa mga epekto ng Steemit kaibigan, tayo'y nagiging makata :-)

Tama po yun!
Talentong malaon na sanang nalimutan subalit dahil sa steemit muling nalinang at napaghusay..

Galing po sir red ng tula ,makata na talaga !!! Maganda ang mensahe ng tula !!!

Ang galing.. ang husay ng pagkatula..

Ay salamat po at nagustuhan nyo. Natural pong makata ang mga Bulaceño.

👍👍👍

very beautifull post shiaring sir

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61645.58
ETH 3013.85
USDT 1.00
SBD 3.71