A FILIPINO FICTION SERIES: UNANG KATAUHAN NI IAN PAUL. [IKA-ANIM NA BAHAGI]

in #steemph6 years ago (edited)

Tumulak patungong Aurora si Ian Paul kasama ang mga tao ni Dir. Stellar. Bantay sarado ang kalihim upang hindi na maulit ang insidente sa Mabini kung saan tinambangan ang kalihim.

UNANG BAHAGI
IKALAWANG BAHAGI
IKATLONG BAHAGI
IKA-APAT NA BAHAGI
IKALIMANG BAHAGI


BALER, AURORA.


Apura ang tunog ng cellphone ni Ian Paul. Hindi mawari ni Ian Paul kung sino ang tawag nang tawag sa kaniya at saka hindi rin niya mawari kung sino ang text nang text. Tila isang panganib ang nagbabadiya sa Aurora. Sa munisipyo nagkasalubong ang landas nina Gob. Santos, Michael Cabiles at Ian Paul. Mabagsik ang mga mata ni Gob. Santos halatang halata na may galit kay Ian Paul. Ganoon din naman si Ian Paul kay Gob. Santos. Mahiya mo may nagsasabong na dalawang manok sa pamamagitan lang nang titigan.

"Magandang araw sa'yo kalihim. Ano ang maipaglilingkod namin sa'yo" Ika ni Gob. Santos sa mapangahas na Ian Paul.

Hindi pinansin ni Ian Paul ang gobernador at dumiretso na lamang siya sa kaniyang tutunguhan. Nang makarating si Ian Paul sa tutunguhan ay agad niyang hinanap ang mga dokumento. Batid ng kalihin na wala siyang mapapala sa kaniyang ginagawa subalit kailangan na makuha niya ang datos sa pagkatao ni Michael Cabiles at ang mga bataan nito. Hindi naman nahirapan si Ian Paul sa pagkuha ng impormasiyon kay Gob. Santos. Ang hindi lang nalaman ni Ian Paul ay ang tungkol sa SALN ni Gob. Santos. Mahigpit na ipinag-utos ni Gob. Santos na tanging tiga-Sandigan Bayan lang ang puwedeng bumuklat ng kaniyang SALN. Hindi na pinilit ni Ian Paul ang mga empleyado sa munisipyo, batid kasi niya na mga tuta ni Gob. Santos ang mga nandoon. Sa istasiyon naman ng pulis tiningnan lamang ni Ian Paul ang mga files ng mga biktima.

Samantala, sa isang ingkuwentro sa may Blumentritt lungsod ng Maynila. Isang lalaki ang nahuli nang pinagsamang operasiyon ng PDEA at pulis Manynila. 6 na body guards ang napatay sa ingkuwentro at 1 ang sugatan sa hanay ng pulisya.
1a5rzkgbg6.png

Larawan

"Anim na lalaki ang patay sa naganap na ingkuwentro sa lungsod ng Maynila. Napag-alaman ng mga awtoridad na ang mga napatay sa naturang ingkuwentro ay isang batikang mga tauhan ni alyas Robin Hood. Ayon sa mga awtoridad si alyas Robin-Hood lang nahuling buhay sa madugong ingkuwentro sa Blumentritt." Ito po ang inyong lingkod Beverly Sandoval nagbabalita para sa news 69.

Ipinagpatuloy ni Ian Paul ang pag-usisa sa mga piyensang kaniyang dapat buohin. Bigla na lang napitlag si Ian Paul habang nag-iisip. Bigla-bigla na lang kasing tumawag ang kaniyang assistant na si Shulala. Tinanong ng assisstant kung napanood na ng kalihim ang news flash sa T.V. Nagmamadali pauwi ng Maynila si Ian Paul upang makakuha ng impormasiyong sa insidenteng nangyari sa Blumentritt.

Tumulak na pabalik ng Maynila si Ian Paul at dumiretso agad ang kalihim sa kulungan kung saan nakakulong si alyas Robin Hood. Tinanong ng kalihim kung kilala ni alyas Robin Hood si Dillinger Michael Cabiles ngunit malakas na tawa na lamang ang isinagot ni alyas Robin Hood. "Patong patong ang kaso mo iho at may posibilidad pa na mabitay ka subalit alam ko kung paano ka ililigtas sa tiyak na kamatayan kung makikipagtulungan ka. Sabihin mo lang kung sino-sino ang mga kasabwat mo. Nang sa gayon gumaang ang mga kaso mo." Pambobola ng kalihim sa preso.

Tawa lang ulit ang isinagot ni alyas Robin Hood kay Ian Paul. Isang tawang nakaiinsulto. Lumabas na sa presinto ang kalihim sapagkat tapos na ang oras nang dalaw. Isa pa init na init na rin sa loob ng presinto ang kalihim. Hindi sanay sa matinding init at saka hindi rin sanay sa amoy mandirigma ang kalihim. Ipinagpabukas na ng kalihim ang pagtatanong kay alyas Robin Hood.

Sa kabilang dako naman. Gigil na gigil na si Michael Cabiles kay Ian Paul. Gustong gusto na rin niyang barilin si Ian Paul noong oras na iyon. Nang sa gayon ay wala ng sagabal sa mga plano nila at mapagharian na rin ang buong Pilipinas. Plano pala ni Gob. Santos na tumakbo bilang isang bise-presidente sa susunod na halalan. Sa partido ni presidente Oscar Gabanatan. Kaya naman lubos-lubos ang pangungurakot ni Gob. Santos sa Aurora, halos buong baler ay pag-aari na ni Gob. Santos ang ibang parte naman ng Aurora ay sa mga kamag-anak niya. Ang kailangan lamang gawain ng mag-among Michael at Gob. Santos ay pondo upang mabili lahat ang boto nang lahat ng tao sa Pilipinas. Kumpleto na rin ang mga armas na gagamitin nila na naipuslit ni Michael Cabiles mula pa sa Indonesia sa pangunguna naman ni alyas Yandot. Si Yandot ay kilalang negosyante sa Indonesia. Naging kaibigan siya ni Michael dahil sa mga kakaibang baril.

Iminungkahi ni Michael kay Gob. Santos na maglagay sila ng isang underground base. Iyong tipong sila-sila lang ang makapapasok. Gusto rin ni Michael na roon dalhin ang mga sex slaves niya. At siyempre alam niyo na kung ano gagawain ni Michael sa mga sex slaves niya.

Sa Cebu. Madalas dalawin ni Eldean si Dolores sa kaniyang bagong bahay na nabili. Matamis na matamis ang pagtitinginan nilang dalawa. Animo'y mga love birds na naglalandian sa loob ng koral. Inuumpisahan na kasi ang proyekto ni Eldean kaya napilitan sina Dolores na bumili ng lupa't bahay na malapit sa isang mall. Aniya pasasaan at tataas din ang presyo nitong lupa na nabili namin sapagkat malapit lang kami sa mga establisyimento. Bagama't may asawa si Eldean hindi pa rin niya mapigilan ang sarili sapagkat labis-labis ang pagnanasa niya kay Dolores. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa kagandahan ni Dolores? Anas ni Eldean sa sarili.

Wala pa rin kaalam alam ang dalawa sa sitwasyon nila ang alam lang nilang dalawa na parehas na ordinaryong tao lang sila. Halos makalimutan na rin ni Eldean ang misyon niya sa Cebu. Saka lang niya naaalala ang misyon kapag hindi na sila magkasama ni Dolores. Hindi rin niya naaalala si Celine kapag kasama si Dolores. Si Celine ay ang asawa ni Eldean na nakatira sa Southern Leyte.

Sa isang matinding pag-iimbestigahan napagtanto at saka napagdugtong-dugton ni Ian Paul ang lahat-lahat na nangyari. Ang rape case ni Rosas, ang pananambang sa kaniya sa Mabini at ang pinaka-huli ang insidente sa Blumentritt. Unti-unting lumalakas ang ebidensiya na nakakalap ng kalihim. Iniutos ni Ian sa mga tauhan niya na dapat lagi silang handa. Nang sa gayon ay anumang sitwasyon ay makapaghahabla na agad sila ng kaso laban kay Gob. Santos at Michael Cabilies. Gusto rin makita ng kalihim ang likod ni Michael upang malaman niya kung konektado ba si Michael sa sindikato sa ibang bansa. Alam din ng kalihim na ex-convict si Michael. Plano ng kalihim na magtungo sa Indonesia upang makakalap pa ng impormasiyon sa katauhan ni Michael.

ITUTULOY.







Malaman na kaya ni Eldean na si Dolores ang pinapahanap ni Ian Paul? Ano ang naghihintay kay Ian Paul sa Indonesia?



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 63617.36
ETH 3070.79
USDT 1.00
SBD 3.82