A FILIPINO FICTION SERIES: UNANG KATAUHAN NI IAN PAUL. IKA-LIMANG BAHAGI.

in #steemph6 years ago (edited)

Sa kabilang dako naman ay nag-paalam muna si Eldean kay Ian at ang sabi ay may aasikasuhin muna ito sa Cebu sapagkat dumating ang kaniyang kasosyo sa negosyo. Balak ni Eldean na ilibot sa buong Visayas ang kaniyang mga bagong kasosyo sa negosyo. Malaki ang proyektong gagawin nila Eldean sa Region VIII at Region VII. Ang ibig kasi mangyari ng mga kasosyo niya ay mag-tayo ng mga mall sa bawat siyudad sa naturang lugar.

UNANG BAHAGI
IKALAWANG BAHAGI
IKATLONG BAHAGI
IKAAPAT NA BAHAGI



Cebu City, Cebu


Lumapag ang eruplanong sinasakyan ni Eldean sa Cebu City, Cebu sa mismong kabisera ng naturang lugar. Sa isang hotel ay nag-aabang na ang mga kasosyo ni Eldean. Bahagyang nahuli sa itinakdang pagpupulong si Eldean ngunit hindi ito inalintana ng mga kasosyo bagkus ay inintindi na lamang. Ang ibig mangyari ng mga kasosyo ni Eldean ay mag-tayo ng iba't ibang klaseng mga mall sa iba't ibang bayan ng Cebu. Ang papel naman ni Eldean ay proprotekta sa mga banyagang negosyo nang sa gayon ay hindi pasukin ng mga sindikato ang nasabing mga mall. Alam din ng mga banyagang negosyante na malakas sa itaas Si Eldean. Konektado siya kay DOJ secretary Ian Paul at presidente Oscar Gabanatan. Ibig ni Bb. Chula Anne ng Mexico na masimulan na kaagad ang proyekto sa naturang lalawigan. Iniisip kasi ng Bb. na baka may pumasok pang ibang negosiyante.

l8mt23te4z.png

Ang larawang ito taos pusong ibinigay ni @eldean para sa kathang-isip na ito.

Tumulak muna pauwi ng Maasin City si Eldean upang makasama ang mga mahal sa buhay at para na rin siguro sundan si junior ng isang babae. Batid ng lahat na wala pang babaeng anak si Eldean kaya naman nais niya na magkaroon ng isang anak na babae. Kinagabihan ay napagpasiyahan ng magpipinsan na magkaroon ng kaunting kasiyahan sapagkat ngayon lamang sila nagkita kita.

"Pinsan isalang mo na ang mga kantang Kastilyong Buhangin at isunod mo na ang You ni Basil Valdez." Lasing na lasing na wika ni Eldean sa mga pinsan.

Tagay pa! Tagay pa!

Kinaumagahan ay hilong hilong bumalik ng Cebu City si Eldean at nag-usap sila ng mga kasosyo. Humanap si Eldean ng isang lugar kung saan maganda at maraming tao. Ang napiling lugar ni Eldean ay ang Algeria, Cebu. Kasama ni Eldean ang kaniyang grupo na gagawa ng isang mall sa Algeria, Cebu. Itinuro ng enhinyero ang kung saan magandang mag-tayo. Ang hindi alam ng enhinyero na ang itinurong bahay ay ang bahay ni Dolores. Nag-tungo si Eldean sa lugar kung saan nakatira si Dolores at ang kaniyang pamilya. Kinausap ni Eldean ang pamilya ni Dolores. Gusto ni Eldean na bilhin ang bahay at lupa nila Dolores pati na rin ang kabukiran nito. Ayon sa enhinyero, ang lupang sinasakahan at ang lupang tinitirikan ng bahay nila Dolores ay kailangan ng grupo nila upang maitayo ang mall sa Algeria Cebu. Masasabi natin na ito na ang pinaka malaking mall sa Visayas. Kinausap nang masinsinan ni Eldean ang pamilya ni Dolores at tinuringan nito ang lupa't bahay nila Dolores ng tumataginting na Dalawang Milyones. Nag-isip ang mag-anak at kinausap din nang masinsinan si Dolores. Maya maya pa ay sinabi nila na hihintayin muna nila ang kanilang anak na si Dolores. Ito na nga siya lumabas na sa kuwarto at bagong paligo. Napa "O Diyos ko" na lang si Eldean nang makita niya ang hubog ng katawan ni Dolores.

"Sir pumapayag na kami na ibenta ang lupa't bahay namin sa halagang nais niyo. Kaya lang sir gusto muna namin na makakita muna nang lilipatan namin. At saka sir aayusin muna namin ang titulo nito kasi kakabili lang din namin nito." Tuwang tuwang wika ni Dolores.

Walang problema at kung may kailangan kayo ito ang aking calling card. Mangyari lang na tumawag kayo sa akin kung mayroong problem at kung kayo ay handa na. Tugon ni Eldean sa seksing seksing si Dolores.

qwjxz5m2tm.png

Tumonog ang cellphone ni Eldean at binasa niya ang text na nag-mula kay Ian Paul. Sinasabing nasa Cebu raw ang sinasabing star witness. Sabi rin sa text na baka makita niya ang babaeng star witness, kung mangyari man ay sabihin kaagad sa lalung madaling panahon.

Samantala sa isang banda sa Aurora. Si Michael Cabiles ay aliw na aliw sa kaniyang mga sex slaves at nagpapakasasa itong si Michael sa murang murang katawan ng mga dalagita. Manghang mangha naman ang mga bataan ni Michael sa kaniyang mga ginagawa. Umuulan ng pera sa kapaligiran ng hide out ni Michael.

Pinag-hahandaan din ng mga mokong ang pag-babalik ni Ian Paul sa Aurora. Ang hindi nila alam ay nagkita na sina Eldean at Dolores. Iyon nga lang hindi pa alam ni Eldean na si Dolores ang star witness. Ang alam ni Eldean ay nasasabik siya palagi sa tuwing nakikita niya si Dolores.

Sa Maynila. Binusisi nang maigi ni Ian Paul ang mga records ng mga tauhan ni Gob. Santos. Napag-alaman ni Ian Paul na hindi tunay na pangalan ang ginagamit ng mga bataan ni Gob. Santos bagkus ay ang mga alyas lang nito. Napag-alaman din ni Ian Paul na ang lahat ng bataan ni Gob. Santos ay puro ex convic at saka lahat ay may kasong "murder". Bukod sa murder ang kaso naman ni Dillinger (Michael Cabilles) ay: rape, pedopile, abduction of minors, at act of lasciviousness. Nasistensiyahan si Dillinger nang habang buhay na pagkakulong subalit nakatakas siya at pumuga sa Indonesia at saka nag-palit ng relihiyon bilang isang kristyano ngayon ay naging muslim.

Napag-alaman din ni Ian Paul na magaling din sa barilan si Michael. Kaya naman pinag-iingat nang mabuti ang mga NBI at mga parak na naka destino sa Aurora. Nagmuni-muni si Ian kung paano niya pupuksain ang kasamaan nila Gob. Santos at Michael. Ang ibig kasi mangyari ni Ian ay hulihin nang buhay sina Gob. Santos at Michael. Ayaw rin niya itong mamatay sa labanan. Batid kasi ni Ian na tao rin ang mga ito ay may mga karapatan kahit na sila ay kampon ng kadiliman. Inusisa rin ni Ian ang records ni Dolores subalit wala siiyang nakita na kahit na ano. Plano ni Ian na kumuha pa ng mga ebidensiya laban sa mga kalaban at plano rin niya na iharap sa korte suprema ang kaniyang star witness. Gusto pa sana ni Ian na mabihag ang isa pang tauhan ni Gob. Santos pagkatapos ay pakantahin ito laban sa gobernador. Batid niya na hindi iyon magiging madali para sa kaniya at sa kaniyang team.

Tumulak patungong Aurora si Ian Paul kasama ang mga tao ni Dir. Stellar. Bantay sarado ang kalihim upang hindi na maulit ang insidente sa Mabini kung saan tinambangan ang kalihim.

ITUTULOY.











Ano na ang mangyayari sa relasiyon nina Eldean at Dolores?
Nabihag kaya ng NBI ang isang tauhan ni Gobernador Santos?



tqy91cwceu.png

Sort:  

Napag-alaman din ni Ian Paul na magaling din sa barilan si Michael.

^_^

Haha salamat idolestest. Gawa ka naman fiction tayong dalawa bida.

Magaling talaga bumaril iyan si Michael Cabiles haha. Tanong natin kay Iyan haha

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70638.80
ETH 3565.34
USDT 1.00
SBD 4.73