FILIPINO FICTION: TAGUMPAY.

in #steemph6 years ago

Sampung taon na ang nagdaan ngayon ko lang ulit nasilayan ang napaka-gandang tanawin sa labas ng bilanguan. Ang tunog ng tren at kasabay ang hagupit ng hangin na sumampal sa aking pisngi. Ang malalaking gusali na kay hirap tingalain. Ang kalsada na punong puno ng mga sasakiyan, malaki man o maliit. Masasabi ko nga na nakalaya na nga ako sa mga rehas na bakal.

Sampung taon ang nakalilipas.


Sa isang bar sa Timog Avenue, Lungsod ng Quezon, nag-iinuman sina Karl at ang kaniyang mga kaibigan nang biglang lumapit ang isang dalaga kay Karl at niyaya siya nitong sumayaw. Sumayaw sila nang sumayaw hanggang sila ay mapagod. Nagkatinginan ang dalawa mata sa mata, ilong sa ilong at bibig sa bibig. Niyaya na ni Karl ang dalaga sa kaniyang apartment. Agad naman sumama ang dalaga at doon na sila nagpalipas ng gabi. Doon na rin sila nagtanungan na kani-kanilang mga pangalan at saka roon na rin sila nagpalitan ng mga numero.

Isang araw ang lumipas at bumalik ulit si Cassy sa apartment ni Karl. Pinapasok naman ni Karl ang dalaga sa kaniyang apartment. Naghuntahan lang saglit at uminon ng alak. Kaunti lang naman ang nainom ni Cassy subalit hilong hilo na kaagad ang hitad. Lumabas muna si Karl upang magpahangin. Ang hindi alam ni Karl ay noong siya ay umalis pansamantala ay pinasok si Cassy ng mga kaibigan niya at ni rape. Walang nangyari sa kanila Karl at Cassy noong gabing iyon. Matutunog ang mga kaibigan ni Karl kaya pinasok sa kuwarto si Cassy at hinalay. Kaniya kaniyang sibat ang mga kaibigan ni Karl. Iniwang hubo't hubad si Cassy sa kuwarto. Ang kawawang Cassy iyak na lang nang iyak.

"Hayop ka Karl. Kaya pala lumabas ka para ipagamit mo ako sa mga kaibigan mo. Ano ba akala mo sa'kin kalapating mababa ang lipad?" Umiiyak na wika ni Cassy sabay alis sa apartment.

Hindi na nakasagot si Karl at agad niyang tinunguhan ang kuwarto. Napansin niya na wala namang nawala. Kaya naman hinabol niya si Cassy, subalit bigo siya, bigo rin siya na matawagan ang dalaga. Isip na lang nang isip si Karl sa mga nangyari.

Kinabukasan ay inimbitahan ng mga pulis si Karl sa presinto sapagkat may nakahain na demanda na kay Karl. Patong patong na kaso ang inihain sa kaniya ni Cassy. Walang nagawa si Karl kahit anong paliwanag niya ay hindi naniniwala ang mga pulis sa kaniyang istorya.

Sa araw ng paghuhukom ni Karl ay sinentensiyahan siya ng 10 taon na pagkabilango hanggang habang buhay na pagkabilango. Malungkot na malungkot ang buong pamilya sa sinapit ng anak. Alam kasi nila na inosente ang kanilang anak. Walang nagawa ang pamilya ni Karl, kahit na hirap na hirap sila na tanggapin ang nangyari ay pilit pa rin nilang inilalaban ang kaso ni Karl. Subalit ganoon pa rin ang resulta.

Samantala sa loob ng bilanguan ay sulat nang sulat si Karl ng mga kanta at saka gumagawa ng video. Hanggang sa isang overseas reporter ang dumalaw sa kaniya. Gulat na gulat si Karl sa bilis ng pangyayari parang kailang lang kasi ay nagsusulat lang siya sa kaniyang kuwarto sa kulungan. Sinabi sa kaniya ng isang reporter na napanood niya ang video ng binata na nagrarap. English ang rap ng binata at hango rin sa totoong buhay. Sinabi rin ni Karl sa mga rap niya kung paano ang trato sa kaniya ng mga pulis sa loob ng bilanguan.

Nang maka-alis ang bisita niya. Dumating naman ang kaniyang kapatid at sinabing pinagpapasa si Karl ng lyrics niya kay Dr. John. Si Dr. John ay kilalang producer sa Estados Unidos.

"Kuya ito na siguro ang pinaka-malaking break mo. Baka makalaya ka na rin kuya." Tuwang-tuwa na wika ng kapatid ni Karl.

Oo sana nga. Inosente naman kasi ako bro. Kinalumutan ko na rin ang mga taong may kasalanan sa akin. Ibinuhos ko na lang sa pagsusulat.

Nakarating na kay Dr. John ang liham na kalakip ang lyrics ni Karl. Binasa ito ni Dr. John at manghang-mangha ang producer sa mga likha ni Karl. Si Karl na raw ang susunod na Eminem. Binansagan pa niya ang binata na "Asian Rap Artist" ng Chronic Records. Pinagawa ni Dr. John ng isang video sa kulungan si Karl. Kitang-kita ni Dr. John ang talento ni Karl. Kaya naman hindi na nagkuli si Dr.John at tumulak na siya patungong Pilipinas.

Nang makarating sa Pilipinas si Dr.John ay binisita niya kaagad si Karl sa kulungan. Nasaksihan ng producer ang bagsik ni Karl sa pagrarap. Masasabi niya na maihahanay niya ito kayla Eminem. Sinisikap ni Dr.John na mailabas kaagad sa kulungan si Karl subalit malakas ang kapit ni Cassy at saka malakas din ang impluwensiya niya. Kaya naman magtitiis muna si Karl. Sa bilanguan na rin niya ilalabas ang una niyang album. Unang labas pa lang ng album ni Karl ay humakot agad ng papuri sa loob at labas ng Pilipinas. Gustong-guso na rin ni Dr.John na makatrabaho ni Karl si Eminem nang sa gayon ay maging halimbawa si Eminem kay Karl.

Lumipas ang mga taon ay nakalaya na si Karl. Binayaran na lamang niya ang partido ni Cassy para matapos na lang ang lahat. Unang album ni Karl ay kumita ng mahigit isang bilyong piso. Halos barya na lang ang hiningi ni Cassy. Sa Estados Unidos ipinagpatuloy ni Karl ang pagrarap. Doon nakatrabaho niya sina Eminem at iba pang mga magagaling na rapper. Isang Asian Rap Artist at White Rap Artist kaya kapag pinagsama sila ay blockbuster na talaga. Nagkaroon din ng mga pelikula si Karl pa extra extra nga lang. Sa Estados Unidos din niya nakita ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Hindi nagtagal ay kinuha rin niya ang kaniyang pamilya sa Pilipinas. Ipinakilala rin niya ang kaniyang nobya sa kaniyang pamilya. Habang abala sa concert at iba pa si Karl ang nanay muna niya ang bantay sa bahay niya na kabibili pa lang. Napaka laki ng utang ni loob ni Karl kay Dr.John sapagkat siya ang nagpasikat sa kaniya. Mga iniidolo niya kasama na niya sa trabaho. Hindi rin nagtagal ay nagpakasal na si Karl sa kaniyang kasintahan at namuhay na sila nang pagkasaya-saya. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Dalawang lalaki at isang babae. Hindi naging mayabang si Karl kaya naman tuloy tuloy ang kaniyang pagsikat sa buong mundo. Walang tao ang hindi nakakikilala kay Karl. Umidad siya ng 58 at nagrarap pa rin siya. Naging NBA player naman ang dalawa niyang anak. Iyong babae naman ay naging mamababatas sa California. Salamat sa kaniyang mga magulang at kapatid lumaking mababait ang mga bata.

WAKAS.













tqy91cwceu.png

Sort:  

nyahaha! binuhay mo na naman ang karakter ng maalamat na si Dr. John. nyahaha! akala ko may twist eh. si Dr. John ang isa sa humalay kay Cassy. nyahaha! 😂

Nyahahaha hindi a. Dr. Dre kasi kaya Dr. John. Sikat ka na producer hehe. Eminem tagalog ang buhay nitong si Karl nyahahahaha.

Si Dr. John ay kilalang producer sa Estados Unidos.

LOL.

Ayan siya iyong lalaki sa itaas nyahahaha.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66654.57
ETH 3250.95
USDT 1.00
SBD 4.33