FILIPINO FICTION: UNANG KATAUHAN NI IAN PAUL. IKALAWANG BAHAGI.

in #steemph6 years ago (edited)

Bumiyahe na pabalik ng Maynila si Ian Paul. Ang hindi niya alam habang siya ay nag-sisiyasat, tinitiktikan na pala siya ng mga bataan ni gob, tiniktikan din ng mga bataan ni gob ang pamilya ni Rosas. Napagalaman ng mga bataan ni gob na mayroong tiga gobyerno ang nagtungo sa bahay nila Rosas, kaya naman agad silang nag-plano kung paano papatumbahin ang kalihim. Basahin ang buong pangyayari.


Nang makabalik na si Ian sa Maynila ay dumiretso siya sa Malacanang Palace upang magtalumpati. Natapos ang talumpati ni Ian at tumamo siya ng masigabong palakpakan mula sa mga kapwa niyang miyembro ng gabinete. Pinuri maiigi ni presidente Oscar Gabanatan si sec. Ian Paul. Hapong-hapo si Ian Paul sa mga nangyari kaya siya'y agad na nag-pahinga na. Nang makauwi sa kaniyang Condo ay may natanggap siyang isang text. Iniimbitahan daw siya ng isa niyang kaibigan sa isang piging. At dahil hindi makatanggi s Ian sa kaniyang kabigan ay agad naman itong umoo.

Pagkadating na pagkadating ni Ian ay agad siyang hinunta ng kaniyang amigo. Pinagusapan nila kung paano mabibigyan ng hustisya ang mga mahihirap na tao sa Pilipinas. "Kumpadre kaming lahat dito ay nais na ika'y maging isang mambabatas o 'di kaya'y maging presidente sa hinaharap, alam namin na maipagpapatuloy mo ang nasimulan ng ating presidente." Ika ni kumpadre niyang si Dwayne Jaden.

Napa "haha" na lamang si Ian Paul at kasabay pa niyon ang paglagok niya ng Hennessy at usapang Fil-Am ang nangyari. Hindi rin naman masyadong nag-tagal ang inuman nila, medyo bangenge na kasi silang lahat at panguwi na lamang ang natitira. Pumasok si Ian Paul sa kaniyang SUV at pinaandar na ang kaniyang sasakiyan. Nang makarating si Ian Paul sa Mabini ay may tumambang sa kaniya na dalawang Expedition, lulan ng dalawang Expedition ang mga bataan ni Gob. Santos. Bumaba sabay sabay ang 10 na katao at kinatok ang bintana ng SUV ni Ian Paul. Sobrang armado ng mga kalalakihan.

"Boss kung gusto mo pang makita ang mga mahal mo sa buhay ay bumaba ka na diyan sa sinasakiyan mo". Ika ni pininong bodyguard. Walang nagawa ang lasing na Ian Paul, tila natauhan agad sa kaniyang pagkakalasing dahil sa ginawa ng mga bataan ni Gob. Santos.

"Kuhanan ng litrato iyang pakielamero na iyan at ikalat sa mga social media, nang sa gayon ay masira ang reputasiyon ng hayop na iyan. Ang gusto ni boss ay may kasama siyang kalapating mababa ang lipad. Bwahahaha. Baba na diyan Darna at mag-trabaho ka na. Yakapin mo siya medyo landian mo nang bahagya." Ngising aso na sambit ni pinunong bodyguard sa kaniyang mga alalay at kay Darna na isang kalapating mababa ang lipad. Hindi niya tunay na pangalan iyon itago na lamang natin siya sa pangalang Darna haha.

Kabang kaba si Ian Paul sa nangyayari at apura ang dasal niya sa diyos. Tinawag na niya ang lahat ng mga santo ngunit hindi umaayon sa kaniya ang mga pangyayari.

SA KABILANG BANDA MUNA TAYO...


Sa katapat na patay sindi, malapit sa mismong aktuwal na pangyayari ay nandoon si Eldean David at ang kaniyang mga alipores na aliw na aliw sa mga batang babae doon sa Mabini. Apura ang tawanan ng grupo ni Eldean sa nasabing patay sindi. Lumabas panandalian si Eldean sa nasabing patay sindi, at nang makarating sa labas ay agad niyang napansin ang kakaibang kilos ng mga armadong kalalakihan. Tinawag niya sa loob ang mga bataan niya at pinagayak ang mga ito para sa isang matinding sagupaan.

"O ikaw doon ka, o ikaw dito ka sa malayo suporta ka, at kayo doon sa gilid, ikaw naman doon ka sa may banda roon abangan mo ang mga tatakas diyan. Ikaw naman putukan mo kaagad iyong isa pagkatapos mo magsuot ng bullet proof vest mo, pambihira naman kayo oooh oooh, nakukuha niyo pang mag-biro at mag-ngisian habang nasa panganib ang mga buhay natin? Putokan ng baril ang ibig kong sabihin mga ungas, hindi iyong putok na nasa isip niyo haha. Bilis bilisan niyo ang pagkilos at inyong mga bilin ko sa inyo gamitin niyo na." Kalmadong wika ni Eldean sa kaniyang mga bataan.

Napa yes boss na lamang ang mga batikan na bataan ni Eldean.

BUMALIK NA TAYO..


Habang papalapit si Darna kay Ian Paul ay pilit namang pumipiglas itong si Ian Paul subalit wala siyang magawa sapagkat nakatutok sa kaniya ang kuwarenta'y singko ng mga bataan ni Gob. Santos. Lulang lula sa takot si Ian Paul tila katapusan na niya ngayon. Kinuha ng lalaki ang kaniyang cellphone at nang makuha niya ito ay lowbatt pala. Masuwerte pa rin si Ian Paul. Tinawag ni pinunong bodyguard ang isa niyang tauhan at pilit pinapakuhanan ng litrato ang kawawang Ian Paul. Kukuhanan na sana ng lalaki nang may sumitsit sa kanila. Sa sobrang taranta ay nag-paputok agad ng walang pakundangan ang isang bataan ni pinunong bodyguard. Hindi nila akalain na may ibang tao na nadoon. Ang buong akala nila ay sila lamang ang tao doon. Tumakbo nang nakayuko si Ian Paul papalayo sa kasalukuhang putukan na nangyayari at tinangay pa niya si Darna sa kasama niya. Mantakin mo nakuha pa niyang isama si Darna sa kaniya ibang klase talaga itong si Ian Paul.

"Sir papa canton ka ba?". Biro ni Darna kay Ian Paul.

Huh? Iyan lang ang sambit ni Ian Paul sa pala birong si Darna.

Takot na takot ang dalawa habang nagpapalitan ng mga putok ang magkabilang panig. Ang hindi alam ng mga bataan ni Gob. Santos ay napapalibutan na sila ng mga bataan ni Eldean. Armado rin ng mga de kalibreng baril ang mga bataan ni Eldean. Naka night vision goggles, may bullet proof vest at may gloves din ang mga ito. Kada litaw ay patay nang patay ang mga tauhan ni Gob. Santos sa mga batikang bataan ni Eldean.

"Bang bang bang bang"

"Bang bang bang bang"

Tumigil pansamantala ang putukan sa kadahilanang naglalagay pa ng mga punla sa kani kanilang mga boga ang mga bataan nina Gob. Santos at Eldean. Isa na lamang ang natitira sa grupo ng bataan ni Gob. Santos at iyon ay si pinunong body guard na lamang, habang kumpleto't buong buo naman ang sa panig ni Eldean.

"Mga ungas kung sa akala niyo ay mapapaamin niyo ako kung sino ang amo ko? Nek-nek niyo." Desperadong hiyaw ni pinunog bodyguard.

Pagkalitaw na pagkalitaw pa lang ng ulo niya agad siyang pinaputukan ng tauhan ni Eldean. Bagsak agad at walang malay si pinunong bodyguard, sa puso kasi ang tama niya nang magpakabayani siya. "Boss may nakita pa ako doon na tao, sa banda roon tumakbo". Ika ng isang tauhan ni Eldean. Sige tunguhan niyo, alam niyo na ulit ang gagawin niyo kapag ganiyan ang sitwasyon. Pagkatapos ay dalhin niyo siya agad sa'kin. Kumpiyang sagot ni Eldean sa tauhan.

Laking gulat ni Eldean na ang dinalang tao sa kaniya ay ang kaniyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita. Si Eldean at Ian Paul pala ay naging magkaibigan pala noong mga bata pa sila. Si Eldean ay nagbakasiyon sa Pangasinan noong bata pa siya at doon niya nakilala si Ian Paul.

"Ian Paul ikaw ba iyan? Ako ito si Eldean na tiga Southern Leyte. Madalas tayo maglaro dati noong nagbakasiyon ako sa Pangasinan. Natatandaan mo pa ba ako? Ako iyong lagi mong inaagawan ng kalarong babae. At sino nga pala iyang kasama mo? Seksi a. Akala ko kasi kanina kami ang puntirya ng mga ungas na iyon. Ikaw pala, siguro inagaw mo rin sa kanila iyang kasama mo ngayon? Kaya ka pala nandito sa Mabini alam na this."

Hunghang. Galing ako sa Malate bago pa doon ay galing akong Malacanang. Makakalimutan ba kita? E ikaw lang naman iyong kalaro ko dati na mahilig haha. Hanggang ngayon matindi ka pa rin, nakakarating ka pa ng Maynila para lang diyan haha. Ano nga pala ginagawa mo dito sa Maynila?

"May inasikaso lang ako. May bago kasi akong kasosyo sa negosyo ngayon. Isang intsik, isang koreano at isang mexicana. Ibigay mo sa'kin cellphone number mo at andiyan na ang mga parak.".

Nagpalitan sina Eldean at Ian Paul ng mga personal nilang mga numero nang biglang dumating na nga ang mga parak, galing sa stasiyon 9 ng Manila Police District (MPD).

Csi_team.jpg

Image Source:

Inimbitahan sa presinto sina Darna, Ian Paul at Eldean pati na rin ang mga bataan nito. Doon nagpakilala at nagpaliwanag sina Ian at Eldean. Kinausap sila ng mga pulis doon sa istasyon at nagpagawa na rin ng mga pulis report ang dalawa upang sa gayon ay makapagsampa ng demanda laban sa mastermind ng naturang krimen. Iniimbestigahan ang kaso nina Eldean at Ian, bagamat kilalang batikan ang dalawa. Isa lang ang masasabi ng mga pulis, bigatin ang mga kalaban nila Eldean at Ian. Alam na alam naman ni Ian ang motibo ng mga tumambang sa kaniya, ibig siya nitong patayin nang sa gayon ay wala na magtanggol kay Rosas. Umuwi na at nagpahinga na ang dalawa sa kani kanilang mga condo. Nagpurihan din ang dalawa sa mga narating nila at siyempre mawawala ba ang usapang babae? Siyempre hindi. Nagkaroon na ng koneksiyon ang dalawa at madalas na rin sila magkausap.

Lumipas ang ilang mga araw nagpatawag ng press conference si sec. Ian Paul. Doon ay inilahad niya ang lahat lahat maliban sa pangalan kung sino ang nasa likod ng krimen. Gusto niya pagbayarin ang mga taong nasa likod, nang tangkang pagpatay sa kaniya. Ang pananambang na nangyari ay tumatak na sa isip ni Ian Paul bagamat nabigo ang mga salarin ay andoon na ang sugat na kailan man ay hindi na gagaling. Ganito pala ang buhay sa gobyerno ikaw na nga ang nasa tama ikaw parin ang mali.

ITUTULOY BUKAS ANTOK NA ANTOK NA TALAGA AKO.

Sort:  

Ajajajajajajaja grabeee dami kong tawa! May pa noodles pala tong si Darna!

Hot and spicy yun hahha. Mga ilan tawa mo?


Wowow. Dahil sa napabilib po kami sa maaksyon at nakaka-aliw nyo pong kwento, itinampok namin ito sa aming arawang edisyon. Panalo din talaga ang mga pa-kwela kuya 2K 😎

Maraming salamat Jun Jun, hayaan mo hindi ako titigil sa kakasulat pa ng mga tagalog na kathang isip at saka mga tula na rin. Pati kay Toto salamat din sa paghimok sa'kin hehe.

Astig talaga sir yung mga ganitong kwento mo. pwede sa wattpad haha

Walang balikan ng mga papuri mem haha. At saka iyong mga tiga Wattpad nagtungo na dito haha.

Buti hindi napalunok ng bato si darna! Haha nice one boss! Si boss Eldean, always on the go! Laging handa! Mapatmatyag at matalas ang mata! 👀

@eldean para sa iyo ito haha. Boss tinanong niya kung magpapa canton daw si Ian Paul haha.

Chili mansi. Maanghang ba maasim asim.😅

Haha boss. Iba nasa isip ni master Eldean talaga. Barilan kasi kaya alam na alam ni master haha

Nagkaputukan pa. Nako po. Juicekolord

E si Darna kaya at Ian Paul ano ginagawa doon sa gilid boss? Baka happy new year na din haha.


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you kindly C-squared.

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 61618.64
ETH 3009.45
USDT 1.00
SBD 3.78