GURO NA HINDI KO MAKALILIMUTAN.

in #steemph6 years ago

8z79f11yko.png
Pixabay



Ang paborito kong guro nooong ako'y nag-aaral pa ay si Bb. Wilma G. Carillo (ewan ko lang ngayon kung binibini pa rin siya). Si mam ay hindi katangkaran, sa tingin ko siya ay 5'0 at hindi rin katabaan, ngunit kung magturo naman siya ay buhay na buhay ang buong classroom. Masasabi kong hindi talaga nakaaantok. hindi kagaya nang ibang guro ko na sobrang nakaantok magturo, akala mo nasa simentaryo kami haha.

Si mam ay naging guro ko noong ako'y 2nd year H.S.Sa subject na Social Studies. Kahit na matatandang mga bagay ang madalas pag-usapan, ay masasabi kong hindi mo kakikitaan siya ng pagkadismaya sa pagtuturo. Madali akong natuto sa puder niya, dahil sa angking galing niya sa pagtuturo na akala mo si Albert Einstein.

Tandang-tanda ko pa noong ipinapakabisado niya sa amin ang mga kabisera ng bawat bansa. Iyon iyong panahon na kapapasok ko pa lang para bang nagsisimula pa lang ang pasukan kasi nga madalas akong lumiban sa klase. Pero huwag ka, isang pakinig ko lang nakabisado ko kaagad-agad mga bansa sa at mga kabisera nito. Hindi dahil matalino ako o masipag ako. Sa tingin ko ay dahil iyon sa gilas ni mam na magturo. Kakaiba ang kaniyang awra sa pagtuturo parang awra ng isang engkantada na humihimok sa bawat mag-aaral na makinig.

Si mam ay hindi kagaya nang ibang guro. Siya'y inuuna ang kapakanan ng estyudyante bago ang sarili. Ganoon naman talaga ang isang guro, estyudyante muna bago ang sarili. Walang pinagkaiba ang isang guro sa isang magaling na politiko. "Bayan muna bago sarili". Ganoon din sa mga ulirang guro. "Estyudyante muna bago ang sarili". Iisa lang ang minimithi nilang mga guro iyon ay; ang matuto ang bawat estudyante na kanilang tinuturuan.

Simula noon ay hindi na ako lumiban sa klase ko dahil alam ko na may isang magaling at maaasahang guro na kagaya niya. Halos kasi lahat ng Filipino ay mukhang pera. Walang mahalaga sa kanila kung hindi ang pera. Mga ganiyang tao buhay pa'y sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno!

Kaya naman ako napagtanto ko bigla sa aking sarili na; "dapat akong pumasok araw-araw dahil sayang ang ibinabayad namin sa eskwelahan, pasok nang pasok walang natutunan". Iyan ang katagang napagtanto ko noong binatilyo ako. Hindi man direktang sinabi ni mam ay napaisip kaagad ako. Ang utak ko kasing bilis ng isang kabayong rumaragasa sa isang video karera haha. Nabigyan ko panandalian ng hustisya ang paghihirap ng magulang ko sa akin haha. Nagkaroon ng kulay bigla ang buhay kong patay na patay na, dahil sa isang guro na ubod ng galing at guro na hindi nauubusan ng enerhiya sa pagtuturo na minsan dinaig pa ang atleta sa enherhiyang taglay nito.

Suma total kaya ko hindi makalimutan ang aking guro na si titser Wilma ay dahil siya'y; masipag, matalino, magaling, dalisay, matiyaga, may pakikipagkapwa tao, at higit sa lahat ang titser na walang paborito sa klase. Salamat mam! Saludo ako sa'yo. Kung nasaan ka man ay sana marami ka pang maturuan na masisipag na bata.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70446.49
ETH 3571.68
USDT 1.00
SBD 4.73