IKA-11 ARAW PARA SA BUWAN NG WIKA: PAGKAIN.

in #steemph6 years ago

7bx47vw5lh.jpg

Simple lang ang bisyo ko tuwing umaga kape at tinapay lang ay ayos na sa akin. Ibig ko mang kumain ng mga pagkaing masasarap ay hindi kaya ng aking bulsa sapagkat ako ay isang hamak na manggagawa lang. Ang sarap isipin na ang kinakain mo sa pang araw-araw ay mga pagkaing masusustansiya kagaya ng; Hamburger, Pizza, at Spaghetti. Suwerteng-suwerte na kapag may nakakain ako Siopao. Magandang kombinasiyon din ang kape at Siopao sa umaga. Kahit ano sa akin Asado man o Bola-Bola.

Sa ating mga Pilipino ay normal lang na ang kainin ay ang ating pagkain sa pang araw-araw. Hindi kasi tayo mayaman na bansa. Maaari iyong ibang Pilipino na may kaya sa buhay. Kagaya na lang ng ate ko na kung makapag-diet akala mo naman hindi tumataba haha. Madalang lang siya kumain ng kanin kasi iniisip niya tataba siya. Ang tipid sa pagkain ng pamilya ng ate ko. Ditse ko naman ganoon din at pa na rin si sanse. Ako lang yata ang malakas kumain ng kanin sa aming magkakapatid. Kahit naman ganoon ay kitang-kita naman ang resulta, ako ang pinakamatangkad sa aming magkakapatid. Pinakamakinis ang hindi haha. Siyempre sila kasi mga pagkain na kinakain nila sa pang araw-araw hindi pang normal na Pilipino, masasabi kong angat sa mga kagaya ko. Kaunti lang ang inihain nila subalit napakamahal na pala at saka magarbong-magarbo pati ang mga sahog. Ako normal lang kanin at saka simpleng ulam lang, Importante naman mabusog ako. Mahirap kasi magtrabaho kapag gutom. Ang pagkain kasi ay ang nagbibigay buhay sa ating mga katawan. Hindi tatakbo nang maayos ang katawan natin kapag walang laman ang tiyan. Ganoon din naman ang sasakiyan, hindi gagana nang maayos ang sasakyan kapag walang gasolina. Kaya naman maihahalintulad ko ang pagkain sa isang gasolina.

Sa mga ulam hindi ako pihikan, madalang lang talaga ako kumain ng Bangus kasi matagal pa ang paghihimay ko kaysa sa pagkain ko nito. Kaya talagang inis na inis ako kumain ng Bangus. Hindi kagaya ng Galunggong subo lang nang subo kasama ang kanin. Ang normal naming kinakain sa Bulacan ay kadalasan manok, baboy o baka. Siyempre hindi purong karne laging may gulay. Pitas lang ako nang pitas sa gilid-gilid haha. Maigi ang gulay sa ating mga katawan, kung hindi kayo kumakain ng gulay ay dapat niyong sanayin ang sarili sa pagkain ng gulay. Huwag naman maging vegetarian, kasi kung walang protina ang katawan niyo ay ang ibig sabihin lang ay mahina kayo. Maiging komunsulta sa isang nutriotionist kung may sobra kayong pera, kung wala naman ay ayos lang din. Ako noong bata ako hindi ako kumakain ng gulay pero napagtanto ko na hindi pala dapat kasi hindi balanse ang katawan ko, baka kasi magresulta ng karamdaman kapag tumanda na ako. Maigi talagang balanse. 80% protina at 20% vitamin c.

Ibayong pag-iingat ang kailangan natin mga kaibigan. Iwasan ang labis na pagkain nang matamis. Kung bawal naman sa relihiyon niyo ay bahala na lang kayo sa mga buhay niyo. Ang sa akin lang kapag bawal na huwag niyo nang gawain, kasi pahihirapan lang kayo niyan kapag tanda niyo. Ubos pera na abala pa sa mga kasama. Hangga't maaari ay ayaw kong mangyari ang ganiyan sa buhay ko.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Apapun isi dan tujuan postingan anda, selamat pagi brother indonesia menyapamu. Hahaha.. Menu sarapan nya mantap

Terima kasih om @owner99. Selamat pagi juga.

Mahilig ka rin pala sa siopao, boss. Pareho pala kayo ni lodi. Siopao boys. 😁
Ayaw ko rin sa isdang maliit kasi wala akong pasensya sa paghimay. Hahahha. Pero ayos lang naman sa akin ang bangus. Malalaking isda ang trip ko.

ewan ko ba dito kay @twotripleow ako lang dapat ang kumakain ng siopao. nyahaha! pero ok lang un. paminsan-minsan PP na may hot sauce naman ang kakainin ko @jemzem 😂

Haha hindi ako mahilig sa Siopao brad, bigay lang iyan. Sa'yong-sayo na ang Siopao haha.

Hindi, bigay lang iyan ng ate ko. Tira-tira lang nila iyan haha. Tinapay na Otap at Biskotso lang madalas kong kainin haha.

Kapag isda naman "Inig sawm ayaw tawn pasidlit" haha.

Kaya kong kumain ng siopao lamang up to 1 week. ^_^

Ay magkakasundo kayo ng ate ko haha.

Coin Marketplace

STEEM 0.32
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64647.93
ETH 3160.25
USDT 1.00
SBD 4.09