IKASAMPUNG ARAW PARA SA BUWAN NG WIKA: APOY

in #steemph6 years ago

m94g86wh5u.png

Pixabay

Ang elemento ng apoy ay labis na makapangyrihan hindi lamang sa laro pati na rin sa totoong buhay. Ang apoy na madalas pumatay nang maraming tao, apoy na madalas nilalaro ng mga EX natin, apoy. Iyang mga iyan ay ang masamang epekto ng apoy. Marami namang nagagawang mabuti ang apoy sa pang araw-araw na buhay natin. Isipin niyo na lang kung walang apoy, araw-araw tayong kakain nang hilaw na pagkain. O kapag maginaw naman siyempre paiinitin nito ang tubig nating pampaligo. Kaunti lamang iyan sa mga magandang epekto ng apoy.

Sa tingin ko kahit hindi aminin ng mga kababayan natin, na dahil sa kanilang kapabayaan ay nagdudulot ang apoy ng sakuna. Unahin na natin iyong nakalimutan patayin ang mga kandila. Kapag naman lumabog ang isang LPG sa tingin ko ay hindi talaga nakapasa sa BFP ang mga tanke na iyan, kaya naman nagresulta iyan nang pagsabog. Kapabayan ng mga tauhan ng LPG tank iyan, hindi sa mga taong gumamit.

Super Hero na may apoy. Siyempre si Human Torch ng Fantastic Four ang una niyong maiisip at saka si Pyro ng X-Factor. Sa mga anime naman, naku sobang dami nila hindi ko mabilang kung sino-sino mga gumagamit ng elemento ng apoy. Kadalasan bida, ang iba naman ay kontra bida.

Sa isang palabas sa Pilipinas ay mayroong brilyante ng apoy na hawak ng isang diwata. Sa tingin ko hindi tumagal iyong palabas dahil pangit ang pagkakagawa ng mga graphics. Halatang-halata kasi na pekeng-peke iyong mga elemento kagaya na lang ng apoy. Wala yatang magandang palabas sa Pilipinas. Mahina kasi mga Pilipino sa mga ganiyang bagaya. Hapon at amerikano ang mga magagaling sa ganiyan.

Kaya naman ngayon kung gusto niyo maglaro ng apoy ay magsuot na lang kayo ng P.E uniform niyo o kaya naman jersey total laro lang naman ang gusto niyo e. Wala naman kayong pakielam sa nararamdaman nila. Tapos tuwang-tuwa pa sila sa mga ginawa nila, hindi nila alam kapag naglaro sila ng apoy ay may balik din naman iyon, kung hindi man sa kanila sa mga magiging anak o apo nila. Mas maigi pang sabihin nila na ayaw na nila sa tao kaysa sa naman na maglaro pa sila ng apoy. Sa ganoong paraan ay maisasaayos ang lahat-lahat. Sa ganoong paraan din ay hindi mawawala ang respeto sa isa't-isa. Oo masakit naman talaga pero pasasaan din at makalilimutan din iyan, kasi nga sinabi mo nang maayos. Hindi ko alam kung bakit naglalaro ng apoy, hindi ko rin alam kung bakit masaya sila sa ganoong bagay. Higit sa lahat wala na akong pakielam at hindi ko na dapat alamin pa haha.

Ito nga pala ang ika-10 ko, para sa Buwan ng Wika ang tema ay "apoy". Paalala lang po sa lahat. Huwag po kayo maglaro ng apoy. Maraming salamat po.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64999.89
ETH 3101.81
USDT 1.00
SBD 3.87