LUGAR NA NAIS MONG MAPUNTAHAN.

in #steemph6 years ago

j605q9ssua.png
Pixabay

Estados Unidos ang unang lugar na ibig kong puntahan at tumira na rin, kung saka-sakaling ako'y mabigyan ng pagkakataon. Bakit kamo? Maganda kasi ang pamamalakad sa naturang bansa. Mataas ang sahod ng ordinaryong manggagawa, malaya kang gawin ang lahat at higit sa lahat malakas ang puwersa militar. Pinakamalakas na hukbo sa buong mundo.

Ang California ay hitik na hitik na likas na yaman, simula sa itaas na bahagi hanggang sa pinakaibabang bahagi. Sa itaas na parte ng California masasabing kong kahit papaano ay nagyeyelo sa ibabang parte naman ay parang nasa Pilipinas ka lang. Tama lang ang init at tama lang din ang lamig. Kapag sinabing Hollywood, diyan mo makikita ang mga sikat na artista. Beverly Hills ganoon din. Ginto talaga ang state ng California!

Sa ibang bahagi ng Estadonos unidos ay makararanas ka ng lamig. Lamig na para bang uurong ang lahat-lahat sa'yo. Ang tinutukoy ko partikular ay ang Alaska. Napakasarap puntahan ng Alaksa. Andiyan kasi natin makikita ang tinatawag na igloo. Ang igloo ay sinaunang bahay sa Alaska, panlaban ng tao sa matinding lamig, pati na rin sa bagyong nagyeyelo. Sa tingin mo ba kapag nagnegosyo ka ng halo-halo sa Alaska ay kikita ka? Haha. Pero totoo dapat kung lilibot ka sa buong Estados Unidos, dapat ang dala mong pera ay kasing dami ng pera ni Donald Trump o kaya kasing dami ng pera ni Bill Gates.

Mahirap na bansa lang kasi ang Pilipinas, kung ikukumpara natin sa Estados Unidos. Napakalaki ng lugar. Mantakin mo 50 ang states nila lahat pa ng lugar ay sagana sa tinatawag nating "natural resources". Virgin pa halos ang mga kagubatan sa kanila, samantalang sa atin wasak na wasak na. Kagubatan na naging saksi sa lahat ng digmaan. Ang kulay puting yelo ay naging pula dahil sa dugo na bumalot sa yelo. Makasaysayang mga hayop. Malulupit at mababgsik sa Alabama matatagpuan.

New York, New York. Lugar kung saan matatagpuan ang matataas na gusali. Tingnan ko lang kung hindi ka malula sa pinaktuktok ng mga nagtataasang gusali sa New York City. Itong siyudad na ito ay may pinakamataas na gun rate sa buong Estadoes Unidos. Mantakin mo kung mamaril ng tao ang mga tiga-Queens ay para bang namamaril lang ng ibon sa kabukiran. Kaya naman sobrang taas ng kaso ng patayan sa kanila kasing taas ng gusali na mayroon din sila.

Marami pang states na gusto kong mapuntahan kaya lang baka maghirap na ako. Kaya nama sa pagbabalik tutungo kaagad-agad ako sa Hawaii, para lasapin ang magandang tanawin sa isla. Lakad-lakad lang na para bang naglalakad sa alapaap. Sumabay sa agos ng dagat nang hindi mo namamalayan. Ansarapa mag-relax hehe. Sulitin natin ang state of Hawaii. Ang lugar na pinakahuling naging lehitimong state ng Estados Unidos.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Det Imperiska Statstornet i Njuuu Jåååk

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by twotripleow[DeShawn Tragnetti] from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Naiintindihan ko kung bakit gusto mong manirahan dun. Nababagay ka rin dun kasi parang nakikita ko masisiyahan ka ng wasto pero sang "state" ba ang nais mo? Kaso paano ba magdala ng pera kagaya ng yaman nila Trump at Gates.

Haha hyperbole lang. Kailangan kasi maraming figures of speech sabi ni friend @romeskie haha. Ikaw hindi ka mahihirapan doon idolestest. Legit si Kaya Chan nga pla roon, hindi na niya kailangan magtago haha.

Jaja laki tawa ko, may sakit pa naman ako. Lumayolayo ka kay Kaya, papagurin ka non. Ayaw ko sa US of A kasi puro work, work, work dun!



See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.

If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 70181.59
ETH 3549.53
USDT 1.00
SBD 4.74