PAPARATING NA BAGYO.

in #steemph6 years ago

636yqhwerd.png
Pixabay

Ondoy na siguro ang pinakamalakas na bagyo na naranasan namin dito sa Santa Maria, Bulacan. Kaliwa't-kanan na kalsada ay parehas hindi madaanan. Naghintay pa kami ng Tatlong oras para madaanan namin ang mga kalsada.

Itong si Ompong naman na paparating pa lang, hindi pa man nakararating ay sobrang dami na kaagad ang sinirang kahit anong pwede nitong sirain. Kawawa naman ang mga kababayan natin na sinalanta na agad ng bagyo, daig pa nila ang pinagsakluban ng langit at lupa.

Mamaya parating na ang bagyo. Hindi na magkamayaw ang mga tao na nakatira sa mabababang lugar. Ang baha kasi sa kanila ay parang dagat sa lalim. Minsan umaabot daw ng tatlong post ang lalim. Ang mga dambuhalang mga bangka naman ay nakahanda na para sa parating na bagyo. Ang mga nasabing bangka ay nagmistulang arko ni Noah. Nang sa gayon ay maraming mailigtas kung sakali man lalalim ang baha sa mabababang lugar sa Pilipinas.

Ngayon ramdam na ramdam ko na ang paparating na bagyo. Hindi man dito sa amin ay nag-iingat pa rin kami, sapagkat maigi na iyong mala-boy scout ka sa paghahanda kaysa sa naman kung kailan nandito na saka pa lang kikilos. Maigi na maaga pa lang ay handang-handa na tayo sa paparating na kahit ano. Nang sa gayon ay maiwasan natin ang kalunos-lunos na mangyayari, hindi lang sa mga tao pati na rin sa mga mahal natin buhay.

Kaya naman ngayon, manatiling matatagal, kasing tatag ni Hulk. Maigi rin na magdasal upang walang mapinsala ang paparating na bagyo mamaya. Mas maigi rin na magtulungan tayo sa ganitong oras, para na rin maiwasan ang trahedya. Iwasan din magpabaya sa mga bagay-bagay. Humingi kaagad ng saklolo kung talagang hindi na kaya. Andiyan naman ang baranggay na unang hihingan natin ng saklolo.

Maraming tao na gustong magbigay ng tulong. Maigi rin na sundin na kaagad ang payo nila, kapag sinabing lumikas na, lumikas na kaagad. Nang sa gayon wala ng madamay pa.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

Hello, as a member of @steemdunk you have received a free courtesy boost! Steemdunk is an automated curation platform that is easy to use and built for the community. Join us at https://steemdunk.xyz

Upvote this comment to support the bot and increase your future rewards!

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 71539.00
ETH 3603.23
USDT 1.00
SBD 4.75