PINOY HENYO WEEK #25 STORM OMPONG VICTIMS TRIBUTE 09/16/2018

in #steemph6 years ago

b02wja21ka.jpg

Nakita niyo naman po bago ang logo ng Pinoy Henyo. Wala pong iba ang gumawa niyan kung hindi ang butihing kaibigan ko na si @romeskie. Aniya pabebe raw ito, pero para sa akin napakalupit po nang pagkakagawa nito. Simple at payak lamang, ngunit itong bagong logi ay sumisimbilo sa ating pagiging isang Filipino.

Kaya naman itong post na ito'y lalagyan natin ng maraming TAYUTAY at PANG-URI haha. Alang-alang na rin kay Rome.

ANG NAKARAAN SA PINOY HENYO.

Ayon sa ating mga kalahok ay binigo nanaman po ni boss @iyanpol12 Mapagmahal ang ating ibang mga kalahok, sapagkat ang akala nila ay talo na si boss Ian Mapagmahal subalit itong si boss Ian ay parang si FPJ talaga. Sa una ay nagpapabugbog muna at sa bandang huli saka siya kakana, sabay dudurugin na ang mga kalaban!

Matulin mag-type si manong Oscar na para bang rumaragasang ambulansiya sa kalsada ay hindi pa rin nakarating sa paroroonan, sapagkat tila naubusan na ng gasolina si manong Oscar.

Si kabigang Rome naman ay akala mo si Romie Diaz sapagkat sa una'y ubod ng tulin. Ganoon nga siguro ang mga kontrabida, sa una'y ginugulpi muna ang bida. Tapos sa bandang huli ay babangon at dudurugin ang mga kalaban.

Ganiyang-ganiyan ang ginawa ni boss Ian Mapagmahasal sa kanla Gail, Rome at Oscar. Akala mo sina; Max Alvarado, Romie Diaz at Paquito Diaz ang mga kalaban niya at siyempre si boss Ian Mapagmahal ay si FPJ. Kaya nga lang dito si boss Ian ay ang Hari ng Pinoy Henyo hehe. Si FPJ naman ay hari ng pelikulang Filipino hehe.


Ngayong linggo nga pala ang sponsor ay ang gwapong-gwapo at matipuno na si @st3llar.

fi0yghyc03.jpg

Ang poging-poging larawan na iyan ay galing mismo sa ating napakabait na si @st3llar.

Ngayon ako'y tapos na maghanda para sa Pinoy Henyo. Gagawa na ako ng tanong para mamaya. Magbabanlaw muna pala ako, nang sa gayon ay maisampay ko na ito at makapagpahinga muna haha. Hanggang sa muli paalam!



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Sort:  

I upvoted your post.

Mabuhay, keep steeming.
@Filipino

Posted using https://Steeming.com condenser site.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 65139.82
ETH 3206.69
USDT 1.00
SBD 4.16