Tagalog Poetry "Tunay"

in #tagalog-poetry6 years ago


Tunay

Di natitibag ang mga damdamin
Di nabubuwag kahit pilitin
Di kumakalawang ang pagtingin
Sa pait at tamis magkasama parin
Ang pag-ibig ay sa tagal ay di nasusukat
Ito ay nabibilang sa bawat
Pagsama sa bawat pait
Ang pagluwag ay pinaghigpit
Ang bawat sapit
Ay dinaramdam at binibitbit
Magandang ala-ala ang tanging sambit
Ang puso'y dalisay na humahanga
Nakatingin sa iyong mga mukha
Sa bawat araw ng ika'y makasama
Di ko nanaisin sinta
Ang ika'y mapaluha
Pagkat ako'y tunay
Hanggang sa kabilang buhay
Panginoon ang syang may gabay
Kung ako ba'y
Nakatadhanang sa iyo paglalakbay
Ang mga yapak na nanaisin mo
Ako'y nasa likod naka agapay sa iyo
Sa kahit anong liko
Ay maasahan mo ako
Sa pagtanda natin ika'y iduduyan
Na para bang sanggol na mosmos pa lamang
Hanggang sa di mo na ako maaalala
Sa pagkat tayo'y matanda na
Mahirap na ang memorya
Alam kong mananatili ang yong tiyak na nadarama
Hanggang isa sa atin ay maiiiwan
Mapait man ngunit mas nangingibabaw
Pagmamahalan natin na umaapaw
Tunay na tunay na ang pusong ligaw
Naghahanap sa tanging ikaw

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66765.98
ETH 3234.00
USDT 1.00
SBD 4.23