Tagalog Poetry "Ulap"

in #tagalog-poetry6 years ago (edited)

Tagalog Poetry "Ulap"

Tanaw ko ang boong paligid

Sa itaas ako'y nakasilip

Minsan ako'y malupit

Masalimout, buhos ko'y pait

Sikat ng araw sa akin nakaharap

Habang langhap ko ang bawat pangarap

Na ninanais ng iba maganap

Kapag ako'y asul, at payapa

Ganda ng araw ay umaapaw

Sa gabi ako'y nakadungaw

Mag kasintahan sa gabi ay napukaw

Habang nakahiga sa may damo

Kita-kita nasa likuran ko

Palamuting bituin, na napakaamo

Sa gabi na puno ng gamo-gamo

Ako ang Iyong ulap

Sa gabing puno ng pangarap

Sa umagang punong ng hinaharap

Ako'y nakatingin sa bawat

Pagsubok at mga ganap

Na naging daan ng mga pagsusumikap

Nagbubunga ng matamis na prutas


src

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63851.10
ETH 3059.36
USDT 1.00
SBD 3.85