Araw ng kalayaan (tagalog poetry)
Narito ang munting tula ko, di ko po ito naipost kahapon kasi ang hirap po ng signal dito sa lugar namin. Kaya ngayon ko lng po ito mailathala at sana magustuhan nyo.😊
Katha ni: @greatwarrior79
Araw ng kalayaan ngayon ay ipinagdiriwang,
Kaya makikita mo ang watawat ng pilipinas, nakasabit sa bawat poste ng lansangan.
Isa itong pagpupugay ng ating sambayanan,
At paggunita sa kalayaan natin sa mga dayuhan.
Kaysarap damhin at lasapin ang kalayaan natin,
Pero sana naman huwag natin itong abusuhin.
Kasi maraming nagbuwis ng buhay ng kababayan natin,
Upang itong kalayaan ay matamasa natin.
Sana alam natin ang halaga ng araw na ito,
At dapat ipagbunyi natin mga pilipino.
Na malaya ang bansa na ginagalawan mo,
At dapat pasalamatan ang nakipaglaban para sa bayan na ito.
Ang bayang kong pilipinas,
Pagmamahal ko ay wagas.
Ako'y magiging tapat hanggang wakas,
Aking kang ipagtatanggol ng aking buong lakas!