Tagalog poetry "Lipad" Philippines Independence day specials

in #tagalog6 years ago

Tagalog poetry "Lipad" Philippines Independence day specials

Nitong ika-12 araw ng Junyo, 2018 naganap ang ika-120 na taon ng ating pagiging malaya sa pamamahala ng ibang mga dayuhan, Ito po ay aking handog sa pagkat napakahalaga po nang kalayaan, sa samot-saring pagpapakahulugan, ngunit ang kalayaan na aking gusto isambit ay ang kalayaan mula sa mga manaakop noong taon na maraming buhay ang nabuwis, maraming bala ang nahulog sa bawat pagkalabit, mga luhang pumatak, hanggang sa natapos at napagwagi ng ating mga bayani, na inalay ang kaisa-isang buhay sa pagkamit ng tinatawag na kalayaan, itoy tunay bang naangkin natin?

Ang puso'y namanhid
Sa samot-saring sakit
Pisikal man o kaya'y emosyon
Ang angking tapang mula sa pagkabaon

Sa bawat ginaw at init ng laban
Kahit mabigat ay pasan
Isang lahi ang laan
Pag-ibig at pagmamahal sa bayan

Sa matayog na lugar abot kamay na
Isang pag-asa hawak kamay ko pa
Babang tanaw ang nasa baba
Natutong makisama sa mga dukha

Sa paglipad tayo na ang nasa nobela
Sa pagliko tayo'y nakaporma
Pag-unlad sa ekonomiya*
At pag-tutulongan sa bawa't isa

Lahat ay kayang ibigay
Kahit kapalit man ay buhay
Upang bayan na dalisay ay
Sa paglipay tunay

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83