Tagalog Serye IV: Pangalawang Bahagi ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat ng masugid naming taga-subaybay! Nagbabalik po muli ako upang ihatid ang pangalawang bahagi ng isa na namang kaabang-abang na kwento mula sa unang pangkat ng #tagalogserye.

Ang unang bahagi ng kwento ay inyong mababasa rito, na isinulat ng ating makisig na ginoo na si @twotripleow.

DQmUQoWRR6ZeSRKzWF8UJLEiegDnzb9Yk6fSL2pZc9g3X8x_1680x8400.png


Nawasak ang puso ni Jayson sa tuluyang pagtalikod sa kanya ni Marie. At kasabay ng pagkawasak ng kaniyang puso, nawasak rin ang kanyang pangarap na maging isang bilyonaryo bago pa siya mag-30 years old, nang makita niyang naging isang police station na ang dating gusaling pinagtaguan niya ng kanyang diyamante.

Gutom at kaunti lamang ang pera, nagpalakad lakad si Jayson sa lansangan habang nag-iisip ng kanyang susunod na hakbang. Alam niyang mahihirapan siyang magsimulang muli dahil una -- mag-isa nalang siya at wala na ang kanyang mga kaibigan, at pangalawa -- isa siyang ex-convict.

Napadaan siya sa Luneta Park, ang minsang naging tahanan nilang magkakaibigan. Hanggang ngayon ay di parin siya makapaniwalang patay na ang kaniyang kaibigang si Tony, at lalong di niya parin lubos maisip na kaya ni Mark na pagtaksilan sila.

Ang apat na magkakaibigan ay nagkakilala sa lansangan nang abandonahin sila ng kanilang kanya-kanyang mga magulang. Dahil magkaka-edad sila, at parehas ang kanilang kapalaran ay nagtulungan ang magkakaibigan upang mabuhay sa kalsada. Natuto sila ng iba't ibang raket, mula sa panlilimos, pagpapanggap na maysakit o di kaya'y may kapansanan, hanggang sa paglilinis ng mga sasakyan, at ng di kalaunan ay natuto narin silang magnakaw. Mababait naman silang apat, sa katunayan tumutulong din sila sa mga batang lansangan, alam kasi nila kung ano ang pakiramdam ng walang makain, at walang matitirahan.

Kahit na magnanakaw sila, lahat naman ng kanilang ninanakawan ay mga masasamg nilalang -- mga kurakot na pulitiko, mga businessmen na sobrang gahaman sa pera at di tama magpasahod sa mga empleyado, at iba pang may mga ilegal na gawain. Ganun siguro talaga, minsan sa buhay, kailangang gumawa ng di kanais-nais upang maka-survive!

Naluha na lang si Jayson habang nakatingin sa palubog na araw habang nakaupo siya sa isang sulok sa Luneta Park. Natapos na ang maliligayang araw nilang magkakaibigan, at ngayon wala siyang choice kundi mamuhay ng mag-isa. Matapos ang pag-eemote, kumuha siya ng isang notebook at ballpen na bigay sa kaniya ng warden ng kanilang presinto nang malaman nitong mahilig siyang magsulat. Sinimulan na niyang pagplanuhan ang kaniyang susunod na mga hakbang.

My To-do List:

1. Maghanap ng murang boarding house.

2. Mag-apply ng trabaho sa bagong police station.

3. Hanapin si Darius.

4. Alamin ang nangyari sa diyamante.

5. Hanapin si Mark, at pagbayarin siya sa kaniyang mga kasalanan.

Tanging limang-libong piso lang ang pera ni Jayson, na bigay din sa kanya ng warden nung malaman nitong wala na siyang pamilyang babalikan. Tulong narin upang makapag simula siya ng bagong buhay. Gustong gusto siya ng warden dahil maliban sa mabait, si Jayson ay matulongin din nung siya ay nasa kulungan pa. Dahil sanay na man siyang matulog sa lansangan, pinili na lamang niyang sa Luneta na magpalipas ng gabi.

Kinabukasan

Maagang nagising si Jayson, hindi na siya nagsayang ng oras at naghanap na agad siya ng matutuloyan. Sinwerte siya dahil nakahanap agad siya ng boarding house na mura na, malinis pa, parang SOGO lang -- So Clean, So Good! At malapit pa ito sa police station na target niyang pasukin. Lumipat na agad siya. Naligo, nagbihis ng maganda, at tumungo sa dating kulungang naging tahanan niya ng tatlong taon. Kinausap niya ang warden na naging matalik niya na ring kaibigan sa loob, at humingi siya ng isang recomendation letter upang makapag-apply siya ng trabaho sa kabilang station. Natuwa naman ang warden, at proud pa rito dahil nakikita niyang gusto talaga ni Jayson na magbagong buhay. Sa katunayan, tinawagan pa niya ang warden sa kabilang station, at siya mismo ang nakiusap na ipasok si Jayson bilang isang janitor.

Umalis si Jayson dala-dala ang recomendation letter at ang confidence na matatanggap siya sa trabaho. Dumiretso siya sa kabilang station at dito na nga nag-apply siya bilang isang janitor.

"Kung hindi ka lang nirekomenda ni Warden Batumbakal, hindi kita bibigyan ng trabaho. Sana'y pagbutihin mo ang bago mong trabaho at magtuloy-tuloy na ang pagbabagong buhay mo." wika ni Inspector Dimagiba.

"Maraming salamat sa pagkakataon, Inspector. Makakaasa po kayo!" sagot ni Jayson.

Umuwi si Jayson nang masayang masaya, at muli, ginugol niya ang kaniyang oras sa pagpaplano kung paano siya makakakuha ng impormasyon tungkol sa diyamente.

"I have nothing to lose. Nawala na sa akin ang pinakamamahal kong si Marie, ang aking bestfriend na si Tony, at tinraydor pa ako ng walang hiyang si Mark. Patay kung patay, ibibigay ko na ang lahat ng aking lakas at talino sa pag resolba ng misteryo ng diyamante." wari ni Jayson sa sarili.


Ang kaniyang unang araw sa trabaho ay magsisimula sa susunod na Lunes. Mayroon na lamang siyang tatlong araw upang hanapin si Darius. Sinuyod ni Jayson ang buong ka-Maynilaan, at sa pangatlong araw, nakita niya si Darius na nagtatrabaho bilang isang computer technician sa may Divisoria. Nagyakapan ang dalawang magkaibigan at nag-bonding sila mula araw hanggang gabi.

"Pasensya ka na Jayson, at hindi kita nadalaw sa kulungan. Nahihiya kasi ako sa aking nagawa. Iniwan ko kayo sa gitna ng panganib dahil sa takot kong makulong." wika ni Darius habang humahagulgol sa iyak.

"Naiintindihan ko Darius, kaya wag ka nang mag-drama jan. Kailangan ko ang tulong mo." sagot ni Jayson.

Pinaliwanag ni Jayson kay Darius ang kaniyang planong hanaping muli ang diyamante, at sumang-ayon naman ito sa kaniya. Tuwang-tuwa rin si Darius sa kanilang muling pagkikita ni Jayson at nangako itong babawi sa kaibigan. Ang hindi alam ni Darius ay sinusubukan lamang siya ni Jayson kung may alam ba ito tungkol sa diyamante.

Nadala na si Jayson, at simula nang magtaksil si Mark sa kaniya ay hindi niya na kayang magtiwala sa iba. Ngunit kahit na hindi buo ang tiwala niya sa kaibigan, wala siyang choice, kailangan niya ang kakayahan ni Darius sa computer. Kahit gaano pa siya katalino, alam niyang hindi niya kakayanin ang kaniyang susunod na mga plano kung wala ang kaibigan.

Dahil sa nangyari, naging mas aloof na si Jayson sa mga tao sa paligid niya. Mas pinipili nalang niyang magbasa o di kaya'y magsulat ng mga maiikling kwento kesa makipaghalubilo sa iba. Matalino si Jayson kahit di siya nakapag-aral. Ang kaniyang naging eskwelahan ay ang kaniyang paligid, at ang kaniyang mga naging teacher ay ang kaniyang mga karanasan sa buhay. Mahilig din siyang magbasa, kaya marami siyang alam. Sa kanilang apat, si Jayson ang pinakamatalino. Tahimik lamang ito pero sa bawat galaw nila, si Jayson ang nagpa-plano. Kaya lahat ng kanilang misyon ay successful, maliban na lamang sa huli. Hindi dahil sa palpak ang plano ni Jayson, kundi dahil sa pagtataksil sa kanila ni Mark.

Nang makauwi sa bahay, kinuha ni Jayson ang kanyang notebook, at nilagyan ng ekis ang kanyang to-do list number 1, 2, at 3. Dinagdagan din niya ang kaniyang listahan.

My To-do List:

1. Maghanap ng murang boarding house.

2. Mag-apply ng trabaho sa bagong police station.

3. Hanapin si Darius.

4. Alamin ang nangyari sa kaniyang diyamante.

5. Hanapin si Mark, at pagbayarin siya sa kaniyang mga kasalanan.

6. Alamin ang pangalan ng engineer at architect na gumawa sa building.

7. Mag-secure ng blueprint ng building at pag-aralan ang bawat detalye nito.

Unang araw ng trabaho

Masayang masaya si Jayson sa pagpasok sa trabaho. Sinuot niya agad ang kaniyang bagong uniporme, at nagsimula nang maglinis. Ngunit ang totoo, front niya lang talaga ang paglilinis. Ang kaniyang tunay na motibo ay mangalap ng impormasyon tungkol sa diyamanteng nawala -- ang diyamanteng dahilan ng pagkawasak ng pagkakaibigan nilang apat, pagkamatay ng kaniyang kaibigang si Tony, at pagkakulong niya ng tatlong taon na dahilan kung bakit siya iniwan ni Marie.

"Andaming nasakripisyo dahil sa diyamanteng iyon, kaya lahat gagawin ko makita lang ito. Akin lang ang diyamante ko! " wika ni Jayson sa sarili.

Sa kabilang dako

"Nakalabas ka na pala sa kulungan, Jayson, at ngayon, nakapasok ka narin sa loob ng police station. 'Tsaka may pa to-do list ka pa ha, at talagang pagbabayarin mo ako? Bwahahahaha! Matalino ka nga, pero ang korni mo naman! Sawang sawa na akong maging sunod-sunoran sa iyo, kaya ngayon, oras ko naman! Hinding hindi mapapasa iyo ang diyamante!" sambit ni Mark sa sarili habang nakamasid sa police station gamit ang isang binocular.

Samantala...

Gulat na gulat si Jayson nang madatnan ang nagkalat niyang gamit sa kaniyang kwarto. Hinanap niya agad ang kaniyang diary, at ito ay wala na sa kaniyang pinaglagyan. May nakita rin siyang isang music box sa ibabaw ng kaniyang higaan -- ang music box na bigay sa kanya ng kaniyang ina matapos siyang iwan nito nang mag-isa sa may Quiapo. Alam niyang galing ito kay Mark! Binuksan niya ang music box, at sa loob ay may nakatiklop na note. Habang tumutunog ang music box ay binasa niya ang nakasulat sa papel. Napamura na lamang siya sa galit matapos itong basahin!

"Napaka-walang hiya mo talagang hayop ka! Pagsisisihan mong nabuhay ka pa, Mark! Magtutuos din tayo, at sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong ako ang magwawagi!" bulalas ni Jayson habang mangiyak-ngiyak at nanginginig sa galit!

Itutuloy...

U5dtkxR5jWuo6F4m19MqyPyx9i8HjVp_1680x8400.png

BILANG NG SALITANG GINAMIT: Di ko na po binilang, basta hindi lumampas ng 1,500 hahaha

Mga Karakter
Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social. [si Jayson]

Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib. [si Mark na muna (although nasa mga 23 years old na siya, pwede na ba? haha) pero abangan natin kung may bago bang karakter na ipapakilala si @cheche016 bukas]

Elemento sa Kwento na ginamit :

Music Box (Memories, Childhood)

U5dtkxR5jWuo6F4m19MqyPyx9i8HjVp_1680x8400.png

Mga Myembro ng Bawat Pangkat

UNANG PANGKAT:
@twotripleow Lunes
@chinitacharmer Martes
@cheche016 Miyerkules
@jemzem Huwebes
@johnpd Byernes

IKALAWANG PANGKAT:
@itsmejayvee Lunes
@romeskie Martes
@jamesanity06 Miyerkules
@julie26 Huwebes
@tpkidkai Byernes

Sort:  

Nalalapit na ang araw ni Mark kaya humanda ngayon siya. Iiyak na sana ako nang mabasa ko parang Sogo lang haha. Tapos ang mga ngalan ng mga inspektor at Warden kakaiba mukhang sila lang mayroon non. Abangan natin bukas sa panulat ni miss.Cheche hehe.

Hahaha! Ewan q ba bat sinali q pa ung SoGo! 😂😆 Kaabang-abang talaga itong storyang ito. Go Cheche, excited na kami sa maaksyong adventure ng magkaaway na magkaibigan! Hahaha

exciting...kaabang-abang ang susunod.

Maraming salamat sa pagsubaybay bro! 😃

Ano kaya yung note na iniwan ni Mark kay Jayson? Hahahahha. Feeling ko magiging komedya ang mga huling bahagi. 😂
Pero napabilib ako kay Jayson! Buo ang loob at talaga nga namang matalino. Excited na ako sa kasunod. 😁

Hahaha, si @cheche016 na ang bahala sa note! Di q na nilagyan at sobrang sobra na ung words q 😅 Ako rin feeling q comedy na namn ito! Hahaha! Na eexcite aq lalo! 😍

mahusay ka talaga Min-min @chinitacharmer
makagawa na nga din ng to-do-list ko para mas organize ang mga plano. atsaka listahan ng mga itutumba 😂

Maraming salamat sa suporta Jampol! Oo kelangan talaga ang to-do list para mas ma motivate taung gawin ang mga bagay-bagay hahaha! #OCproblems

P.S. Wag moko isali sa listahan ng mga itutumba mo ha! Hahaha

Nyahahaha grabe hindi rin magpapatalo ang kay @chinitacharmer totoo nga ang sabi ni @beyonddisability Team Mabusisi nga!

Ang sarap basahin ng akda kompleto ang mga lahok. ay kulang pa pala yung ibang prompts pero di naman needed masyado basta may mga elemento.

Maraming salamat Toto/JunJun. 😃 Nakakatuwang mabansagan ng #mabusisi. Ano ba meaning nyan? Hahaha.

Napakaganda po talaga ng inyong naisip na patimpalak dahil nahahasa talaga ang aming kakayahan. Lalo na sa gaya q na mahina sa Tagalog, ngaun di na aq nagcoconsult sa google translate. Di pa naman aq kasinggaling ng aking mga lodi, pero sapat na sa akin ang maka grupo sila, at matuto rin sa kanilang mga akda. 👏😚

Hi Maine, ang galing parang heist movie yun development, mukhang magiging maaksyon nga :) Nakikita ko din ang pagkamabusisi gaya ng sabi ni beyond haha. Magaling ang pagkakasalaysay sa kwento at nagustuhan ko ang build up sa mga karakter.

Maraming salamat Jazz. Natatawa aq. Di q kasi talaga maintindihan ang meaning ng mabusisi. But i know it has something to do with "details", so I looked it up and now I know. Hahaha. Nakakatuwa lang na mabansagang ganito! Alam mo namang di aq magaling sa Tagalog, pero dahil sa nu natututo aq. Kaya maraming salamat sa inspirasyon! ☺

Grabe ka talaga kamo sa detalye @chinitacharmer, nakakaelib! Nanganganib yata ang titulong Olodi ng linggo ah, brother @tpkidkai, gagawin ko lahat para magwagi, malakas ang kalaban, kailangan paghusayan ng maigi... Kinakabahan tuloy ako, si @cheche016 pa naman katapat ko, mahusay din.

Wala bro @jamesanity06 lahat talaga magagaling. Kaya ang hirap sungkitin ng titulo. Basta makapagpost nalang tayo ayos na.
Pero sympre di natin sila bibigyan ng madaling laban. Di parin isusuko ang OLODI ng Linggo. Kahit si lodi @johnpd ang kaharap sa huling bakbakan.

hindi namin isusuko agad ang laban. kailangang magtagumpay kami para sa karangalan. bwah hah hah! (okerampa! palakihin mo si @cheche016!) kaya tumawag na din kayo ng higanteng robot nyo na panlaban sa amin 😂😂😂

Waaahhh maraming salamat James! Natututo lang aq sa nu, kayo naman talaga ang orihinal na #mabusisi! Siyempre di kami magpapatalo! Gusto rin naming makuha ang olodi banner. Hahaha!

Naisip q lang, pano kaya kung romance ang theme nxt week. Baka ano ang masulat q sa pagiging mabusisi q. Waaaah.. Isang detalyadong kaganapan sa malamig at madilim na lugar. Ayaw q nang isipin! 🙈🙊

Pack-up na! Hahaha ang galing ni Maine sa detalye ng kwento. Sobrang na-abang ako sa magaganap kay @cheche016 tuloy.

Maraming salamat TP. Natuto lang aq sa mga orihinal na #teamMabusisi. Jazz, you, James, atbp! Nakakatuwa dahil di na aq gumagamit ng google translate. Minsan nalang. Hahaha. Kaya maraming salamat sa inspirasyon at ngayo'y mahal ko na ang pagsusulat sa Tagalog!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63464.16
ETH 3111.33
USDT 1.00
SBD 3.98