TagalogSerye III: Paliparin ang Paruparo - Unang Bahagi

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ikatlong edisyon na po ng TagalogSerye ng @tagalogtrail. Medyo na-bully ako ni Toto na sumali this week kahit ginusto ko muna magbreak 😪 Gayunpaman, ikinatuwa ko na rin magsulat para sa linggong ito dahil sa temang misteryo. Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito para bigyan ng karugtong ang kuwento nila Shiela, Dana at Edward. At syempre dahil paborito ni Toto si Moira, meron na naman ulit ngayong linggo 😋

Dahil sa nagrereklamo na si Toto at Junjun kung bakit wala pa rin title ang mga kwento, lalagyan ko na po, kahit parang medyo korni ang pamagat ko. hehe

Paliparin ang Paruparo

Unang Bahagi


imahe galing unsplash.com

🎶”Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Masarap magmahal pag hindi iniwan … 🎵

Kumawala ang magandgang himig dahil sa pagkakalas ng earphone sa kinabitang cellphone.

Himalang kaunting lamat lamang sa screen ang tinamo nito at gumagana pa rin sa kabila ng pagkakabagsak mula sa halos limangpung talampakan na taas. Hindi nga lang ganoon kapalad ang may-ari: naliligo sa pula at baliko ang kanang braso, kung may hininga ma'y marahil paupos na rin ito.

Dalawang lalaki ang matatanaw na nakatayo sa tuktok ng tulay, nasa bingit at nakatingin sa kaawa-awang dalagang nahulog. Ang isa'y tila bang walang ekspresyon. Kung hihimayin ang bawat kibot ng mata't bibig ay marahil makakakita ka ng kaunting bahid ng pagsisisi. Sa isa naman ay luhang umaagos ng walang patid. Sa gitna ng hinagpis, isang panalangin at pangalan ang kanyang nasambit ...

"Dana ..."

🎶”Pagbilang mong tatlo,
Nakatago na ako … 🎵

Isa.

Dalawa.
Tatlo...


......... nɒɒɿɒʞɒn ɒƨ oʞɒ ʞilɒdI

Tanghaling tapat ngunit hindi gaanong ramdam ang init dahil sa makapal at makulimlim na mga ulap. Ngunit walang unos ang darating ngayong gabi ... ang unos na nagbabadya ay hindi sa literal na kahulugan.

"Nakakunot na naman noo mo", bigkas ni Dana sabay siko sa mas nakakatangkad na kababata. "Hindi naman ganun kainit ... teka, payong? Gusto mo magpayong tayo?" Hindi na rin naghintay ng sagot ang dalaga at nilabas na lang sa bag ang kanyang pink na payong.

"Hindi naman dahil sa mainit.", nakisamangot na inabot ng binata ang payong ngunit para ibalik lang sa bag ni Dana. "Alam mo naman kung bakit diba? Sabi ko wag na tayo tumuloy ngayon."

"Aba, Isagani!" Medyo naalarma si Dana dahil baka kung ano ang madampot neto sa kanyang bag.

"Bag mo?! Pektusan kita jan. Tsaka alam mo namang hindi tayo pwedeng hindi pumunta ngayon. Kailangan natin 'tong gawin para kay Shiela at Edward", paalala ni Dana na may halong matinding lungkot sa dulo.

"Lakas talaga ng topak mo. Ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit ang init ng dugo mo ngayon kay Edward, dati sobrang close naman kayo. Ilag kami nuon sa kanya dahil sa estado nya, pero kayo? Hindi nga kayo mapaghiwalay nun bata pa kayo, araw-araw kang andun sa bahay nila - first bromance!", tuloy tuloy na lintanya ni Dana na walang preno as usual.

"Hayyyy... alam ko namang something to do with Shiela to, simula nung -", pinatigil ni Isagani si Dana sa kakasalita gamit ang isang Oppa moment, pero sa halip na isang hintuturo ang idinampi nya sa mga labi ng dalaga ay isang buong palad ang isinakmal nya dito para tumahimik.

Gumanti naman si Dana gamit ang isang malutong na sampal sa kaibigan.

Nauso na sa magkaibigan ang ganitong kumportableng, at minsan ay mapanakit, na harutan simula pa ng mga bata sila. Naging hobby na nga ata ni Dana na sampalin at konyatan si Shiela at Isagani, ngunit mas lalo na sa kanyang Bessy dahil sa palagi nya itong kasama. Minsan ng napalayo si Isagani sa mga kababata ng mag-aral sya abroad, na syang naging daan upang maging kaibigan nito si Edward.

Ang kwelang bugbugan ay biglang naputol sa pagdating ng bisitang kanilang inaasahan. Lamang na sana si Dana dahil nahuli na nya sa Twister Lock itong si Isagani, pero agad nya itong pinakawalan nang makita nyang parating na si Edward. Dali daling tumayo at nag-ayos ang dalawa.

Biglang naiba ang timpla ng hangin. Isang dipa ang layo ng bagong dating kina Isagani at Dana ngunit parang isang milya ang layo ng kanilang mga pusong bigla na lang ginapos ng pangungulila.

Halso alas-tres na ng makakain sila ng tanghalian. Medyo malayo pa kasi ang binyahe nila para makarating sa kainang pinalano nilang puntahan. Marami naman silang nadaanang ibang kainan ngunit wala ni isa sa kanilang tatlo ang nagpadala sa gutom.

"Ito ang paborito namin dito. Lechong kawali na kare-kare. Tapos syempre pang-group meal na pang limang tao kahit dalawa lang kaming kakain. Tapos dadagdagan pa namin iyan ng tatlong extra rice."

Matapos mabusog ay naglakad naman sila sa parke sa di kalayuan. Nakakapagtakang wala masyadong naglalarong mga kabataan ngayon na parang sinadya upang bigyan ang magkakaibigan ng ilang sandali upang ariin ang lugar.

"Madalas kami dito kahit na nung naging busy na sa kolehiyo. Inaabangan namin dito si Mang Tolits, yung magtataho, na madalas tumambay ng ganitong oras. Mas marami kasing arnival ang nilalagay nya tuwing pauwi na sya."

"Speaking of the taho, ayan na sya. Teka bili lang ako ng tatlo para sa atin.", sabay aktong tayo ni Shiela pero biglang tumigil at napangiti ng bahagya sa dalawang binata. "... apat pala, hindi pala tatlo."

Nagpalipas ng oras ang tatlo sa kwentuhan. Mabilis na naubos ang merienda nila ngunit hawak pa rin ni Edward ang isang basong puno ng taho na may makapal na arnival. Papunta sila sa medyo tagong tambayan ni Dana at Shiela.

Gaya ng dati, si Dana pa rin ang bangka sa kadaldalan. Ang paksa'y mga magagandang alalala ng kanilang kabataan. Napapangiti at napapakwento rin ang dalawang binata ngunit halatang may malalim na iniisip ang dalawa.

"Grabe, ako lang talaga naguubos ng laway ano?", reklamo ni Dana sa dalawa. "Ay, teka alas-sais na pala, matawagan nga si tita bago mag-alala. Punta lang ako sa bandang bukana."

Makalipas ang ilang segundo'y lumisan na din ang panandaliang kapayapaan sa pagalis ng dalaga. Ang tensyong namumuo sa pagitan ng dalawa ay bigla na lamang umakyat, akmang sasabog. Sabay na tumayo ang dalawa't naglakad palayo sa kabilang direksyon ni Dana. Mayamaya'y nagsimula ng magtalo ang dalawa sa ibabaw ng isang tulay malapit sa isang abandunadong dam.

"%#$%, anong plano mo?! Bakit ka ba andito, ha?"

"$#$% mo rin! Alam ko yung plano mo! Talagang idadamay mo pa si Dana?"

"Ang kitid talaga ng utak mo! Wala ng pag-asa, ito na lang! ... Kung meron ba namang bang ibang paraan ... Kung pwede nga lang sana na ikaw na lang ang malagay sa alanganin ... baka hindi na ko nagdalawang-isip."

Sapak ang isinagot ng isang binata. Na sya rin namang ginantihan ng tadyak ng kabilang panig. Kung dati ay magpaglarong harutan, ngayo'y dugo ang hanap ng bawat birada. Maliksing nagpalitan ng ganti ang magkaibigan at hindi masabi kung sino ang nakakalamang. Patas sila sa pisakal na lakas. At magkaiba man ang kanilang kakayahang hindi pang-tao, nasa parehas na lebel pa rin sila maski dito.

Puno na ng galos ang dalawa nang matagpuan sila ni Dana. Nakalayo man ng husto ang dalawang binata'y hindi nila alam na may GPS tracker na nilagay si Dana kay Isagani habang naka-submission lock ito kanina. Simula ng pagkawala ni Shiela'y naging paranoid na ang dalaga at madalas na itong nagiiwan ng tracker sa mga kaibiga't mahal sa buhay. Mabilisang tinanggal ni Dana ang earphones na nakasukbit sa tenga at lumapit sa dalawa upang umawat.

Ang kahindik-hindik na tagpong ito ay pamilyar na sa dalawang lalaki. Wari ba'y isang puzzle na unti-unting nabubuo. Ilang piyesa na lang ang kulang at mabubuo na ang malagim na larawan - isang babaeng duguan at wasak sa ilalim na tulay. Ilang hakbang na lang ni Dana'y masasakatuparan na ang tagpong ilang beses ng naulit.

At bago pa man mangyari ang mangyayari, huminga ng malalim ang isa sa mga binata at inipon ang natitirang lakas para sa isang orasyon.

Tatanggalin ko ang lihim na kandado. Sumpa! Isang pagaspas.
Palayain ang alagad sa gapos ng oras! Sampung bagsak ng agos ....
......... nɒɒɿɒʞɒn ɒƨ oʞɒ ʞilɒdI

... ʎoๅnʇnʇI


Bilang ng salita: ~1250

Tema: Misteryo

Mga Karakter

Bida: Ang Haunted Hero: Hero na may malagim na nakaraaan (Edward o Isagani?)

Kontrabida: Ang Corrupted Hero: Nagsimula na mabait pero naging masama (Edward o Isagani?)

Elemento sa Kwento na ginamit:

  • Time Machine (o time travel)

  • Libro

  • Pakpak (butterfly effect? pwede na ba? hehe)

  • Sino ba sa dalawang binata ang totoong may mapanganib na layon? At ano ang detalye ng balak na iyon?

  • Ano ang nangyari kay Shiela? At kailangan ba talaga ng writer na idugsong ang kwentong ito sa nakaraanag kwento?

Ipinapasa ko na po ang kwento at ang kapalaran ng mga karakter kay lodi @johnpd. Ikaw na bahala, lodi!

IKALAWANG PANGKAT:
@ailyndelmonte - Martes
@jazzhero - Miyerkules
@johnpd - Huwebes
@cheche016 - Biyernes

Tatapusin ko po ang unang bahagi ng kwento sa pag-share ng awit na nagamit sa kwento. Syempre, special mention si @tagalogtrail dahil peyborit nya si Moira.

Sort:  

Nakaka inis ka @jazzhero, di mo man lang pinalasap yung epekto ng panalangin! Pero may clue na ako, kaso sumakit pantog ko, nabitin ako!! Ang galing!

Salamat sa pagbabasa, JamesSan 😄 Eto na yun unang bahagi na dapat ay kahapon.
Anjan na ang setup ng epekto ng orasyon pero wala pa talaga din ako konkretong plano para jan 😅
Ipapaubaya ko na sa susunod na manunulat na si Jampol.

Aabangan ko to, nakakapanabik!

Kinilabutan ako nag babasa pa naman ako mag.isa .. Hmmm ...

Time travel is real. Sinu nga ba?

Kahit orasyon may hugot! Iba ka talaga.

"Walang forever dahil lahat sila nang.iiwan"

HAHAHAHA

Galing ang orasyon kay Zenki 😅 hahaha. Impluwensya yan ni Jampol.
Pasabaw na yun kwento ko pero sa nahuli pa rin ang mystery angle.
Salamat sa pagbasa CheChe, and good luck sa pagwawakas.

ANONG GINAWA NYO KAY DANA! ISAGANI AT EDWARD!!!!!!

Sa lahat ng karakter si Dana pa talaga

Haha. Either si Isagani or si Edward lang. Good guy yun isa.
Pero mainam na anjan pa rin si Dana, kesa sa kalagayan ni Shiela na baka deads na 😅

Haha, nagbalik ang mga old karakters sa ibang katauhan! Mejo deep itong kwentong to ha, at kailangan kong magkaroon ng kasagutan sa maraming tanong na nabuo sa aking isipan! Naway makatulog parin ako ngayong gabi.

Ang galing mo sa figures of speech, from metaphor to imagery. Sobrang creatively written ito, in terms of word choice and the plot itself. Mahusay, as always!

Wait, parang exam Maine, naghanap ako ng figures of speech sa kwento 😅
Patatawarin at walang hidden messaage haha. Ayan na lang reverse text technique galing dito sa website na ito: http://www.messletters.com/en/mirrored/
Natuwa lang din ako sa kanta ni Moira, sumakto kasi yun lyrics ng chorus na "Ibalik ako sa nakaraan", Time Travel na ito. haha.

Hahaha! Talagang literal na time travel ito ha, excited ako! Sana may ganito paring effect sa next na yugto! Haha #pressure

Hala salamat sige check q yan, at baka magamit q sa sa aking susunod na obra! Wahahahaha. Charot!

sabi na nga ba, natural na ganyan ang estilo ng pagsusulat mo @jazzhero
nyahaha! ewan ko ba, parang sa tingin ko ako din nagsulat nyan. nyahaha!
pero ung paggamit ng mga salitang nakabaliktad, bago un para sa akin.
mabuhay ka tito jazz! at dahil may nagrequest na sana may pabaliktad effect pa rin, susubukan ko din lagyan. take note, dito pa talaga sa comment na ito ako nagreply. ayieeee 😄 papansin ka jampol!

hahaha! hi @johnpd! Aasahan ko yang pabaliktad at orasyon effect mo! Aabangan ko talaga kasi andaming tumatakbo sa utak ko dahil sa kwentong to. Gusto ko ng closure, ayaw ko nang maiwan sa ere!

Jam-Min! Jam-Min! Jam-Min! 😋

Excited ako, feel ko mas malupit ang pabaligtad effect mo. Ang taas na naman expectations ko haha. Nabasa ko kasi un kay Rosa na hidden message.

Sanib mode ulit tong sulatin na ito, pinaghalong ikaw at si @cheche016. Ang open ng kwento, pati ako hindi ko alam kung saan nyo ito dadalhin.

Hahaha! Walang forever, nabuwag na ang labteam na yan, di pa man nasimulan lol!

Yes, same. Ang taas ng expectations q sa nga susunod na mangyayari! 😂

Hi @jazzhero thanks for using steemph-antipolo tag you got an upvote.

Maraming salamat sa upvote at support Steemph.Antipolo. Salamat din sa lahat ng mga kapatiran na nasa tambayan din. Mas naging masaya ang mga actitites ng TagalogTrail dahil n rin sa inyo.

bitin na bitin ako . uwoho.
dahil sa akdang ito mapasabik ka talaga sa susunod.
anggaling po boss @jazzhero

Eto yun last push ko din Beyond haha.
Excited din ako sa kasunod kasi di ko alam kung sino ang tunay na kalaban at kakampi.
Looking forward ako sa interpretasyon ni Jampol at Cheche.

katatawanan na naman yan mula kay loding @jampol . may pagkafunny rin naman itong si @cheche.

Nakaka-miss magsulat ng Tagalog. Ipagpatuloy mo, @jazzhero. Salamat sa boto.

Sali na sa Fundition para mapondohan ang makataong proyekto mo.

Maraming salamat @timliwanag :) Namotivate talga ako ng @tagalogtrail talaga magsulat sa Tagalog. Kaya full support ako sa kanila hehe. Salamat din sa pagimbita sa tambayan tungkol sa @fundition.

Ang galing! Uwian na! May nanalo na mga bes! Ang lalim ng kwentong to. Ang ganda po ng plot. Pang mystery talaga.

Congratulations @jazzhero! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61388.48
ETH 2984.48
USDT 1.00
SBD 3.65