FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: Huling Bahagi ng Ikalawang Pangkat (Ang Pagtatapos)

in #tagalogserye6 years ago

TagalogSerye.jpg

Narito ako’t nagbabalik upang ipagpatuloy at tapusin ang nasimulang kuwento ng aking mga kagrupo.

Para mas maintindihan ang mga pangyayari, mas maiging basahin ang mga naunang kaganapan ng aming kuwento:

Unang Bahagi ni @twotripleow
Ikalawang Bahagi ni @romeskie
Ikatlong Bahagi ni @tpkidkai
Ikaapat na Bahagi ni @johnpd
Ikalimang Bahagi ni @artgirl

Ang Nakaraan…

At si Father Frederick? Habang nilalabanan ang mga bampira ay unti-unting gumagawa ng malinis na daanan para mapigilan ang schizophrenic na si LaVonda. Hindi maaaring mailabas ang sikreto ng mga Unang Bampira. Hindi maaaring lumaganap muli ang lahi nila.


“LaVonda! Ikaw ang daan para mahanap ang nawawalang kastilyo. Huwag mong hayaang manaig si Margarita! Ang iyong sarili ang kalaban, ngunit ang iyong sarili rin ang susi sa kapayapaan,” ani Dr. PSY na hinang-hina na dahil sa pakikipaglaban sa mga kampon ni Margarita.

“Wala na si LaVonda! Ang mahinang si LaVonda ay hinding-hindi na magbabalik kailanman!” Isang malutong na halakhak ng bruhang si Margarita ang bumalot sa buong kuwebang kinaroroonan nila.

Patuloy ang labanan ng mga kampon ni Margarita at mga kaanib ni Dr. PSY. Bagama’t maraming dalang mga sandata na yari sa pilak, sibat, espada, palakol, arnis, martilyo, pana na may lason, mga bomba, baril na may silver bullet, baseball bat, kutsilyo, tirador at yoyo sina Father Frederick, wala itong panalo sa natural na liksi at lakas ng mga bampirang takam na takam na sa kanilang dugo.

Hinang-hina na ang mga TB at tanggap na nila na sila’y talunan. Hindi na nila kayang lumaban pa lalo na’t unti-unti nang nauubos ang kanilang kasamahan na kinakagat ng mga bampira. Tila nawalan na sila ng pag-asa maliban kay Dr. PSY na umaasang darating si Nora Aunor at sasabihing, “May himala!”

Pero hindi ang iniidolong artista ang dumating, kundi ang isang lalaking hindi niya inaakalang magbabalik.

“Puwede na rin,” aniya at nilapitan ang sumulpot na lalaki at nakipagbeso-beso siya rito. “I miss you, my friend!”

Kinunutan lang siya nito ng noo kaya inirapan na lamang niya ito.

“Itigil mo na iyan, anak!” dumagundong ang boses nito na dahilan upang matigil ang labanang nagaganap sa loob ng kuweba.

“P-paanong?” Bakas sa mukha ni Margarita ang labis na gulat nang makita ang amang inaakala niyang patay na.

“LaVonda, alam kong nandiyan ka pa at hindi tuluyang natutulog. Ikaw lamang ang susi, anak. Hindi kailangan ang ikaapat na artipakto upang mahanap ang nawawalang kastilyo, dahil ikaw ang susi. Ang iyong tagumpay sa paghanap ng tatlong artipakto ay nangangahulugan lamang na malakas at matalino ka bilang LaVonda, hindi bilang Margarita!” wika ni Markus habang walang kurap na tinitigan ang mga mata ni Margarita.

Isang malakas na tawa lamang ang isinagot ni Margarita.
“Wala na si LaVonda! At lahat kayo’y mawawala na rin! Tuluyan ko nang masasakop ang mundo at magiging alipin ko ang mga pinangangalagaan mong tao!”

Susugurin na sana ni Margarita si Markus ngunit tila may pumipigil sa kaniya.

Capture.PNG

“Hindi ko hahayaang magwagi ang kasamaan mo, Margarita! Matagal na kitang itinakwil sa aking katawan! Ilang counseling sa Psychologists na ang pinuntahan ko para lang tuluyan ka nang mawala, pero ayaw mo pa rin akong tantanan! Tama na! Sobra na! Grabe! Grabe! Grabe!”

Parang baliw na kinakausap ni LaVonda ang sarili at patuloy silang nagsasagutan ni Margarita. Walang nagawa ang lahat na nasa loob ng kuweba dahil nalilito sila sa nangyayari kay Lavonda/Margarita. Tumutok na lang sila at inaabangan kung sino ang magwawagi sa kanila.

“Tama na! Inuutusan kita na lisanin ang aking katawan!” sigaw ni LaVonda at dali-daling tumungo sa banal na tubig na nasa loob ng kuweba.

Naligo siya roon at nagtampisaw. Ramdam na ramdam niya ang hapdi na dulot ng banal na tubig na dumadampi sa kaniyang balat, ngunit tiniis niya iyon sa pag-aakalang lulubayan na siya ni Margarita na tinatawag niyang alter.

cave-863155_960_720.jpg

Nagkaroon ng split personality disorder si LaVonda simula noong sampung taong gulang siya. Ito’y naging bunga ng trauma na naranasan niya sa pagtugis ng mga tao sa kanilang lahi. Dumaan ang maraming taon at mas lumakas ang alter niyang si Margarita hanggang sa ngayon nga’y hirap na siyang kontrolin ito.

“Kayanin mo, anak! Tandaan mo, ikaw ang susi! Ang kapareha’y kalabanin at makakamit ang bukal sa pusong hangarin.

“Mawala ka na, Margarita!” sigaw ni LaVonda habang nangingisay na nilulunod ang sarili sa banal na tubig.

“Mawala ka na, Margarita!” inulit ni Markus ang sinabi ni LaVonda at nakigaya na rin ang lahat ng naroon maging ang mga bampira.

“Ahhh!” napasigaw si Margarita at mayamaya’y nawalan ng malay si LaVonda kasabay ng paglitaw ng nakabubulag na liwanag na nanggagaling sa kaloob-looban ng kuweba.

Pagkaraan ng ilang segundo ay natanaw na nila ang walang kasing gandang kastilyo na matagal na nilang hinahanap.

Natalo ang kasamaang nanggaling lang din sa sarili ni LaVonda. Pinatunayan niyang kahit ang sarili ang kaniyang kalaban ay kaya niya itong talunin upang manaig ang kapayapaan.

Simula nang mahanap nila ang kastilyo ay iyon na rin ang simula ng hinahangad nilang tunay na kalayaan at pagkakaisa ng lahi ng mga tao at bampira.

And they lived happily ever after…


Mga Karakter

• Evil Albino - Ang kontrabida na nagtatago sa kanyang kulay puti na kutis, bagama't maputi kabaligtaran naman nito ang kaniyang puso, Ang kanyang ugali ay sadyang kay sama. Halimbawa daw ay si Lucius Malfoy from HP sabi ni Junjun

Nung una, ito ay ang mga pari at mga Koreano, ngayon ito pala ay si pekeng Carpio at si Margarita.

• Boyish Girl - Ang bida ng kwento "one of the boys" physically fit at active din. Halimbawa ay si Sailor Jupiter ng Sailor moon

Ito ay si LaVonda Davis

• Limang karakter:

  1. LaVonda/Margarita
  2. Markus Davis/Protacio
  3. Carpio/Pekeng Carpio
  4. PSY
  5. Father Frederick

Bilang ng mga salita: 741

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metapora)

• Lock of Hair (nasa pekeng kwaderno na hawak ng mga Koreano. )
• Tomb (kung saan naroon si LaVonda)
• Split Personality (Si LaVonda)

Tema ng ika-Pitong Serye

Unang Pangkat : Thriller
Ikalawang Pangkat : Adventure

Unang Pangkat

@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15

Ikalawang Pangkat

@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl


pinagkunan ng larawan:1, 2, 3

a.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

jemzem banner.gif

Sort:  

Haha pati si Nora Aunor napa sali diyan. Iba na talaga ang level ngayon. Aber millenial ka bakit mo alam iyan? Haha.

Ay milennial b sha? Kung pro-writer yan alam yan. 😂😂😂

Posted using Partiko Android

Below 25 pa lang kasi siya haha. Tayong mga magkakampi ngayon baka above 30 na haha.

Ay bagets nga. Hahahaha. Shhh wag ka maingay baka mahuli tau. Charrr. 😂😂😂

Natutuwa ako't kabilang pa rin pala ako sa millenial. Akala ko'y napaglipasan na rin ako ng panahon dahil hindi ako makasabay sa mga uso ngayon e. hehehhe

Ang galing! Ang ganda ng ending! Iba talaga si ate jemzem! Hahaha

Magagaling ang mga kagrupo ko e. Hawa-hawa na. hehehhe

malupit ka talaga lodi @jemzem pro-writer
parang binasa ko ulit ung librong Si Amapola sa ika-64 na Kabanata ni Ricky Lee nang mabasa ko ung isinulat ko. sobrang nagustuhan ko ung labanan ng alter. ambangis! 😊

Mukhang gusto ko rin 'yang basahin lodi ah. Kaya ang lupit mo dahil ang lulupit din ng mga binabasa mo e. :D

Ganda ng ending, masaya lang! Gusto ko talaga ang split personality twist. Galing sis! 👏👏👏

Thank you sis at nagustuhan mo. Nabigyan din ng hustisya ang mga naunang bahagi. :D

Ang gleng gleng!!! Aprub!!! May himala! 😅👍🎉

Pero paano nabuhay si Markus? Wahahaa. Matindi tlga ang ama. Hahaha. Laging nabubuhay muli. 😂

Posted using Partiko Android

Ayun nakalimutan ko pong isingit ang dahilan ng muling pagkabuhay ni Papa Markus. Hehehe. Antok na antok na kasi noong isinulat ko. Pero maraming salamat at aprub sa iyo, sis @artgirl. :D

Bwahaha at least maganda pa rin ending kaht antok ka n nun.

Posted using Partiko Android

YUNG TAPOS NA SILA KAME NAKABITIN PA RIN?!

o edi kyo na ang panalo
iboboto ko ulit si master @twotripleow bilang olodi ng tambayan

Ano ba ang nangyari bakit wala pa? Absent siguro si Valerie. Haha salamat iboto ko naman si Jemzem.

Intense na intense BD ah. Capslock na capslock. Hehehehe

nyahahaha.. di pa rin tapos yung sa amin haha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70597.89
ETH 3559.60
USDT 1.00
SBD 4.77