FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VIII: HULING BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago (edited)

tagalogtrail.png

Bago ang lahat, nais kong magpaumanhin dahil sa tagal ng pagdugtong ko nito. Sorry na po.

Anyway, para maunawaan nang lubos ang aming kuwento, maaari n'yo pong basahin ang mga naunang bahagi ng TagalogSerye ng Unang Pangkat.

Unang Bahagi ni @twotripleow
Ikalawang Bahagi ni @romeskie
Ikatlong Bahagi ni @oscargabat
Ikaapat na Bahagi ni @blessedsteemer

Ang Nakaraan...

Nagulat din si Charloise sa ipinamalas na lakas at bilis ng isang nilalang na tumulong sa kanya ..at may tattoo din ito sa braso at katawan, na tulad ng tattoo nya..napakalaki ng masel at malabato bato ang ang abs nya, ngunit tinanong ang nilalang na ito..Si..sino ka.? Garalgal niyang tanong... at sinagot naman siya nito ako si twotripleow!..At nagulat siya sa sinabi ng nilalang na ito na may kakaibang kapangyarihang nanalaytay sa kanyang mga ugat.

At sa pagpapatuloy ng TagalogSerye...


“T-Twotripleow?” hindi makapaniwalang bigkas ni Charloise.

“Tama. Ako si Twotripleow ̶ ang iyong ama.”

Halos malaglag ang panga ng dalaga sa hindi inaasahang rebelasyon. Ang matagal na niyang hinahanap na ama ay nagpakita na sa kanya sa wakas. Ni anino nito’y hindi niya pa nakita kaya wala siyang ideya sa hitsura nito. At ngayong nakita na niya ang kaniyang ama, labis na pagkamangha ang kaniyang nararamdaman.

“Kaya po pala maganda ako dahil guwapo din pala ang tatay ko,” hindi niya mapigilan ang paghanga rito.

greek.jpg

Bagama’t moment na sana nilang magdrama dahil sa tagal nilang hindi nagkita, bigla na lamang naputol ang namumuong emosyon sa kanila nang biglang dumating sina Jaypian. Bumaba mula sa magarang kotse ang doctor pati na rin si Zera. Bigla na lamang nabalot ng galit ang puso ni Twotripleow nang makita ang manyakis na doctor.

“Sa wakas! Nagpakita ka na rin Twotripleow!” malademonyong halakhak ni Jaypian.

“Matagal na panahon akong kinain ng karuwagan. Matagal akong nagtago at namuhay nang mag-isa dahil sa sumpang isa palang kasinungalingan!” tiim-bagang na sigaw niya sa dating kaibigan.

Magkababata sina Twotripleow at Jaypian. Napakalapit nilang magkaibigan na tila magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Ngunit nang maging binata sila at nalaman ni Jaypian na isa siyang baog, doon na simulang magbago ang ugali niya. Lalo na nang maging nobya ni Twotripleow si Lingling at nalaman niya ang itinatagong sekreto ng dalagang bikyu. Tinangka niyang gahasain si Lingling kahit pa buntis ito. Pinlano rin niyang makunan ang dalaga at gahasain ito nang pauli-ulit hanggang sa mabuntis niya ito.

Ngunit buti na lamang at may mabuting kalooban na tumulong sa dalaga na makatakas mula sa malupit na kamay ni Jaypian. Nanganak ito nang hindi pa oras at namatay dahil sa panghihina. At ipinalabas naman ni Jaypian na isang sumpa ang pagkamatay ni Lingling dahil hindi sila maaaring magkaanak ni Twotripleow na isa rin sa huling nasalinan ng kapangyarihan mula sa ninuno nitong sikyu. Na mamamatay si Lingling oras na manganak ito. At inuto niya rin ang kaibigan na mamamatay rin ang mga anak nito oras na lumapit ito sa kanila.

“Kaya naman pinili kong lumayo at pagmasdan nang tahimik habang lumalaki ang mga anak ko. Pero nang nanganib nga ang buhay ni Charloise at hindi ko napigilan ang sarili kong iligtas siya mula sa kapahamakan, napagtanto kong isang kasinungalingan ang lahat ng sinabi mo! Traydor ka, Jaypian!” Umuusok sa galit na bulyaw ni Twotripleow.

“Isa ka talagang hangal, Two-K!” hagalpak na tawa ng doctor. “Biruin mo, ang tagal kitang nauto?”

Susugurin na sana ni Twotripleow ang doctor ngunit maagap nitong sinakal si Zera habang itinutok ang baril sa ulo nito.

“D-dok…” gulat na sambit ni Zera.

Natigilan si Twotripleow sa pagsugod at lalong namuhi kay Jaypian.

“Bitiwan mo ang anak ko!” babala nito.

Nanlaki ang mata nina Zera at Charloise sa narinig.

“S-siya po ba ang kambal ko?” baling ni Charloise sa ama.

Kumunot naman ang noo ni Zera sa sinabi ni Charloise. At lalong naguluhan ang dalaga nang tumango naman ang ama.

“Si Jaypian ang naghiwalay sa inyong dalawa. Siya ang nag-set up ng lahat! Alam niyang hindi ka niya basta-bastang maisasakamay, kaya naman ipinaghiwalay niya kayo dahil balak niyang gamitin si Zera sa takdang panahon. Ikaw lamang ang nasalinan ng dugong bikyu, Charloise. Habang si Zera naman ay ang nagmana ng lakas ko bilang isang sikyu. Nais ko kayong sabihan, ngunit nasa puso ko pa rin ang takot sa sumpang gawa-gawa lang naman pala ng sakim na Jaypian na iyan!”

Naiyak si Zera sa kaniyang narinig. Hindi niya alam na ginamit lang pala siya ng isa sa pinakapinagkakatiwalaan niyang tao. Tila winasak ang kaniyang puso sa katotohanan. Dahil sa labis niyang pagkasaktan ay hindi niya namalayang may kakaibang enerhiya ang lumabas sa kaniyang katawan bagay na nagpabitiw kay Jaypian mula sa pagkakasakal sa kaniya.

Nagliwanag ang tattoo ni Zera at kasunod ang pagliwanag din ng tattoo ni Charloise. Tila hinigit sina Zera at Charloise ng hindi maipaliwanag na puwersa papalapit sa isa’t isa.

“Ahhh!” sabay na sigaw nila nang mapag-isa ang kanilang katawan at isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot sa kanila.

wolf.jpg

Ilang segundo ang nakalipas ay nawala ang liwanag at lumitaw ang isang taong-lobo na may siyam na buntot. Sumugod ito kay Jaypian at nilapa ang manyakis na doktor.¬¬ Naawa si Twotripleow sa sinapit nito, ngunit ipinagpasalamat na rin niya ito sa huli dahil sa wakas ay hindi na ito makapaghahasik pa ng lagim.

Matapos ang malagim na tagpong iyon ay naging normal na ulit ang buhay nina Charloise at Zera kasama ang kanilang ama. Namuhay sila nang mapayapa bilang tao at walang sinuman ang nakakaalam sa lihim ng kanilang pagkatao.

--- WAKAS ---


pinagkunan ng larawan: 1, 2, 3

Narito ang prompt para sa linggong ito.

Mga Karakter:
Hero: Charloise
Villain: Jaypian Asalor

Bilang ng mga salita: 851

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

  • Slavery. [CHECK]

  • Tattoo. [CHECK]

  • Rescue. [CHECK]

Tema ng Tagalog-Serye:
Action, Sci-fi, Fantasy, Thriller, Suspense and Adventure.

Unang Pangkat:

@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability

Ikalawang Pangkat:

@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem

Sort:  

Haha grabe ang rebelasiyon na iyan. Napakabuting ama niya talaga at sobrang sama talaga ni Jaypian gustong-gusto niya talaga si Charloise.

Partida wala ka pang praktis niyan pero wala pa ring kakupas-kupas.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

galing talaga ni @jemzem.
ang sama ni Jaypian. Nilapa tuloy sya ng dalawang babae.
Nagejoy kaya sya.
#balikrespeto

Ang lupet..mo mem @jemzem! Isa kang alamat..saludo ako sayu! Grabe! Galing mo mam..idol na kita hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66598.01
ETH 3236.65
USDT 1.00
SBD 4.66