FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE VII: IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang mga sumusunod na manunulat ay umani ng tiwala at muling nanumbalik ang respeto ng mga tao sa kanila. Basahin ang kanilang mga akda bilang patunay.

Unang Bahagi ni @twotripleow Bomba
Ikalawang Bahagi ni @romeskie Tiktik
Ikatlong Bahagi ni @tpkidkai Bulgar
at ang inyong lingkod naman ang maghahatid ng Ika-apat na Bahagi Sagad (dahil nasa Sagada na ang plot)

Subalit hindi pa rin umaani ng respeto at tiwala si Jampol...

Blag! Blag! Blag!

Mabibigat na yabag ng mga paa kasabay ng tunog ng kadenang kinakaladkad sa paanan na may nakataling bolang bakal. Ito ang parusa sa nahuling kriminal ng malalaswang sulatin si Green Jampol.

Pok! Pok! Pok!

"Order in the court! Order in the court!", utos ni Judge Jampol. "Basahin na ang oath."

Lumapit si Prosecutor Jampol na may hawak na bibliya at handa na sa kanyang pagbasa ng sinumpaang salaysay para kay Green Jampol.

"Ilapat mo ang kamay sa ibabaw ng Bibliya at taos-pusong sundan ang aking mga tinuran...", sabi ni Prosecutor Jampol.

Tanging tango lang ang naitugon ni Green Jampol. At sinunod ang panunumpa mula sa pangunguna ni Prosecutor Jampol.

"So help me God.", ang huling nawika ni Green Jampol.

"Hahatulan ka ng habang-buhay na pagkakabilanggo sa salang pagsusulat ng double meaning na mga salita at malalaswang pakinggan na mga pangungusap. Kaya't ikaw Green Jampol ay papatawan ng Reclusion Perpetua sa Bartolina kasama ang mga bulag, pipi at bingi para wala ng makikinig sa kwento mo at gagaya sa'yo.", matigas na saad ni Judge Jampol.

"Ikakandado ninyo ang aking pagkatao? Ikakandado ninyo ang aking mga talento. Kinandado nyo na nga ako sa inyong panghuhusga, ngayon naman ikakandado ninyo ako kasama ng mga bulag, pipi at bingi. Kinan--"

Tootootoot toot toot Tootootoot (biglang tumunog ang cellphone ni Green Jampol.

Blag! Smash! (nadurog ang cellphone at nagkapira-piraso matapos itong bagsakan ng higanteng maso na hawak ni Berdugong Jampol)

"Balik respeto na!", galit na wika ni Berdugong Jampol.

"Bwah hah hah! Nyahaha! Wahahaha! Hi~yesss! Nailusot ko pa rin!", tuwang-tuwang sabi ni Doktor John D. Paul.

END OF SIDE STORY


And now, back to TagalogSerye filtered story

Ang Nakaraan...

Dumating ang umaga, ang pupungas-pungas si LaVonda. Bagama't medyo magulo ang kaniyang isipan, wala namang masama kung susubukan. Kahit anong bakas o tip na pwedeng magturo sa huling bahagi ay kaniya nang papatulan.

Naghanda na ulit siya sa paglalakbay patungong Luzon: Destinasyon Sagada kung saan nakahimlay ang kabao ni Protacio.

Ang Pagpapatuloy...

Mula sa Cebu ay nagpa-book agad ng flight papuntang Manila si LaVonda Davis. Mula sa terminal ay sasakay siya ng taxi papuntang Victory Liner with wi-fi (official sponsor) papuntang Baguio at sasakay muli ng jeep hanggang makarating sa Sagada.

Mahigit 24hrs ang naging byahe niya dahil traffic sa EDSA (as usual may kinakalaban na naman na higanteng bubuli si Ultraman) at andaming stopover ng bus dahil pala-cr si Manong Driver.


Bakbakan ni Ultraman sa EDSA

At nakarating din siya sa Sagada. Ang lugar kung saan nagpupunta ang mga taong gustong mag-move on. Ang una niyang ginawa ay magkape habang binabasa ang mga ulat na kanyang nakalap tungkol sa mga Koreanong doktor at mga Pari na sugo ng Vatican City.



(imahe mula kay Prof. Jessie Varquez)


Sa Simbahan ng Barasoain Malolos, Bulacan


Simbahan ng Barasoain

Nagpulong-pulong ang mga sugo ng Vatican para pagplanuhan ang pagpuksa sa nadiskubre nila na pangkat ng mga Bampira na nagtatago sa Bulacan. Susugurin nila ang kuta ng mga Bampira sa ganap na ika-8 ng umaga kung saan mahimbing na nagpapahinga ang mga ito.

Dala ang kani-kanilang mga sandata na yari sa pilak; sibat, espada, palakol, arnis, martilyo, pana na may lason, mga bomba, baril na may silver bullet, baseball bat, kutsilyo, tirador at yoyo. At syempre, hindi mawawala ang lubid na gawa sa inipon na buhok ng mga santo papa (kaya medyo may kataasan ang hairline nila) panali sa nahuling Bampira upang makapagsabi ng totoo (katulad ng lasso of truth ni Wonderwoman).

Sinimulan na nila ang pag-atake. Hinintay na sumikat ang araw at eksaktong alas otso ng umaga ay sinimulan na nila palibutan ang kuta ng mga Bampira. Tahimik ang ginawa nilang pagkilos upang hindi makalikha ng anumang ingay na pupukaw sa atensyon ng mga natutulog na Bampira.

Kinabitan muna nila ng net ang mga bintana para hindi magamit ng mga Bampira sa kanilang pagtakas. Ang mga pintuan naman ay binabantayan ng tatlong tauhan na may dalang mga baril. Sa bubong dadaan ang mga aatakeng pari (para sa mas magandang stunts at fight scenes, gumamit sila ng harness). Gugulatin nila ang mga Bampira na mahimbing ang pagkakatulog.

"Simulan na ang pag-atake..", utos ng isang Priest-in-command.

Isa

Dalawa

Tatlo

"Move! Move! Move!", at kumilos na nga ang mga itinalagang pari.

BALAGABOOM!!!

Wasak ang bubong at kisame. Isa-isang nagbababaan ang mga pari gamit ang harness na lubid. Nang makababa na ang lahat, laking gulat nila sa nadatnan.

"Anak ng bakang bakla! Naisahan tayo! Walang Bampira dito!"

Nag-inspeksyon sila sa paligid. Nakakalap sila ng mga ebidensya na ito nga talaga ang kuta ng mga Bampira. Subalit wala silang nadatnan.

"Iisa lang ang ibig sabihin nito...", hinala ng Priest-in-command. "May isang traydor sa mga kasama kong pari."


Sagada Hanging Coffins


Sagada Hanging Coffins

Heto ang nakuha na clue ni LaVonda tungkol sa huling artepakto na kanyang hahanapin.

"Manipud naggapwanam ket napnu iti siddaaw
Babaen iti panagtipun iti ranyag ken nasipnget
Iti sidung ti naranyag a bulan ken iti paginanaan a makita laeng iti nadumaduma a paset iti bantay
Ket ditoy a makitam iti ingka ibaknang."

Translation...

Ang iyong pinagmulan ay puno ng hiwaga.
Pagsasanib ng liwanag at kadiliman.
Sa bilog na buwan ay isinilang.
At sa kwadradong himlayan na nakasabit sa kabundukan
Masusumpungan ang kayamanan

Gamit ang kanyang lakas at bilis, isa-isa niyang ininspeksyon ang mga nakasabit na kabaong. Inaakyat niya ang mga bundok at binubuksan ang mga kabaong upang silipin kung saan nakatago ang huling artepakto.

Isang puting-puti na kabaong ang tumawag sa kanyang pansin. Nangingintab pa ito dala ng labis na kaputian. Kumikinang din ang gintong palamuti nito na siyang nagpapaganda sa paligid ng ataul.

Binuksan niya ang kabaong at nakita ang labi ng isang paring Katoliko na nakasuot pa ng abito. Sa dibdib nito ay nakalagay ang isang itim na Bibliya. At sa nakasaradong kanang kamay nito ay isang sulat.

Una niyang binuksan ang bibliya. Sa unang pagbuklat pa lang niya ay nabigla siya sa nabasa

GOD BLESS YOU ALWAYS,
Father Protacio

Agad naman niyang binasa ang sulat na nasa kanang kamay.

saram saeroun saram
neomu seolleeoseo eojireowoyo
mannam saeroun mannam
neomu seolleeoseo michigesseoyo

Naguluhan siya sa nabasa. Wala siyang maintindihan. Itinuloy niya ang pagbabasa.

natseon natseon yeojaui natseon hyanggie
Yes I want some new face
natseon natseon yeojaui natseon hyanggie
Yes I want some new face

Lalo siyang nalito. Itinigil na niya ang pagbabasa dahil sumasakit ang kanyang ulo.


Flashback

Huling misa na ni Father Protacio. Nagpaalam na siya sa mga obispo at paring kasama na tatapusin na niya ang buhay bilang pari dahil gusto na niyang maranasan ang buhay may asawa. Subalit nangako naman ito na hindi makakalimot sa paglilingkod sa Diyos.

Sa kanyang huling misa ay nakaupo sa harapan ang nobya. Malapit sa kinauupuan nito ay ang kanyang kaibigang Koreano na nagtatago sa pangalan na Pi Es Way. Isa itong maginoong (Gentlemen) oppa na nakatira sa Gangnam. (yan na ang last clue)

Matapos ang huling misa ay nagpaalam na siya sa Simbahan. Pagkalabas ng Simbahan ay isang riding in tandem ang kanilang nakasalubong. Hinintuan sila at pinaputukan. Feeling action star ang nobya nito at sinalo lahat ng bala.

Malalagutan na ng huling hininga ang babae nang magbigay ng solusyon si Pi Es Way. Nais sana niya iturok ang serum na may kamandag ng laway ni Alucard. Pinulsuhan niya ang babae, mahina na nag vital signs nito at hindi gagana kapag itinurok ang serum. Itinurok niya ang serum na may kamandag kay Father Protacio. Ito na lang ang natitirang paraan para mabuhay ito. At inutusan niya na kagatin sa leeg ang babae para dito maipasa ang serum sa mas mabilis na paraan.

Nawalan ng malay ang babae. Inakala ng lahat na patay na ito. Nang bigla itong dumilat, pulang pula ang mga mata nito at tinubuan ng mahabang pangil. Tagumpay ang pagsalba ni Pi Es Way.


Seoul Broadcasting Station South Korea

Tinipon ni PSY lahat ng atleta at nakahanda na ang mga ito na lumipad patungong Pilipinas. Dito na magaganap ang matinding sagupaan na hinihintay ng lahat.

계속하려면

gyesoghalyeomyeon
To Be Continued...



Mula sa pangunguna ni @toto-ph ng TagalogTrail, naisipan naming gumawa ng proyekto na kung saan ibabahagi namin ang mga natatanggap naming biyaya sa mga nangangailangan. Napagdesisyunan ng tropa na gamitin ang malilikom na halaga para sa "Pag-aralin kita benefit program" na kung saan isang mapalad na estudyanteng may kapansanan ang tutulungan naming matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan, bukod pa sa tuition fee nito at ibang gastusin. Ang makukuhang payout mula sa TagalogSerye ay buo naming ibibigay sa estudyanteng aming napili. Maaari ka ding magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pag-upvote at resteem sa mga kwento ng TagalogSerye o kaya naman ay direktang magdonate ng SBD sa account ni @tagalogtrail.

Anumang halaga, maliit man o malaki ay malayo ang mararating. Kunyari hindi ako nag-plug at kunyari hindi pang-spam ang aking ginagawa. Maraming Salamat po! Nawa'y makaabot sa mga whales itong mensahe. Always be a blessing to others. 😊

Bida: LaVonda Davis
Kontra Bida: Mga koreyanong archeologist at mga sugo ng Vatican City.

Bilang ng mga salita: 999 (6159 characters to be exact)

Mga Elemento sa Kwento na ginamit sa serye ngayon
Lock of Hair
Tomb
Split Personality (ni Psy)

Tema ng ika- Pitong-Serye
Unang Pangkat : Thriller

Ikalawang Pangkat : Adventure

Ang mga magkaka kampi sa laban ngayong linggo

Unang PangkatIkalawang Pangkat
@rodylina, @beyonddisability, @julie26, @cheche016, @kendallron, @valerie15@romeskie, @twotripleow, @jemzem, @johnpd, @tpkidkai, @artgirl

Ang magpapatuloy ng kwento ay si @artgirl. Pasensorry sa delay ng pag-post.

Sort:  

Ang haba ng tinakbo ng serye hahah ayos din ito. Yung pa prologue ni Dr. John PD! Grabe kakatakot kala ko magbabalik tayo dun sa naunang serye.

Kaya pala laging traffic sa EDSA si Ultraman pala ang dahilan, tapos yung pagbaba ng mga pari. I can't imagine na ginagawa nila talaga yun.

nyahaha! medyo kinapos na ako sa idea at imagination. eto na yata ang sabaw sa lahat ng mga sabaw. nyahaha! 😂

Dama kita dyan sa sabaw ng mga sabaw. Madalas ako ganyan, pag nagsusulat keywords, keywords lang lately kaya di ko ma post.

Talaga nga namang isiningit pa talaga ang doktor na yun sa umpisa eh. Wahhahaha.. lupet!

ayoko mamatay ung karakter ni doktor (kahit dalawang beses na siya pinatay sa magkabilang serye) kaya hanggat may pagkakataon, bubuhayin ko siya palagi. nyahaha! bwah hah hah! 😂

Hanep na i way mo pa iyan. Alam ko naman kaya sa Bulacan ang mga bampira kasi kumakin ako ng dugo nyahaha. At saka iyong UltraMan mo nyahahaha si Ultraman Titi iyon. Lalung naging mystery ang mga pagkatao nila grabe!!

woy akala ko labo labo na naman ang kwento eh
naku si ultraman na naman ang cause ng traffic
alam mo bang halos araw araw ko pakinggan ang New Face ni PSy

hangsaya talaga

oo nga. nakaka-positive mga kanta ni PSY. mapapaindak ka kahit madami kang problema. 😂

Omg. Hahaha ano kaya isusulat ko mamaya na katuloy. Gusto ko yung white kabaong ni ex-Father. May backstory pa na nangyari. Hahaha.

Mmyang gbi post ko katuloy. Baka madaling araw n naku pero basta ipopost ko n lng. Hahaha.

ok lang po. pasensorry po talaga ate @artgirl masyado pong nabusy kahapon. 😊

Oks. Nahirapan ako hahaha. Juskolord ayoko n nga nxt time. 😂😂😂

Posted using Partiko Android

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

hahhahaahahahhaahhahahahahahhaahahha. Iba talaga kapag tatak Jampol! Hindi puwedeng hindi singitan ng comedy ang kuwento. hahahahaha. Natanggal ang stress ko dahil sa nabasa ko rito! Maraming salamat, lodi! Tawang-tawa ako! hahahahaha

hala siya! wala naman comedy sa kwento ko ah. nyahaha! maliban sa side story na hindi naman related sa TagalogSerye. maisingit lang talaga. nyahaha! lakas kasi ng impluwensya ni @twotripleow hanggang ngayon green pa rin mga mata ko. 😂

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83