TagalogSerye III: Paliparin ang Paruparo - Ikalawang Bahagi

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang Nakaraan...

At bago pa man mangyari ang mangyayari, huminga nang malalim ang isa sa mga binata at inipon ang natitirang lakas para sa isang orasyon.

Tatanggalin ko ang lihim na kandado. Sumpa! Isang pagaspas.
Palayain ang alagad sa gapos ng oras! Sampung bagsak ng agos ....
......... nɒɒɿɒʞɒn ɒƨ oʞɒ ʞilɒdI

Nagliwanag ang buong paligid at tanging si Edward, Isagani at Dana lamang ang nakakakita ng wormhole na nalikha mula sa salamangka na sinambit ni Isagani. Dali-dali silang pumasok sa Wormhole at napunta sila sa hinaharap, sampung araw mula sa kasalukuyang panahon. Nasa tuktok pa rin sila ng tulay at sa kailaliman nito ay ang dam na may halos limampung talampakan ang lalim mula sa tulay na nasa itaas.

Sa sobrang takot ni Dana ay napakapit siya nang madiin kay Isagani. Muntik na silang mahulog mula sa tulay. Natigilan ang dalawa nang magsimulang magkwento si Edward.

"Sa wakas, nandito ka na din Dana. Gusto kong mapanood mo ang malagim na katapusan na sasapitin mo.", pananakot ni Edward kay Dana.

At sa di kalayuan ay nakita nila ang imahe nilang tatlo. Hawak-hawak ni Edward sa leeg si Dana at nakabitin ang katawan nito sa ere. Ihuhulog niya ito mula sa taas ng tulay. Hawak naman ng kanang kamay ni Edward ang kwelyo ng damit ni Isagani na tila ba ipinapanood nito sa kasama kung paano ihuhulog mula sa mataas na bahaging iyon si Dana.

"Bakit mo ako gustong patayin?", tanong ni Dana kay Edward.

"Manood ka munang mabuti at mula sa mga imahe na iyan, masasagot lahat ng tanong mo."

Lumalaban ang imahe ni Dana mula sa pagkakasakal sa kanya ng imahe ni Edward. Mapupula ang mga mata ni Dana at may mga galamay na tumubo mula sa kanyang panga. Sumanib pala ang kaluluwa ng ama ni Edward sa katawan ni Dana. Nais ihulog ni Edward si Dana sa tulay para mapatay na ang masamang ama niya. Pero pinipigilan siya ni Isagani dahil ikakapahamak din ni Dana ang pagkahulog mula sa itaas.

"Mag-isip ka Dana. Mas gugustuhin mo bang mabuhay na nasa katauhan mo ang halimaw na iyan o mas pipiliin mong mamatay at wakasan na ang salot sa mundo?", tanong ni Edward kay Dana.

"Hindi! Hindi ito maaari.", paghikbi ni Dana na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang sitwasyon.

"Baka may iba pang paraan?", pilit na pagtatanggol ni Isagani.

"Ayan ang hinaharap. 'Yan ang mangyayari sa ating tatlo. Nakatadhana na ang pagdanak ng dugo. Hindi ko maaaring talikuran ang responsibilidad ko...", pagpapaliwanag ni Edward

"...At responsibilidad ko rin!", sabat ni Isagani na hindi na pinatapos pa si Edward sa kanyang nais sabihin.

"Tumigil na kayong dalawa! Mag-aaway na naman ba kayo?" galit na wika ni Dana. "Ito pala ang pinag-aawayan ninyo. Ito pala ang dahilan ng sakitan at bugbugan ninyo sa araw-araw. Imbes na ubusin nyo ang lakas sa pakikipagbuno sa isa't-isa, bakit di nyo na lang gamitin ang lakas nyo para humanap ng ibang paraan para mailigtas ako?"

"Wala ng posibilidad na mailigtas ka. Kamatayan lang ang sagot.", pananakot ni Edward.

"Uulitin at uulitin natin ang bahaging ito hanggang sa makahanap tayo ng solusyon sa problema.", tutol ni Isagani.

"'Yun na mismo ang problema! 'Yung solusyon na iniisip mo! Dahil kung hahayaan na lang natin na mangyari ito, tapos na lahat ng problema natin.", sumbat sa kanya ni Edward.

Unti-unting ibinaba ni Isagani ang kamay. Nagbanggit ng orasyon. Nawala ang wormhole at bumalik na sila sa kasalukuyang panahon.

"Ipaliwanag nyo nga sa akin, paano nyo nagagawa ang mga bagay na 'yan?", tanong ni Dana.

"Hawak ni Edward ang gear na nagpapaandar sa mekanismo ng orasan ng buhay. At hawak ko naman ang mga kamay ng orasan na nagdidikta kung saang parte ng panahon nais mapuntahan."

"Eh kung ganun naman pala, bakit hindi nyo na lang ibalik sa panahon bago pa ako maging halimaw dahil sa tatay ni Edward?"

"Nagkaroon ng lamat ang orasan simula nung nakipaglaban si Edward sa kanyang ama. Kaya hindi na namin kontrolado na balikan ang mga nakaraan. Tanging ang hinaharap na lang ang kaya namin mapuntahan."

"Wala bang mekaniko na pwedeng umayos nyan?", pilosopong tanong ni Dana.

"Meron! Subalit nasa nakaraang panahon din siya naglalakbay. Kaya hindi namin siya mahahanap.", sagot ni Edward.

Egypt 1939...

"Kailangang ipunin ko ang mga gintong buhangin upang makagawa ako ng bagong orasan.", bulong ng mekaniko sa sarili.

Bigla na lamang nagliwanag ang paligid at sumulpot ang isang wormhole sa harapan ng mekaniko. At lumalabas galing sa wormhole ang kagimbal-gimbal na anyo ni Ricardo.

"Dito lang pala kita matatagpuan. Hahaha! Wala ka ng kawala sa akin... Eva."

Kasalukuyang Panahon...

"Bakit ka nagsinungaling kay Dana? Alam mo na hindi ganun ang totoong kwento.", galit na tanong ni Isagani.

"Hindi niya kailangang malaman ang katotohanan. Kailangang itago natin sa kanya ang lahat. Isa pa, kakuntsaba na kita dito. Nagsinungaling ka din naman sa kanya.", depensa ni Edward.

"Pero hindi natin maitatago ito nang matagal."

"Alam ko. At kailangan na natin mahanap agad ang mekaniko bago pa mangyari ang kinatatakutan natin."

Ang tunay na nangyari...

Hawak-hawak ni Edward sa leeg si Dana at nakabitin ang katawan nito sa ere. Ihuhulog niya ito mula sa taas ng tulay. Hawak naman ng kanang kamay ni Edward ang kwelyo ng damit ni Isagani at pinipigilan siya na makalapit kay Dana dahil maaaring gamitin siyang pananggalang laban dito. Lumalaban si Dana mula sa pagkakasakal sa kanya ni Edward. Mapupula ang mga mata ni Dana at may mga galamay na tumubo mula sa kanyang panga. Sumanib pala ang kaluluwa ng ama ni Edward sa katawan ni Dana. Nais ihulog ni Edward si Dana sa tulay para mapatay na ang masamang ama niya. Pero pinipigilan siya ni Isagani dahil ikakapahamak din ni Dana ang pagkahulog mula sa itaas. Nang akmang bibitawan na ni Edward si Dana, isang anino ang mabilis na humahangos patungo sa tulay. Nang makalapit ito kay Edward, tinalon niya mula sa mga kamay nito ang katawan ni Dana at nasagip niya ito. Hawak niya ang pink na medalyon at idinikit ito sa noo ni Dana na kasalukuyang sinaniban ng halimaw na si Ricardo. Isang napakalakas na pwersa ang nagpatilapon sa may hawak ng medalyon at nahulog ito mula sa tulay.

"Dana... ligtas ka na", boses iyon ni Shiela na kasalukuyang nahuhulog limampung talampakan ang lalim mula sa dam.

BLAGAG! Bagsak ang katawan ni Shiela. Malakas na kalabog ang narinig mula sa mataas na pagkabagsak. Kasabay ng pagkabagsak ni Shiela ay ang cellphone ni Dana.

🎶”Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Masarap magmahal pag hindi iniwan … 🎵

Kumawala ang magandang himig dahil sa pagkakalas ng earphone sa kinabitang cellphone.

Himalang kaunting lamat lamang sa screen ang tinamo nito at gumagana pa rin sa kabila ng pagkakabagsak mula sa halos limangpung talampakan na taas. Hindi nga lang ganoon kapalad ang isang babae: naliligo sa pula at baliko ang kanang braso, kung may hininga ma'y marahil paupos na rin ito.

Dalawang lalaki ang matatanaw na nakatayo sa tuktok ng tulay, nasa bingit at nakatingin sa kaawa-awang dalagang nahulog. Ang isa'y tila bang walang ekspresyon. Kung hihimayin ang bawat kibot ng mata't bibig ay marahil makakakita ka ng kaunting bahid ng pagsisisi sa mukha ni Isagani. Sa isa naman ay luhang umaagos ng walang patid. Sa gitna ng hinagpis, isang panalangin at pangalan ang kanyang nasambit...

"Dana ...", naluluhang tugon ni Edward. "Iniligtas ka ng besprend mo.", at pinakawalan ang isang matinding hagulgol.

🎶”Pagbilang mong tatlo,
Nakatago na ako … 🎵

Isa.

Dalawa.
Tatlo...


Bilang ng salita: UNLI

Tema: Misteryo

Mga Karakter

Bida, Ang Haunted Hero : Hero na may malagim na nakaraaan (Edward, na gustong balikan ang nakaraan)

Kontrabida, Ang Corrupted Hero : Nagsimula na mabait pero naging masama (Edward dahil sa pagkamatay ni Shiela)

Elemento sa Kwento na ginamit:

  • Time Machine (o time travel)

Dala ng napakadaming tungkulin na kailangang unahin at nakabimbin na trabahong kailangang tapusin, hindi umabot sa deadline na 11pm ang pagsumite sa aking akda. Kung nais mong umpisahan ang trilogy ng kwentong ito, basahin mo muna ang akda ng anak ni KFC Colonel Sanders (view previous avatar for visual comparison) @jazzhero https://steemit.com/tagalogserye/@jazzhero/tagalogserye-iii-paliparin-ang-paruparo-unang-bahagi

Hindi ako makapagpatawa dahil sa daloy ng kwento kaya binawi ko na lamang dito sa anunsyo. Ang hirap pala magseryoso. Pakiramdam ko biktima ako ng kidnap for ransom, at kapag pumalag ako, hindi na kukunin ng mga dumukot sa akin ang hinihingi nilang kapalit dahil mababa lang ang value ko. Nyahaha! (Bakit ko ba nasabi un?) Abangan nyo na lang ang pagwawakas ni @cheche016 sa trilogy na ito.

● Ano ang naganap sa Egypt 1939 na hindi ikinasiya ni Cleopatra at ng mga mummy na nagdiriwang ng Mother's day?
● Totoo ba na "Ang tunay na nangyari..." ang katotohanan ng lahat? Kung oo ang sagot mo, ipaliwanag ito sa 1 pad yellow paper (100sheets) at isalin sa wikang Espanyol, Latin, Nihonggo, Irish, Korean at Namekian.
● Wala na bang ibang soundtrip kundi mga kanta lang ni Moira?
● May discount ba si @jazzhero tuwing kumakain siya sa KFC?
● Tatakbo bang Mayor ulit si Ricardo? Hanggang kailan ang termino niya?
● Magustuhan kaya ni @tagalogtrail ang loveteam na Dagani (Dana at Isagani)?
● Sino ang susunod na tatanghaling OLODI NG TAMBAYAN?

Abangan ang MALAKING susunod na tagpo at mga pasabog ng kwentong
PHR Presents : Pintada
ay mali, eto pala...

TagalogSerye III: Paliparin ang Paruparo
end credits


Huminga nang malalim ang isa sa mga binata at inipon ang natitirang lakas para sa isang orasyon.

Tatanggalin ko ang lihim na kandado. Sumpa! Isang pagaspas.
Palayain ang alagad sa gapos ng oras! Sampung bagsak ng agos...

......... nɒɒɿɒʞɒn ɒƨ oʞɒ ʞilɒdI

Hawak ni Edward ang Pink na Medalyon.

"Shiela, ililigtas kita...", at pumasok na siya sa wormhole.

tuloyItu...

Sort:  

Wow Jampol, di mo aq binigo, na satisfy ang aking utak at puso sa aking nabasa! Gustong gusto q ang flow ng storya. Pero nasaan ang paandar mo na "pabaliktad"? Charot lang! 😂

Ung imagination q napunta na sa Egypt! Sobrang kaabang-abang to! Sana magawa agad ni CheChe ang karugtong!

P.S. mahirap ma kidnap. Been there, done that. 😅

nagamit ko na sa'yo nung isang gabi ung pabaliktad... at nabigo ako sa aking maitim na hangarin. patawarin mo ako Min-min. hindi ko na uulitin. 😭

@chinitacharmer paano ka nga pala nakidnap? at sino kumidnap sa'yo? 😱😱😱

Hahaha! Maitim na balak talaga? 😅😂 Buti nalang pala di aq nahulog sa bitag mo! 😂🤣

Abangan mo sa ikatlong yugto ng aking pag-ibig serye ang kaganapang iyon, na di q na naman ulit napanindigan! 😅

Intense, kailangang tutukang maigi yung daloy ng kwento kundi mawawala ka sa daloy ng panahon, at pag nangyari yun, balik ka ulit sa umpisa para maunawaan. Galing ng pagkakadugtong sa unang yugto! Ang husay nyo po @johnpd.

salamat @jamesanity medyo nalito na nga din ako kung nasaan na ba sila. nyahaha! pero tatapusin ni @cheche016 nang maayos ang kwento. alam ko hindi kami bibiguin ni che. andami na naming atraso kay che, di ba @jazzhero? 😄

Sobrang intense si Edward pala ang magiging kontrabida sa kwentong ito.
Akala ko si Dana na buti naman kung ganun.

Hindi ako papayag dun sa Love team ng DaGani!

Sa akin lang si Dana! Bagay kami Pabebe sya Tarsier ako ( Sana naman may avatar na kami para di na ako tarsier) basta GG.

Yung wormhole iniisip ko parang Shaider lang time space warp ngayon din!

hindi ko masasabi na si Edward nga ang magiging kontrabida. abangan na lang natin sa gawa ni @cheche016
kung papipiliin ka sa pagitan ng Potato Chips at si Dana, sino ang pipiliin mo @tagalogtrail ?

Tinatanong pa ba yan sympre....

Potato Chips. Si Dana ay guni-guni lang parte ng imahinasyon samantalang ang Potato Chips nasa may estante lang naghihintay na kunin ko.

Patatawarin sa pangingidnap 😂 Ilibre na lang kita sa KFC lodi haha.

Ang galing ng kuwento. Nabigyan ng satisfying backstory ang kumplikadong setup. Nagkuntsaba pala silang dalawa dahil tig-isa sila ng hawak na bahagi ng time machine device. Sana gumamit na lang sila ng takure. 😂

Ang galing din ng sacrifice ni Shiela, kala ko talaga si Dana na yun nahulog. Nakakabiib ang dugtong, mahirap pero exciting yun ending panigurado. Good luch @cheche016

ang galing ng naumpisahan mo @jazzhero madaming beses ko gusto ulit-ulitin ung wormhole pero baka mabagot ung mga mambabasa. naisip ko din lituhin ang lahat dahil walang nabanggit kung who's who sa mga umuusal ng orasyon at kung sino umiyak at tumawag kay Dana. napakagaling ng naumpisahan mo. ang dami pwedeng dugtungan at gawan ng puntos.
Finger Lickin' Good talaga! 🍗🍗🍗

Mas magaling ang karugtong :D nagamit mo ng maigi ang open plot points at nakapagbukas ka pa ng mas kaabang-abang na mga misteryo at kaganapan. Sabi ko na nga ba mas magiging exciting. Salamat lodi!

..........

"Shiela ililigtas kita..." Bulong ni Edward.

Hahamakin ang lahat dahil sa pag.ibig..
Ngunit minsan ang pag ibig ay nagiging resulta ng sakit at pait.

Mabubuhay pa kaya si Shiela?
Ang Dagani kumusta naman?
Ricardo at Eva nagkita na...
Panu matatalo ang demonyong sumanib kay Dana?
Well punta muna ko egypt maghahanap ng kasagutan.

Susme. Panu ko dugtungan toh .. Haha

kaya mo yan che, ikaw pa! ikaw ang nagsimula ng kwento ni Shiela at Dana kaya ikaw din mas nakakaalam kung ano kahihinatnan nila. Ayoko pa sana magwakas ang kwento dahil gusto ko pa mabasa ang mga adventures ng dalawang mag-beshy, pero kailangan na nilang mamaalam at mag-move on na tayo sa ibang kwento. 😢

Holy craft!!! Ilang beses akong napamura sa mga nabasa ko. Ang galing po! Di ko napansin may kumakausap pala sa kin. Nakatutok ako sa binabasa ko. Ang lupit ng storya!!

salamat po @romeskie dahil po yan sa magandang simula ni @jazzhero kaya umusbong ang mga ganyang eksena. 😊

Congratulations @johnpd! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

hay naku jampol...katuwa yung anunsyo mo

panalo yung anak ni KFC.. ang dami kong tawa.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64418.55
ETH 3157.64
USDT 1.00
SBD 4.06