TAGALOG SERYE VI: IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago

tagalogtrail.jpg

Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi

Pagbabalik tanaw...

“Kayo?” sabay na sambit ni Captain BD at Dr. John D. Paul nang makita kung sino ang dumating sa eksena.
“Humanda na sa kaguluhan!” ani Valerie.
“At doblehin n’yo pa!” Singit naman ni Tippy.
At naglitanya silang dalawa at umagaw na naman sa eksena para lalong guluhin ang nagkabuhol-buhol na istorya.



Binaril ni Tippy ng tranquilizer si leeg si Capt. BD , bago pa man niya maisip na lumipad ay nawalan na siya ng malay.

"Magaling-magaling Tippy, napahanga mo ako sa iyong imbensyon. Natalo mo siya sa isang iglap!", wika ni Dr. John D. Paul

"Mochiron! ( Of course in Japan, hindi po yan ying mochi at chicharon na iniisip mo kaya ka lalong tumaba puro pagkain iniisip mo!) Tranquilizer lang yan, anong imbensyon ang sinasabi mo Dr. ? hahaha", pang-aasar ni Tippy

"Puro kayo kuda! San ba ang guest room dito? Layo ng byahe baka naman pwede akong mag beauty rest?", pagrereklamo ni Valerie

"Sumunod kayo sakin, Min-Min at Rodylina dalhin niyo si Capt. Barbie este si BD pala sa lab."

"Masusunod Master Lee--"

"Huwag niyo ng ituloy basta gawin niyo pinagagawa ko! Pati pala yun naiprogram sa utak nila", inis na wika ni Master Lee Bug

Tahimik na ang gabi sa laboratoryo samantalang si Master Beat ay nag aalala dahil alam niyang nakarating na sa Lab si Capt BD ngunit ngayon ay hindi niya makita ang heat signatures nito. Kaya naman ay nagmadali siyang pumunta ng Pinas.

Kinabukasan...

"San ka ba pupunta?"

"Mauna ka na sa pag-aalmusal para naman magka-closure kayo ni Dr. John D. Paul, magpapahangin muna ako", panunukso niya kay Valerie

Tinungo niya ang loob ng lab dahil mayroon din siyang access dito. Nilapitan niya ang halos hubad na katawan no Capt. BD, napukaw ng balat sa dibdib nito ang kaniyang atensyon. Hugis pusong balat. Tila nanariwa ang nakaraan.

Rewind sa mahigit 20 taon

Isang napakagandang babang miyembro ng FAAZAXIA ang bumihag ng kanyang puso, may balat din siya sa dibdib kaya ni Capt. BD.

Sa panahon ng pananakop nila ay itinakwil siya at itinuring na kaaway dahil umibig siya sa kalaban. Ang pangalan niya ay Rafa Faaza. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ngunit ng kabuwanan nito ay bigla itong naglaho at ng matagpuan niya ay wala ng buhay. Inisip niyang namatay din ang kaniyang anak. Ngunit parang nabuhay ang pag-asa niya na ito ang kaniyang anak. Siya nga ba? Bakit nagkaganito? Magkalaban kami kung sakali. Kaya ba niyang makitang pag eksperimentuhan ito ni Dr. John D. Paul ??

Samantalang ay lumapag na sa rooftop si Master Beat para hanapin si Capt. BD ngunit ito ang tumambad sa kaniya.

images (9).jpeg
Pinagkunan

Napakatamis na ngitian! Binalewala niya ang kaniyang nararamdaman dahil kailangan niyang mahanap si Capt. BD. Gumamit siya ng high-tech na navigation device para ma-track ang lokasyon nito. Meron din siyang dalang master key na nakakapagpabukas ng kahit anong lock.

Hindi na siya nagsayang ng oras, nagpakawala siya ng isang uri ng sound waves na gigising kay Capt. BD. Bago pa man siya magising ni Master Beat ay biglang may pumukpok sa ulo nito kaya hindi natapos ang ritwal. Nagawa pa niyang lumingon bago mahimatay.

Si Min-Min at Rodylina!

"Tawagan mo si Master sabihin mong nahuli na natin si Master Beat, dalawa na lang ang kulang" , pagmamalaki ni Min-Min.

Nagtago naman si Tippy upang huwag siyang mahuli ng dalawa dahil pumasok siya ng lav ng hindi alam ng Dr. Marahan niyang inasinta at binaril ng anti-dote ang dalawa upang bumalik sa tunay nitong pagkatao. Ang Project EXKO Anti-dote ay likha ni Prime Minister Tippy, scientist din siya. Makalipas ang isang minuto ay bumalik ang dalawa sa tunay pagiging Min-Min at Rodylina nila. Pinagtulungan nilang buhatin papasok ng secret elevator si Capt. BD at Master Beat, ngunit bago sila sumara ang pinto ay dumating si Dr. John D. Paul at Valerie na nagawang tawagan ni Rodylina noong EXKO pa siya.

Galit na galit ang Dr. kaya nag-alarm siya sa buong lab na hulihin ang mga tumakas lalong lalo na si Master Beat, samantalang si Tippy ay nagpaiwan at sinugatan pa ang braso niya para magmukhang nilabanan niya ang mga tumakas.

"Valerie gamutin mo nga muna si Tippy at hahabulin ko sila!", utos ni Dr.

"Ano ba talagang nangyari? "

"Hindi ko alam naguguluhan talaga ako"


Nakatakas nga sila, gamit ang hologram chat ay natawagan nila si Master MT at agad-agad itong nag-teleport. Noong unang teleport niya ay napunta siya sa ginta ng disyerto mabuti na lamang ay nakapag-teleport siya ng tama sa pangalawang subok, ganun yata talaga pag matagal mo ng hindi ginagamit kinakalawang din.

"Bakit ang tagal tagal mo? basang basa na kami, ang lakas lakas pa ng ulan dito sa Antipolo", paninermon si Master Beat kay Master MT

"Pasensya naman tumatanda na, naligaw ako sa disyerto. Humawak kayo sa likod ko at lilipad tayo."

"Marunong ka din lumipad?", sabat ni Capt. BD

"Ibig kung sabihin humawak kayo sa likod ko para magteleport tayo papunta kay JackCold, mas mabilis 'to sa paglipad"

"Baka naman maligaw na naman tayo?", paniniguro ni Beat

"Hindi na dahil naka GPS na ako sa lokasyon ni JackCold"


Samantalang sa lab ay tina-track nila si Min-Min at Rodylina dahil may nakakabit pala sa kanilang tracking device. Batangas ang lugar na kinaroroonan nila.

"Tippy san ka pupunta? Na track mo na ba sila?", tanong ni Dr. John D. Paul

"Hindi nga, bukas ko na lang susubukan ulit dahil sumasakit na ang sugat ko sa braso", habang binubura na niya ang datos na nakalap niya

Pagkaalis ni Tippy ay pinasundan siya ni Lee Bug dahil naghihinala na ito ngunit totoo ang sinabi nito na matutulog na siya.


"Tippy mahal ko, ang anak natin... kailangan ka niya", wika ng babaeng pamilyar sa kaniya ngunit umiiyak ito

"Rafa! Rafa!"

"Sinong Rafa!?", ginising siya ng isang malutong na sampal ni Valerie

"Wala yun napanaginipan ko lang yung mga FAAZAXIA, dyan ka na muna magsa-shower muna ako"

"Teka anong laman ng briefcase na 'to? Brief siguro kasi briefcase di ba pero bakit may lock? Baka worth 1M kaya iwas nakaw? hahaha", pang-aasar ni Valerie

istock_000007619348sxmall-300x225.jpg
Pinagkunan

"Lumabas ka na nga! Masama yung pumapasok sa kwarto ng may kwarto lalo pag hindi marunong kumatok", tinutulak niya palabas si Valerie upang makaiwas sa pang-uusisa nito.


"Nasaan si Tippy?", tanong ni Dr. John D. Paul

"Nasa kwarto niya pinalayas nga ako, nainsulto ko ata tungkol sa briefcase niyang may lock hahah"

"Alam mo ba kung ano to?"

"Ano ba yan?"

"May alam ka ba dito!?"

"Ano nga yan!? Huwag mo akong titigan ng ganyan Lee Bug! Alam ko maganda ako pero wala akong alam sa mga ganyan. Ikaw ang scientist tapod ako tinatanong mo, tama ba yun?"

"Ewan ko sa'yo puro make up tutorials kasi ang alam mo! Limang EXKO sunduin niyo si Tippy ngayon din!", galit na utos ni Dr.

Dr. John D. Paul P.O.V
Hindi ako maaaring magkamali! Ito nga ang EXKO anti-dote na ginagawa ni Tippy sa Japan. Bakit may dalawang basyo nito dito? Hindi kaya nagawa na ni Tippy?


Sa Batangas

"Walang kupas talaga ang Lomi ng Batangas Master JackCold", wika ni Capt. BD

"Ala-e tama riyan"

"Mga master magpapahangin muna ako, sasama ka ba Rodylina",paalam ni Min-Min

"Oorder pa ako ng isa pa, si Rafael aka Capt. BD na lang isa mo para may bodyguard ka hahah"

"Halika na Min"

"Huwag kayong lalayo baka makita kayo ng mga EXKO",paalala ni Master Beat

Napakasariwa ng hangin sa lugar na ito, marami pang punong makikita dito at magagandang tanawin. Naglakad-lakad muna sila.

"Rafael ang laki ng pinagbago ng itsura mo pero andyan pa rin yung Rafael na maalalahanin at laging nandyan para samin ni Rodylina"

"Oo naman, kasi nga-- di ba... Hindi ko alam kung alam mo na... na-na-ma---

"Magmadali na tayong bumalik kailangan na natin pumunta ng headquarters, yan ang mensahe ni Master Beat"


Samantala sa Lab

Hinihingal ang mga EXKO pabalik ng lab upang sabihin na wala sa kwarto si Tippy at ibinigay nila ang isang bonet na may initials na M-MT.

"MT!", sigaw ni Dr. John D. Paul

Itutuloy...



Oh mga bata galit na galit na naman si Dr. John D. Paul makuha na kaya nila ang mga dragon balls? Abangan! Paalam.

Teka nga may mali ata, ito pala ang dapat:
• Nasaan na nga ba si Tippy? Dinukot ba siya o kusang sumama?
• Malaman na kaya ni Lee Bug ang katotohanan?
• Si Capt. BD nga ba ang anak ni Tippy kay Rafa??
• Ano ang sunod na gagawin ni Dr. John D. Paul?
• Ano ba ang dapat sabihin ni Rafael kay Min-Min?

ikaw na ang bahala @chinitacharmer



Maraming salamat sa pagbabasa!

Sort:  

Ayaw ko buksan iyong brieftcase, baka side a side b na iyan haha.

haha nakasalalay kay @chinitacharmer kung ano ang laman nyan

nakakamiss yung mga gawa mo @rodylina

naging busy kasi talaga ako ganun ata pag mommy heheh babalik din ako. Salamat sa pagbabasa at suporta niyo sa mga gawa ko lalo na kayo ni @johnpd

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Wahahaha. Nalula na ako sa dami ng binasa ko, at pare parehas names ng characters natin sa kabilang team! ang hirap sundan! waaaah

kaya hindi ako nagbasa ng sa kabila hanggat di ako tapos kasi malilito ako

Hahahha anyare lugaw na hahaha more action at kung ano ano pa.

Kakatuwa ang serye ngayong week.

hi @toto-ph namiss ko mga comment mo sa post ko. heheh

Coin Marketplace

STEEM 0.34
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66361.53
ETH 3253.14
USDT 1.00
SBD 4.43