IKAAPAT NA EDISYON NG TAGALOG SERYE: IKALAWANG BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Heto na po ang ikalawang bahagi ng Ikalawang pangkat.

Mababasa dito ang unang bahagi.

DQmUQoWRR6ZeSRKzWF8UJLEiegDnzb9Yk6fSL2pZc9g3X8x.png

Malalim ang gabi. Hindi aakalaing sa araw ay nuknukan nang ingay ang lugar na iyon na kung tawagin ng mga residente ay Estero. Ang tanging bumabasag lamang sa katahimikan ay ang kahol ng mga asong gala at kalabog ng mga kahong sa umaga ay nagsisilbing patungan ng paninda ng mga walang pambayad ng pwesto sa palengke. Mula sa di kalayuan ay nabulabog ang mga pusang nagsasalu salo sa pagkaing nakakal nila sa basura. May lalakeng bumalandra sa tumpok ng mga malalaking kahon sa bangketa. Dali dali itong bumangon at walang inaaksayang oras na kumaripas uli ng takbo. Punong puno ng takot itong lumingon, nananalangin na sana’y wala na ang tinatakasan. Sa kasamaang palad, kasunod pa rin niya ang kinatatakutan. Sa sobrang taranta nito ay napatid siyang muli sa mga nakaharang na bariles na kanina’y itinimbuwang ng mga naghaharutang pusa.

Samantala, dahan-dahan lamang na naglalakad ang humahabol, sigurado sabawat hakbang. Planado niya ang bawat mangyayari. Alam niyang tuwing Miyerkules ng gabi ay matatagpuan sa bahay aliwan ang kanyang target. Maaga siyang dumating at naupo sa sulok ng beer house kung saan kitang-kita niya ang lalaking mahigit isang buwan niyang minanmanan. Kitang kita niya nang agawin nito ang hawak na bote ng isang parokyano. Palibahasa’y may kalakihan ang bulto nito, umatras na lamang ang inagawan. Naningkit ang mata ng misteryosong lalaki nang makitang hinawakan ng lalaki ang pang upo ng isa sa mga waitress at di pa nakuntento’y pinisil ito na siyang ikinakislot ng tagasilbi. Nang hindi niya na matiis ang pinapanood ay nilapitan niya ang lalake. Ngayon ko na isasagawa. Hindi ko na ito matitiis, anas niya sa sarili.

Umupo siya sa upuan na katapat ng lalake at pinigilan ang aktong pag inom nito ng alak. Hawak hawak ang bote ng beer, buong kaseryosohang tiningnan ang lalake sa mata. “Namnamin mo ang bote ng alak na ito dahil ito na ang huling lalagukin mo.” At iniwan niya ang lalake sa lamesa.
Nagulat ang lalaki.. Nakakarami na rin siya ng inom, at talaga namang lumalabas na ang kanyang tapang. Nang mahinuha niyang natapakan ang kanyang pagkalalaki ay sinundan niya ang nagbanta. Inabutan niya ito sa likod ng beer house. “Hoy! Anong sinabi mo? Baka di mo alam kung sino ako.” Tuloy-tuloy lang ng lakad ang kinakausap. Sa pikon ng lalaki ay kinuha iya ang bakal na tubo na nakakabit pa sa sirang gripo ng beer house. Inasinta niyang hambalusin ang ulo nito dahil hindi ito katangkaran ngunit nakailag ito at nahawakan ang tubo. Ihinagis nito ng tubo at humarap sa kanya. Bumitaw ito ng isang suntok sa sikmura. Napaluhod siya sa sakit, dala na rin ng kalasingan ay hindi siya nakabawi. Binigyan pa siya ng uppercut na siya niyang ikinatumba.

images (6).jpeg P

Nang makahuma ay bumangon siya at muling kinuha ang tubo. Dali-dali niya itong hinampas at tinamaan ito sa braso. Ni hindi man lang ininda ng lalaki ang hampas kaya inulit nya itong hampasin, mas malakas kesa sa una niyang palo. Ngunit parang walang nangyari. Sa sindak niya ay nabitawan niya ang tubo, hindi makapaniwala sa nakikita. Maliit lang itong lalaki ngunit hustong husto ang mga masel sa buong katawan. Siguro kung nabiyayaan ito ng tangkad ay maaari itong maging bouncer sa mismong beerhouse na tambayan niya. Tila pinagpag lang nito ang pinalong braso at buong galit na lumapit sa kanya. Hinawakan siya sa leeg at iniangat siya sa kinatatayuan habang sakal siya. Nagpupumiglas siyang maigi at sinubukang gumanti sa lalaki. Sinusubukan niyang sumuntok ngunit dahil nawawalan na siya ng hininga ay ibinabalik niya rin ang kamay nya sa leeg at tinangkang tanggalin ang kamay ng lalaki sa pagkakasakal sa kanya. Tila malalagutan na siya ng hininga at parang handa na siyang magpaalam sa mundong ibabaw nang binitawan siya nito at binalibag. Uubo ubo siya at naghabol ng hangin. Nagtataka man dahil hindi pa siya tinuluyan nito, nag isip siya nang mabilis. Anong klaseng tao ang ganun kalakas?? Kailangan kong makatakas! Nakita niya ang eskenita at dali daling tumakbo sa pinakamabilis na kaya niya.

Inabutan siya ng humahabol nang natumba siya sa gitna ng kalsada. Gusto man niyang sumigaw ay hapong hapo na siya, wala nang boses na lumalabas sa kanya. Sinubukan niya pang umatras habang nakaupo sa kalsada ngunit nariyan na ang kanyang kalaban. Sinuntok siya nito sa mukha. Tuluyan nang dumilim ang paligid.

Pagmulat ng kanyang mata ay nakagapos siya sa isang lamesa. Walang ibang makikita kundi dingding at ilaw na nakatutok sa kanya. Namalayan niyang wala na siyang saplot. Nakita niya muli ang lalaking dumukot sa kanya, may suot itong gloves at naka-mask na animo’y may ooperahan. Nataranta ang buo niyang pagkatao. “Nasaan ako? Sino ka? Anong gagawin mo sa kin?” Patuloy lang ang lalaki sa ginagawang preparasyon. Humarap ito sa kanyang may hawak na itong scalpel. “Wag! Para mo nang awa! Anong kasalanan ko sayo?”
"Gusto ko ang pagmamakaawa mo. Pero wala ka nang magagawa. Kailangang manaig ang hustisya.” At isinagawa niya na ang kanyang ‘operasyon’.



Wake me up! Before you go go! Coz I’m not planning on going solo!”
Napabalikwas si James sa lakas ng tunog ng kanyang cell phone. Kinuha niya ito at bumalik sa pagkakahiga. Nakapikit pa siya nang sumagot.


Masakit ang buong katawan niya at pagod na pagod siya. Napabangon ulit siya nang may bumagsak na malamig na bagay na nakabalot sa plastic sa mukha niya. ”Kailangan ko ng DNA test para sa mga yan. Nababagalan ako sa lab, at dumadalas ang pagpatay na pare-parehong yan ang nakahiwalay sa katawan ng biktima. Magagawan mo ba to ng paraan?” Alam niyang hindi ito tanong at hindi rin ito pakiusap mula sa nagsalita. ”Kuya Leo, ang telepono, ginagamit pag magkalayo ang mag-uusap. Ano ba itong mga ito?” Nanlaki ang mata niya at napasigaw. ”Bakit sa mukha ko kuya?!!” Habang pilit na pinapagpag at pinupunasan ang mukha, punong puno ng pandidiri.
Ngingisi ngisi si Leo pero agad ding sumeryoso nang maulinigan ang balita sa telebisyon. Kailangan niya na talagang malaman kung sino ang pumapatay.
Itutuloy...


BILANG NG SALITANG GINAMIT: hindi ko sigurado kung 999 ata.

Mga Karakter
Bida: The Reclusive Genius: Intelligent pero anti-social.( ang makisig na si Leo)

Kontrabida : The Monstrous Adolescent: May taglay na malakas na kakayanan pero lubos na mapanganib.(abangan)


UNANG PANGKAT

kalahokaraw
@twotripleowlunes
@chinitacharmermartes
@cheche016miyerkules
@jemzemhuwebes
@johnpdbiyernes

IKALAWANG PANGKAT

kalahokaraw
@itsmejayveelunes
@romeskiemartes
@jamesanity06miyerkules
@julie26huwebes
@tpkidkaibiyernes

@jamesanity06, ikaw naman ang taya. :-)

Sort:  

Thanks for using steemph-antipolo tag you got an upvote.

Gustong gusto ko ang eksena sa beer house sayang at hindi na nabangit kung sino sno mga ka table nila hehe. Lupit ng mga labanan. Si Baki the grappler pa ang pics kaya sobra sobra ang inaasahan ng mga readers pagdating sa mga labanan.

Haha. Pasensorry na. Hindi kasi ako nakipagsuntukan noong kabataan ko. Tapos pag may nagsusuntukan, nauuna akong tumakbo para humanap ng aawat. Hahaha

Huh? Ang ganda kaya ng mga labanan. Pasok na pasok sa mga readers. Ano ka ba pahumble ka nanaman. Iwasan lang ang typo hehe. Ang salamin lels.

Ay talaga ba? Haha. Salamat kung ganun. Salamat din kay @jamesanity06 kasi medyo tinuruan niya ako ng physics ng combat. Haha.

Olodi pala mentor mo sa mga labanan hehe. Sa tingin ko talo na kami hehe. Lupit mo na rin sistah paturo ka kaya sa asawa mo para mas madaming ideya.

Congratulations @romeskie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Katakot!!! Mag isa lang ako sa house ngayon. Ang tanda ko na takot pa rin ako sa horror stories! Mabuhay ang tagalog serye. Pero sa serye na to, hinde na mabubuhay ang mga patay. Kagaya na din yan ng pag-ibig na nahimlay. Ajajaja haaay!

Ang tunay na pag ibig kailanman hindi mahihimlay. CHAR!!! Hahaha

Ang galing, intense yung fight scenes, nakakabuhay ng dugo, hahaha. Sino kaya yung 2 lalakeng yun, kailangan subaybayan ang susunod na kabanata. Baka sakaling ma-uncover na ang hubad na katotohanan. Oops, spoiler alert.

Handa ka na ba sa mga susunod na mangyayari @jamesanity06? Nyahahaha

Ang tanong handa na ba kayo sa mga susunod na mangyayari. Buwahahahaha...

Hindi ko alam kung magiginga handa ba ako sa mababasa ko. Pero aabangan ko pa rin yan @jamesanity06

pasok na sa aksyon.
ang sarap magbasa ng mg detective stories
may isa na namang magaling sumulat.
great job po @romeskie

Thanks po @beyonddisability. Matinding konsentrasyon amg kinailangan ko para lang mapiga ko ang action sa utak ko. Natutuwa ako at nagustuhan niyo. Hehe

Hindi ka lang pala sa fantasy magaling magsulat mam, pati sa action din! Ang galing nung fight scenes, umaatikabo ang bakbakan ni Baki. 😁
Nakakaintriga na rin kung sino talaga yung pumapatay at kung anong hustisya ang tinutukoy rin.

Haha. Sa totoo lang gusto kong magsisi nung nakita ko ang tema. Hindi pa ako nakapag imagine ng fight scene. Kaya natutuwa ako na nadiskubre kong may marahas din pala akong parte ng imahinasyon. Hahaha
Abangan mo ang mga susunod na kabanata mam @jemzem. Kahit ako naiintriga na rin.. char! Hahaha

D'yan lang din kasi madalas nalalaman kapag nasalang na. Aakalain nating hindi natin kaya, pero kapag naumpisahan, keribells naman pala. Kaya good job mam @romeskie! Aabangan ko talaga ang mga susunod na magaganap. 😄

Yung mga eksena talaga aksyon na aksyon ang laban.
Baki! Tapusin mo na yan.

Sino nga kaya ang killer. Mahusay ikalawang pangkat!

Salamat @tagalogtrail. Ako rin naeexcite na sa kalalabasan ng tagalogserye namin. Nyahahah

Laban lang tayo! Yung aksyon na solb na natin. Yung dugo ko para sa plot-twist atbp nabubuhay lalo. Para sa ikalawang pangkat! Awoo! Awoo!

Awoo! Awoo!
Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64549.55
ETH 3170.62
USDT 1.00
SBD 4.13