Tagalog Serye: Ikatlong Yugto ng Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Magandang araw po sa lahat ng mga mambabasa at naka subaybay sa #tagalogserye. Ito pong muli si @tpkidkai ang magtutuloy ng kwento sa unang pangkat. Balak ko sana gawing mema post ito kaso nga lang dahil sa ginalingan ng mga kasama ko ay sympre kailangan kahit papaano sumabay din ako ng bahagya.

Para sa unang yugto maari mong bisitahin ang link ni @jamesanity06

Ang aking sinundan na kwento ay mula kay @chinitacharmer

Ang nakaraan....

Galit na galit si Sanchez na umuwi sa kaniyang bahay. Ngunit dahil sa nangyari, tatlo sa kaniyang teorya ang nakumpirma.

  • Una: Sa tuwing kabilugan nga ng buwan pumapatay si Black Hood.
  • Pangalawa: Ang kaniyang pinapaslang ay ang kabiyak ng mga lalaking nagtaksil sa kanila.
  • Pangatlo: Si Black Hood ay kilala niya, at marahil ay malapit sa kaniya, at malakas ang kutob niya kung sino ito.



Binuksan ni Black Hood ang itim na libro na naglalaman ng mga salamangka upang buhayin ang yumao. Tinignan nyang mabuti ang mga kailangan at nasabi niyang ito ay halos kumpleto na.


Pinagkunan ng larawan

• Pitong Kaluluwa ng dalaga na pinaslang gamit ang isinumpang punyal.
• Pakpak mula sa itinapong anghel sa lupa( Ito ay kasama na sa aklat na kaniyang nakuha)
• Kaluluwa ng “Orihinal na May-sala”
• Eklipse para sa pagsasagawa ng ritwal.

Matapos tignan ay lumapit siya sa kalansay ng kaniyang sinisinta. Hinalikan at sinabing:

"Kaunting tiis nalang Claire magkakasama na ulit tayo at magbabayad siya sa ginawa niya sa iyo."





Sa Opisina nila Sanchez


Inis parin ang binata dahil sa sila ay nasalisihan ni Black Hood, naka kuyom ang kaniyang mga palad habang sinesermunan ang lahat ng nandoon. Nauwi lang sa wala ang kanilang pagsasanay nilibot niya ang kaniyang mata para bilangin ang kaniyang mga tauhan dito niya napansin na wala si Frank.

"Asan si Frank?!"

Pasigaw niyang tanong sa kaniyang mga tauhan

"Tsip! Nandoon po siya sa cafeteria kumukuha ng kape para daw sa iyo."

Sagot ng isa sa kaniyang mga tao.

"Lintek na iyan! Sapat na ang galit ko ngayong araw para magising ako ng buong Linggo. Kaya’t tawagin nyo na iyang walang silbi kong alalay para naman magkaroon siya ng pakinabang."

Dali-daling tumakbo ang isa sa kaniyang mga tauhan at sinundo si Frank na sakto namang papunta na sa kanilang lugar na pinag mimitingan.

Inabot ni Frank ang kape kay Sanchez at sinabing ilagay nalang ito muna sa kaniyang lamesa, tanging katahimikan lamang ang nanatili sa silid wala na ang mala dragong pambubulyaw ni Sanchez sa kaniyang mga tauhan. Ngunit isang masamang tingin ang kaniyang ibinigay kay Frank isang tingin na kung ito man ay isang patalim agad-agad na niyang napatay ang binata.

Pinalabas nya ang mga tauhan sa silid at pinaiwan si Frank upang mapag-usapan ang nangyai ng gabing iyon.

“Frank umamin ka sa akin. Nasaan ka ng gabing bilog ang buwan at nasa operasyon kaming lahat?”

“ ah… ehh… nasiraan ako ng tiyan dahil sa kinain nating kwek-kwek sa may kanto nung araw na iyon. Hindi na ako nakatuloy sa mismong usapan dahil dito. Nag mensahe po ako sa inyo sa Facebook, ngunit di wala naman akong nakuhang reply kaya’t naisip ko na ayos na iyon.

"Takteng paliwanag yan! Alam mo naman na hindi na ako nag pe Facebook Frank. Sa tagal nating magkasama sa trabaho ako pa ba ang gagaguhin mo."

Agad sinunggaban ni Sanchez si Frank at hinawakan sa kwelyo dito ay para na siyang isang tigre na handang sakmalin ang binata sa maling isasagot nito.

Uulitin ko ang tanong Frank nasaan ka kagabi at bakit ka wala sa operasyon natin?

Oo na! Oo na aamin na ako! Pumunta ako sa isang klab kagabi nagsaya ng bahagya at naghanap din ng pag-ibig diba ayan naman ang gusto mo ang maghanap na ako ng magiging nobya ko.

Inis na sambit ng binata

Bilang patunay narito ang tissue sa club na iyon kasama ang numero ng babae na nakatable ko. Text mate na kami simula kagabi.

Ipinasok ni Frank ang kaniyang kamay sa kaniyang bulsa upang kunin ang tissue na kaniyang binabanggit sa pagdukot nito at pagkuha, isang itim na liham ang nalaglag at iyon ang unang napansin ni Sanchez.


Pinagkunan ng larawan

Dali-dali nyang kinuha ang liham na nalaglag at nagtanong.

Ano ito Frank?

Liham yan para sa iyo Sanchez may nagpapabigay

Sino ang nagpapabigay!

Hindi ko alam Sanchez iniabot lang sa akin yan ng janitor dito iabot ko daw sa iyo.

Wala tayong janitor dito sa opisina Frank!

Binuksan niya ang liham at binasa


O paano ready na ako
Ikaw ready ka na ba?
Nakahanda na ang lahat ikaw nalang ang hinihintay
Gusto mo akong mahuli diba. Come and get me baby…

P.S. Wala na akong ibang papatayin ngayon dahil ikaw na ang isusunod ko at pagkatapos non bam! Happy ending na ang lahat.

Kita kits sa building A sa may harap ng iyong bahay pagsapit ng eklipse
Nagmamahal,
Black Hood

Unti-unting namula ang pagmukuha ni Sanchez sa galit at sinuntok si Frank. Tama nga ang kanyang hinala si Frank nga si Black Hood. Walang nagawa si Frank kungdi ang lumaban din sa kaniyang boss ngunit sadyang malakas ito na parang isang mabangis na hayop na pinakawalan sa ilang. Nagulo ang maayos na opisina ang mga folder mga papel at estante ay nagkalat. Dali-daling pumasok ang mga tauhan ni Sanchez para sila ay awatin.

Duguan sila parehas, ngunit dahil sa mas malakas ng di hamak si Sanchez at mas matitindi ang naging tama ni Frank. Namamaga ang kaniyang mukha at isang ngipin ang natanggal sa kanilang pagbubuno ng sila ay napaghiwalay na naawat ng kanilang mga kasamahan.

Iposas nyo yang si Frank at ikulong ihahanda na din natin ang kasong isasampa sa kaniya multiple counts of murder para sa mga pinatay nya. Gusto ko sanang patayin din sya ngayon na pero kung gagawin ko iyan matutulad lang ako sa kaniya.

Matapos nito ay ipinosas na si Frank itinaas din ni Sanchez ang alarma sa buong gusali para hindi makatakas ang nasabing binata.

Bagamat nahuli na natin si Black Hood hindi parin tayo dapat magpaka kampante baka may mga kasabwat pa siya sa loob na nag-aabang lang para sa kanilang plano.

Inutusan niya rin ang kaniyang mga tauhan upang alamin kung kailan ang susunod na eklipse. Kailangan niyang maging handa sa mangyayari dahil kinabahan siya sa banta sa sulat.

Pinagtagni-tagni niya ang mga kaganapan sa kaniyang isipan at isinulat muli ang ibang mga tanong

  • Bakit pinatay ni Frank ang mga asawa namin? Ano ang kaniyang motibo?
  • Bakit lahat ng pinatay niya ay konektado sa ahensyang ito o may pagkaka ugnay sa mga tauhan o kamag-anak nito?
  • May kasabwat ba siya dito o siya lang mag-isa

Ilang araw ang lumipas at nasa kulangan parin ng kanilang gusali si Frank. Hindi parin siya ni tu-turn over sa himpilan ng pulis dahil hindi parin ganun kalinaw kay Sanchez ang mga bagay-bagay.
Maya-maya na pala ang eklipse, dito na matatapos ang lahat. Uuwi na si Sanchez sa kaniyang tahanan ng isang text ang kaniyang natanggap.


Itutuloy.....


Mga Karakter

Bida: Ang Haunted Hero: Hero na may malagim na nakaraaan (Si Mark Sanchez, isang inspector na may malagim na nakaraan.)

Tema

Misteryo

Elemento sa Kwento na ginamit

Pakpak
Libro




Unang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@jamesanity06Martes
@chinitacharmerMiyerkules
@tpkidkaiHuwebes
@twotripleowByernes

Ikalawang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@ailyndelmonteMartes
@jazzheroMiyerkules
@johnpdHuwebes
@cheche016Byernes

Ikatlong Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@julie26Martes
@beyonddisabilityMiyerkules
@romeskieHuwebes
@jemzemByernes

Ang text message ay nagmula sa https://ifaketextmessage.com/
At ang FB message naman ay nagmula sa http://www.prankmenot.com/?facebook_full_chat

Sort:  

Lupit ng mga dm sa fb hehe. Yun lang muna sasabihin ko baka ma spoiler e magalit si Toto at JunJun. Kung ano man nasa isip ko sasabihin ko mamaya sa discord hehe. Sisimulan ko na ang karugtong.

Bwahahah kaabang abang ang mangayayri sa kwento. Medyo naging paborito ko yang fake chat at fake text messages recently ang bilis kasing mag kwento din gamit yan. Nasa iyo na ang kapangyarihan ng itim na aklat Two ikaw na ang bahala!

Nadali ko na hehe. Sana ok ginawa ko. Ibinigay ko naman ang lahat lahat ko pero kung kulang pa pasensorry mga mates hehe.

Natawa ako sa kamusta baby boy hahaha
Ang gagaling ng writers! Kawawa naman si Frank. Tingin ko hindi siya ang may sala. Hahaha.. hula ko lang naman. Hehe.

Siya nga ba? Hehe

Hehe salamat ate @romeskie dibale yung baby boy. Kung matatandaan natin sa mga naunang akda nambabae din si Inspector Sanchez.

baby ang tawag niya sa naging kinakalantari niya sa panahong iyon.

Ngayon ang dapat abangan ay kung si Frank nga ba talaga si Black Hood o may iba pang tao na Black Hood.

Malakas ang kutob ko na hindi siya si Black Hood. Kapag totoo ang hinala ko, lagot talaga yam si Sanchez sa akin. Babaero na siya, bintangero pa siya. Haha

Cliffhanger TP :D Nakakagulo yun misteryo sa pagkatao ni Black Hood at ang konekyson nya kay Sanchez atbp tauhan. Sakto isang araw na lang malalaman na natin.

More misteryo, more fun. Para mapa isip pa ang readers kung sino talaga si Black Hood maaring si Frank parin ang black hood o maari paring hindi. Depende na kay ginoong Two kung ano ang mangyayari basta ako tapos na whoa!

Wowowow! Parang na eexcite aq lalo! Haha. @twotripleow, excited na aq sa ending. Mapopost mo na ba mamayang gabi? Charot lang! #pressure

Haha sobrang exciting talaga @chinitacharmer grabe pag mystery ang tema yung possibility na pwedeng maisip ay sobrang dami. Restricted lang tayo sa words talaga nyahahah.

Hahaha korek! Kaya i-push na ung collab natin! 😄

Oo hehe natapos ko na sakto gabi na 8:00 PM.

Ang galing ng kwento, suspense. Ang ganda khit ung part mo plang ang sarap bsahin ang previous na mga kwento at abangan ang susunod na kabanata. 😊As always magaling magaling k tlga @tpkidkai!👏😄

Salamat @leahlei ang ending ng kwentong ito ay magmumula na kay ginoong @twotripleow siguradong mas marami pang kaganapan ang magaganap para dito.

Nasan na ang kasunod? Maiihi na ako sa pananabik, tpausin na yan! Tapusin! Tapusin! Tapusin mo na sya Eugene!! Teka ibang channel pala yun, hahaha...

Hahaha gamit na ni Taguro ang kaniyang Isang daang pursyento ng lakas para dito. Sana mapili ang akda para naman magkapuntos tayo ulit. Nyahahahaha yung pagiging OLODI talaga ang target natin. Para sa banner!

Hi @tpkidkai thanks for using steemph-antipolo tag, you got an upvote :D

Thanks @steemph.antipolo! much appreciated

I unquestionably adored your post tpkidkai, please keep up the excellent job. wholeheartedly parmacoy

Thanks parmacoy!

Congratulations @tpkidkai, your post have been featured at Best of PH Daily Featured Posts.
You may check the post here.


About @BestOfPH

We are a curation initiative that is driven to promote Filipino authors who
are producing quality and share-worthy contents on Steemit.

If you would like to delegate to Best of PH you can do so by clicking on the following links.

100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.

See Curation/Delegation Incentive Scheme here. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Follow our trail and vote for curated Pinoy authors. If you are a SteemAuto user, @bestofph is an available trail to follow.

If you want to be part of the community, join us on Discord

pag ikaw talaga ang sumuat pinunong @tpkidkai... ibang klase. hanep. sarap basahin. Gusto kong sabihin na wag mong tapusin .....

Haha salamat beyond! ginagalingan kasi ng mga kasamahan ko sa serye. Pag ginagalingan nila kailangan sympre humabol din tayo sa kanila.

tama ka dyan pinuno.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63855.79
ETH 3113.00
USDT 1.00
SBD 4.04