TAGALOG SERYE: IKA-APAT AT HULING YUGTO NG UNANG PANGKAT.

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Magandang Araw po sa inyong lahat at sa mga taong sumusubaybay sa #tagalogserye ni Ginoong Toto. Sana lang po pag-pasensiyahan niyo ang aking isusulat ngayong araw na ito sapagkat ito po ay ang aking unang sabak, virgin ako kung baga. Ubod ng gagaling po ng aking mga kakampi na sina @jamesanity06 @chinitacharmer at siyempre po ang aking sinusundan na si TP Takamiya @tpkidkai. Kung kayo po ay hindi nakakasunod marahan lamang po na pindutin ang mga link sa ibaba. Maraming Salamat po at mabuhay ang mga Filipino saang dako man ng mundo.

Unang Bahagi ni James
Ikalawang Bahagi ni Chinita
Ikatlong Bahagi ni T.P

ANG NAKARAAN...

Ilang araw ang lumipas at nasa kulangan parin ng kanilang gusali si Frank. Hindi parin siya ni tu-turn over sa himpilan ng pulis dahil hindi parin ganun kalinaw kay Sanchez ang mga bagay-bagay.
Maya-maya na pala ang eklipse, dito na matatapos ang lahat. Uuwi na si Sanchez sa kaniyang tahanan ng isang text ang kaniyang natanggap.

TP.png

Ang larawang ito ay nag-mula sa #tagalogserye ni T.P


Walang takot na umuwi si Sanchez sa kaniyang tahanan upang abangan ang berdugong si Black Hood. "Ngayon na tayo magkaka-alaman hayop ka, isa sa atin ngayon ang mamamatay". Paanas na wika ni Sanchez sa sarili. Nang makarating sa kaniyang bahay si Sanchez ay agad itong umupo sa kaniyang malambot na sofa. "Let's get it on baby" ika ni Sanchez. Ikinasa ang boga niya na punong puno ng mga punla. Kinuha pa niya ang nakatagong 22 kalibre sa kaniyang kuwarto at inilagay sa kaniyang ibabang bahagi, itaas ng sakong. Handang handa na si Sanchez at buong buo ang loob tila nakikipag-laro na kay kamatayan si Sanchez. Sumapit ang 11 ng gabi at wala pa rin ang kaniyang hinihintay. Maya maya pa at nakaidlip si Sanchez sa malambot niyang sofa. Nang bigla na lamang itong nanaginip na tila isa palang bangungot.

Ang Panaginip ni Sanchez.


Habang binabagtas ang kadiliman ay mayroong liwanag di kalayuan kay Sanchez. Agad agad naman niya itong tinunguhan at nang makarating siya ay tumambad sa kanya ang kaniyang esposa na si Elizabeth. "Ikaw ba iyan? Bakit ka naging isang anghel pancake?" Gulat na gulat na sambit ni Sanchez. "Oo pancake ako ito, ginawa akong anghel ng panginoong diyos." tugon ni Elizabeth sa kaniyang esposo.
Angelsss.jpg
Image Source

"Wow! Pancake ang ganda ng iyong mga pak-pak at walang kasing kupas ang iyong kagandahan at kaseksihan. Walang nag-bago sa'yo, samantalang ako ito nag-mukha na akong lolo sa kaka-isip kung sino ang pumatay sa'yo. Ang sarap sarap mo parin hanggang sa ngayon, ang sarap sarap mong mahalin."

Wala ka paring ipinag-bago Mark hanggang ngayon ay palabiro ka parin kahit sa panaginip mo ay matapang ka pa rin. Ikaw talaga ang lalaking pinaka-mamahal ko. Buhay man ako o patay.

"Patawarin mo ako pancake, pinag-sisisihan ko na ang mga nagawa ko sa'yo. Natukso lang naman ako at hindi naman ako sa kanila nagka-anak. Sana mapatawad mo ako. Hindi hindi ako titigil sa kakahanap kung sino ang pumatay sa'yo. Pangako iyan."

Pinapatawad na kita Mark at gusto rin kitang tulungan. Halika at lumapit ka sa'kin dadalhin kita sa isang lugar kung saan mo makikita ang mga sagot sa mga tanong mo.

"Sige pancake dalhin mo ako kahit saan mo gusto."

Dinala ni Elizabeth si Sanchez sa isang lugar kung saan ay naghihintay ang isang time machine. Pinapasok ni Elizabeth doon si Sanchez at pinapikit at pagka-tapos ay isinara ang pintuan ng time machine. Pagka mulat na pagka mulat ni Sanchez ay tumambad sa kaniya ang isang kalansay na may hawak na aklat at sinabing

"Ibalik ang TITIK O"

"Ibalik ang TITIK O"

Nawawala pala ang letrang O sa damit nitong kalansay imbes na COMPTON ay naging CMPTN na lamang. Tila naka hanap ng katapat itong si Sanchez. Iba kasi ang nasa isip ni Sanchez. Binunot ni Sanchez ang kaniyang 29 at itinutok sabay ipinasok nang madiin sa bunganga ng kalansay para tumahimik. Nagtataka si Sanchez na para bang tumigil ang oras at parang walang nangyari sa kalansay. Binunot naman ni Sanchez ang kaniyang dalawang boga sa tagiliran niya, sa pag-bunot niyang iyon ay; ang baril na binunot ay naging letrang O. "Ayan ang aking hinahanap kaibigan, marahan lang ikabit mo na yan sa'kin, nang sa gayon ay makumpleto na natin ang dapat kumpletuhin para mabuksan na natin ang aklat na ito". Malumanay na salita ng kalansay. Gulat na gulat si Sanchez sa pangyayari at nagku-kuli, inisip na lamang niya na hindi siya ipapahamak ng asawa. Agad namang kinabit ni Sanchez ang titik O sa damit ng kalansay at nakumpleto na nga ang dapat kumpletohin. Bumukas mag-isa ang nasabing aklat at agad namang inabot ni kalansay ang aklat kay Sanchez. Nag-mamadali si Sanchez sa pag-basa ng aklat. Pagka-tapos niyang basahin ay inabot niya na ito kay kalansay at nag-pasalamat. "Sana nakita mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo." ika ni kalansay kay Sanchez. Oo nakita ko na ang mga kasagutan, at kung saan ko pa makakalaban ang isang masamang angel (fallen angel) na nag-tatago sa katauhan ng isang tao." tugon ni Sanchez kay kalansay. Inihatid na ni kalansay sa pintuan ng time machine si Sanchez upang makabalik na siya kay Elizabeth. Nang maka balik si Sanchez kay Elizabeth.

"Mag-iingat ka Mark at lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Pinatawad na kita matagal ng panahon".

Huwag kang mag-alala pancake at bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo at pagbabayarin ko silang lahat.

Pinapikit ni Elizabeth si Sanchez at inalikan niya sa labi si Sanchez sabay nag-paalam na. Nagising na nga si Sanchez mula sa kaniyang panaginip.

ANG KASALUKUYAN....


Nang maalimpungatan si Sanchez ay naalala niya ang lahat. "Nanaginip ba ako?" gulat na gulat na bulalas sa sarili. Tumayo si Sanchez at nag-mamadali papunta sa garahe para paandarin ang kotse niya.
FMGRPJKGLWQVOMN.RECT2100.jpg

Image Source

Pinaandar na ni Sanchez ang kaniyang kotse at nag-tungo sa sementeryo kung saan naka-libing si Elizabeth. Ang hindi alam ni Sanchez nandoon na pala si Black Hood. Nakarating na si Sanchez sa sementeryo at dali daling pinuntahan ang puntod ng esposa.

"Sa wakas nag-kita na rin tayo inspector detective Mark Sanchez ng Sta. Maria Police District".

Tang ina mo kang hayop ka sino ka ba talaga? Pagkatapos kitang gulpihan ay sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilanguan, pero sa ngayon gusto ko munang makita ang mukha kung sino at ano ang nakatago diyan sa itim mong hoodie. Ang daming mong alam sa'kin a, mukhang kilala mo talaga ako. Galit na galit na sambit ni Sanchez kay Black Hoodie.

"Maaari ko bang makalimutan kung sino ang dahilan ng pagka-matay ng aking kapatid at ng mahal ko?"

Ano pinag-sasasabi mo? Hindi ako mamamatay ng tao sapagkat ako'y alagad ng batas. Malamang isa ka sa mga sindikato na hinuli ko dati.

"Hayop ka Sanchez buhay ka pa ay sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno, dahil sa'yo nagpakamatay ang kapatid ko pati na rin ang iniibig ko. Hayop ka tinuhog mo ang mag-kaibigan noong naka destino ka sa Cebu. Tang ina mo papatayin na kita ngayon. "

Tinapon nila parehas ang mga baril nila dahil alam nila na walang silbi ito sa magaganap na labanan.

SAMPUNG TAON ANG NAKAKALIPAS....


Sampung taon ang nakakalipas si Sanchez ay naka destino sa Cebu City. Habang nag-papatrolya si Sanchez alas otso pa ng gabi ay may nakita siyang isang babae na umiiyak sa gilid ng kalsada. Kinausap niya ito at tinanong bakit siya umiiyak. Hindi sumasagot ang babae na humahagulgul sa iyak. Ang hindi batid ni Sanchez ay hinablot ng magnanakaw ang cellphone ng dalaga at hinipuan pa ito. Pilit na kinakausap ni Sanchez ang dalaga pero iyak parin ito nang iyak. Inaya na lamang niya ito na mag-punta sa presinto at doon na lamang mag-salita. Pumayag naman ang dalaga at agad sumakay sa patrol ni Sanchez. Nang makarating sila sa himpilan ay iyak parin ito nang iyak. Pinakiusapan ni Sanchez ang dalaga na baka puwede na itong mag-salita. Maya maya pa at pumayag na rin ang dalaga, sinabi niya na siya ay ninakawan at hinupuan sa dibdib. Napatingin si Sanchez sa dibdib ng dalaga. Sa isip ni Sanchez "aba malaki nga". Ano pa miss ang nangyari? Namukhaan mo ba? Tumgango lang ang dalaga. Tinawag ni Sanchez ang tiga guhit at kaagad naman iginuhit ang larawan na itinutukoy ng dalaga. Kung maaari sana miss ay fill up an mo lang ito at makaka uwi ka na. "Huwag kang mag-alala at aaksiyonan ko agad agad iyan." Payabang ni Sanchez sa dalaga. Di naman nag-tagal at nahuli ni Sanchez ang salarin. Tinawagan na niya ang dalaga at pinatungo sa himpilan nila. Tinawag ni Sanchez si Joy, ay nadulas si Sanchez. Nagtanong lang ang dalaga kung ayos na ba ang kaso niya. "Ayos na ang lahat at nahuli ko na siya, maaari ka na mag-demanda." ika ni Sanchez. Nag-demanda si Joy, lumipas ang panahon ay napatunayan na nagkasala ang tao at nakulong ito. Hindi naman nag-paawat si Sanchez sa kaniyang nararamdaman kay Joy tinitiktikan niya ito palagi at nagpapangap pa ito na dito naka puwesto. Niligawan ni Sanchez si Joy, hindi rin naman nag-tagal at naging sila. Matagal tagal din ang naging relasyon nila nang isang araw ay biglang inilipat si Sanchez sa Danao City Cebu. Ibinigay lahat lahat ni Joy kay Sanchez bago nito lisanin ang lungsod. Umiyak iyak pa kunwari si Sanchez pero tuwang tuwang naman ang ulol kasi alam niya siya ang nakauna kay Joy. Nilisan na ni Sanchez ang Cebu City.

Inilipat si Sanchez sa Danao City sapagkat talamak na daw ang bentahan ng mga ilegal na baril at mayroon pa daw nag-bebenta ng mga granada saka gumagawa ng bomba, aniya ng kaniyang hepe. Ikatlong araw ni Sanchez sa Danao City at medyo nakalampag niya ang mga sindikato dito. Gabi nang matapos and duty ni Sanchez nagtungo siya sa isang massage parlor at doon niya nakilala si Trixie isang Physical Therapist. Nag-huntahan ang dalawa maya maya pa ay nag-palitan na ng mga numero ang dalawa. Kinilala nila ang isa't isa. Nag-date din sila at maka-lipas ang tatlong linggo ay naging sila na. Mabilis talaga si Sanchez kasing bilis ng pag-resolba niya sa mga kaso sa Danao City. Hindi naman nag-tagal at nakuha ni Sanchez ang gusto niya kay Trixie. Siya rin ang nakauna sa dalaga. Inilipat si Sanchez sa Bulacan sapagkat ayon kay hepe malinis na daw ang Cebu Ciy at Danao City at agad siyang binalik sa sinilangang baya. Nabaliw ang mga dalaga sa pangungulila kay Sanchez. Nagpakamatay dahil hindi nakayanan ang sitwasyon. Ang hindi batid ni Sanchez ay kapatid ni Gen. Bato si Joy at matagal na palang may pagnanasa si Bato kay Trixie. Inilibing na ang dalawa at nangako si Bato sa sarili na pagbabayarin niya ang may kagagawan sa pagpapakamatay ng kapatid at ng sinisinta.

ANG KASALUKUYANG NANGYAYARI...

Pagka sigaw na pagka sigaw ni Black Hoodie ay agad naman nitong pinaulanan ng suntok itong si Sanchez. Maliksi talaga ito si Sanchez at sadyang ubod ng dulas. Sa dami at sa lakas ng atake ni Black Hoodie ay wala man lang tumama maski isa. Lahat ay nailagan ni Sanchez at biglang nag-full counter attack itong si Sanchez, binigwasan niya ng isa si Black Hoodie, gayon pa man ang nasabing bigwas ay mahiya pitik lang ng isang batang paslit. Ubod ng kunat ni Black Hoodie makunat pa sa inuyat. Bahagyang dumistansiya si Sanchez sapagkat ngayon lamang siya naka-ingkwentro ng isang tao na sobrang lakas at sobrang kunat, bagamat hindi nasaktan si Hoodie natanggal naman sa pagkakasuot ang kaniyang suot hoodie sa ulo, doon tumambad ang mukha ni Gen. Bato.

"Ikaw si Black Hoodie? General Bato? Ikaw na inidolo ko simula't sapul. Ikaw na sinundan ko ang yapak. Ikaw na susugpo sa mga drug pushers at drug users. Ikaw ikaw ikaw at ikaw ang pumatay sa asawa ko hayop ka!" Galit na galit na wika ni Sanchez. Dali dali naman na tumawag sa himpilan si Sanchez at sinabing bantayang mabuti si Frank sa piitan. Sinabi rin ni Sanchez na mag-tungo kayo sa sementeryo na-resolba ko na ang kaso ni Black Hoodie, dalawa ang Black Hoodie. Huwag niyong hahayaan mawala ang mga ebidensiya lalu na iyong mga post cards.

"Ano ngayon ang pakiramdam ng mawalan ng taong mahal sa buhay? Dahil sa'yo at sa kalibugan mo nagpakamatay ang kapatid kong si Joy pati ang mahal kong Trixie. Tang ina mo Sanchez hindi mo ba alam na magkababata sila at matalik na magkaibigan? Tang ina mo pagka-tapos mong dalihin sila iniwan mo lang na parang basahan. Puking ina mo nagpakamatay sila dahil iniwan mo, kaya ngayon ikaw isusunod na kita sa asawa mo. Kung hindi ka napatay ni Frank ako ang papatay sa'yo." Galit na galit na may halong eksahirasyon at pagka-uyam na usal ni Gen. Bato.

Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanilang dalawa sir. Siguro nga kasalanan ko ang lahat lahat kaya namatay si Elizabeth. Patawarin mo ako Elizabeth. Gayon pa man hindi tama na ilagay mo sa mga kamay mo ang batas sir. Umaasa sa'kin ang mga biktima niyo ni Frank. Pati ang mga kapamilya ng mga tauhan ko sa departamento na kinitlan niyo ng buhay. Mga inosenteng tao na binawian niyo ng buhay. Kaya pala yung mga nahuhuli kong intsik na ilegal alien ay madaling nakakalaya dahil ikaw ang nagpapalaya. Napaka tanga ko at nagpagamit ako sa'yo ngayon ko lang napagtanto na ang iniidolo ko ang siyang gagamit sa'kin para hulihin ang mga kalaban niyang sindikato. Ikaw rin ang nag-tulak sa'kin sir para makilala sina Joy at Trixie. Malungkot na tugon ni Sanchez kay Bato.

"Hayop ka at ako pa ang sinisisi mo ngayon. Ililigpit na kita para hindi ka na makapagsalita. Marami ka na rin naman nalalaman sa'kin. Tapos ka na Sensui este Sanchez".

comic-art-reference-drawing-devastating-punches_PREVIEW.jpg

Image Source

Tinamaan si Sanchez sa mukha at tumalsik ito kung saan. Nagulat na lang si Sanchez sa sarili at kaagad bumalik sa dati ang basag na mukha. Pagkatapos ay nag-inat inat si Sanchez at sinabing ngayon pa lang nagsisimula ang tunay na laban. Bumulong si Sanchez sa sarili at nag-pasalamat kay kaibigang kalansay, bahagyang natawa rin si Sanchez dahil sa ibalik ang "TITIK O". Handa na si Sanchez sa atake niya na ibubuhos na ang lahat lahat ng enerhiya niya sa huling atake sapagkat hindi na maaaring mag-tagal ang labanan. Nagamit na niya kasi ang kalasag na hangin na nag-mula sa mahiwagang aklat.

"Sir itong huli atake ko ay para sa mga biktima niyo ni Frank at para na rin kay Elizabeth. Alam ko sir na isinangla mo na ang iyong kaluluwa sa mga fallen angels upang makamit ang walang humpay na karangyaan. Kaya patawarin mo ako sir sa aking gagawin". Nag-aapoy na galit at pagka-munghi sa sarili na wika ni Sanchez.

Kung may mamatay man dito ay ikaw iyon Sanchez hindi ako. Paghaharian ko pa ang buong Pilipinas. Kaya humanda ka na, sisiguraduhin ko sa susunod na makatikim ka ay hindi ka na mabubuhay hayop ka.

Sinugod na ni Sanchez si Bato, kitang kita na lamang sa bilis si Sanchez pero hindi parin sapat ang lakas para matumbahin si Bato. Tila nag de dempsey roll times ten times ten si Sanchez na may kasama pang gazel punch at liver blow. Isang suntok ni Bato sampu ang sagot ni Sanchez pero sadyang napaka kunat talaga ni Bato. Binilisan pa lalu ni Sanchez subalit unti unting napupunit ang mga balat nito kasabay ang mga suntok na tadyak. Lagpas na si Sanchez sa kanyang limitasyon subalit hindi ito nag-paawat at patuloy tuloy parin sa pag-atake. Napansin na niya ang kahinaan ni Bato, noong una ang batid niya ay ang makintab nitong ulo subalit mali siya. Ang mga tuhod pala nito ang kahinaan ni Bato. Pinuntirya niya ang mga tuhod ni Bato. Doon medyo napaluhod si Bato at gumanti ng malakas na suntok subalit naiwasan naman agad ito ni Sanchez. Tinira din niya ang mga binti hanggang sa napayuko ito at doon pinaliguan na ni Sanchez ng suntok si Bato sa mukha hindi na ito nakasalag pa sapagkat mahina na ang mga tuhod nito bagamat malakas pa ang mga katawan at braso. Tinira rin ni Sanchez ang puso ni Bato, doon napahinto ang pag-tibok ng puso niya. Hindi pa nakuntento si Sanchez at inulit ulit pa. Kasabay nang pag-bagsak ni Bato ang hindi na nito pag-hinga, ngayon lang kasi umipekto ang mga atake ni Sanchez. Tuluyan nang nawalan ng hininga si Bato. Bumagsak na rin si Sanchez sapagkat lumagpas na ito sa kaniyang limitasyon. Hindi nag-tagal ay rumesponde na ang iba pang mga pulis. Agad agad dinala sa ospital sina Sanchez at bato.

Hindi na umabot si Bato sa ospital, sa mismong labanan pa lamang ay binawian na agad ito ng buhay. Ang sementeryo na naging saksi sa labanan ay nag-mistulang gradas nina Bato at Sanchez. Nang madala sa ospital si Sanchez at diretso naman sa morge si Bato. Napagtanto ni Sanchez kung paano ginawa ni Frank at Bato ang mga madudugong krimen. Habang nag-papagaling sa ospital si Sanchez ay iniimbestigahan ang pagkamatay ni Bato at kung bakit siya nasa sementeryo nang gabing iyon. Magaling na si Sanchez. Sa unang araw niya ay agad naman nitong tinunguhan si Frank.

"Alam ko kung paano niyo pinatay ang mga biktima. Hindi totoo na sa gabi niyo pinapatay ang mga ito bagkus sa araw niyo ito pinapatay, pinalabas niyo lang ni Gen. Bato na sa gabi niyo ito pinatay. Pinuntahan ko ang bodega ni Gen. Bato at doon ko nakita ang mga parepernalya na ginamit niyo sa krimen ang mga gwantes at iba pa. Kaya pala pag-dating ko sa krimen ay wala maski isang bakat, dahil nalinis niyo na pala agad saka forensic ka niluto niyo na ang lahat. Ang hindi mo alam sa mga gwantes na ginamit niyo andoon ang mga maliliit na balat ng mga biktima at talsik ng dugo sa mga sinusuot niyong mga hoodie. Kaya kung ako sa'yo ikanta mo na ang mga kasabwat niyo para gumaang gaang ang parusa mo." Kalmadong wika ni Sanchez.

Hindi naman nag-tagal ay napatunayan na si Frank at ang mga kasamahan nito, sa pagpatay sa mga biktima sa ginawang pag-lilitis sa korte. Habang buhay na pagkakabilanggo ang hatol at walang piyansa. Sinibak na rin sa puwesto ang iba pang tauhan ni Bato. Lumipas ang panahon unti unting na promote si Sanchez kasabay pa nito nakapaasawa rin siya at ikinasal. Hindi na nambababae si Sanchez. Hindi rin nag-tagal ay naging 5 star General siya. Sumapit ang halalan ng bagong presidente at may naupong bagong presidente. Sapantaha ni Sanchez ay may hahalili na sa kaniya subalit mali ang sapantaha niya bagkus ay pinaupo pa siya ng 6 na taon pa, kasabay sa pag-upo ng bagong upong presidente.

WAKAS









Mga Karakter

Bida: Ang Haunted Hero: Hero na may malagim na nakaraaan (Si Mark Sanchez, isang inspector na may malagim na nakaraan.)

Tema

Misteryo

Elemento sa Kwento na ginamit

Pakpak
Libro
Time Machine

Unang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@jamesanity06 Martes
@chinitacharmer Miyerkules
@tpkidkai Huwebes
@twotripleow Byernes

Ikalawang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@ailyndelmonte Martes
@jazzhero Miyerkules
@johnpd Huwebes
@cheche016 Byernes

Ikatlong Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@julie26 Martes
@beyonddisability Miyerkules
@romeskie Huwebes
@jemzem Byernes

Hanggang sa muli paalam.

Sort:  

Ang dami kong tawa! Loko ka talaga sir @twotripleow

Ibalik ang titik O

Hahaha

Nawawala kasi yung letter diba? Haha saka waag mong basahin nang mabagal lolol.

Hahaha! Di ko alam kung madumi lang talaga ang utak ko, or may double meaning talaga ang "ibalik ang titik O"!!!

Sabi ko na nga ba, si BATO ay si Black Hood! hahaha! Nice one sir! Mabuhay ang unang pangkat! hahahaha

Hindi iyan. OK lang yan haha. Huwag mo lang babasahin nang mabagal. Nahirapan ako sa eksenang nambababae hindi ako sanay kahit sa storya o sa totoong buhay walang pag-huhugatan ng emosyon. Mabuhay ang unang-pangkat. Tinapos ko na nang maaga. Para matambakan si Toto!

Akala ko mag babanta yung kalansay eh, "Pag di mo binalik ang titik O, kakainin kita."

nyahaha...

Haha hindi naman becky yung kalansay. Pero boss lahat tayo lagpas sa 1k. Pero ok lang kung di manalo basta maging lodi of the week isa sa inyong tatlo.

"Sige pancake dalhin mo ako kahit saan mo gusto."
"Ibalik ang TITIK O"

My favorite quotes of the day @twotripleow.
Favorite scene: Sprint LTE na message!

Ganoon talaga nasa California sila haha. Imported lang ang peg para hindi ma trace. Hanep si IdolestEST talaga si na sarcasm ako :(

Di.kaya, Sprint kasi ako work before ajejeje... Thanks for calling Sprint together with Nextel.

Yayamanin sa California nagtratrabaho dati. Pero ayaw ko niyan kasi Verizon ako loyal haha. AT&T din pero ako doon nagtratrabaho. Weak kasi globe at smart haha.

Jaja California - Banawa, Cebu lang ang office ko dati! Never ako nakapag AT&T.

Kalerky pala yung fake message na yun Sprint pero +630929 nag-sisimula lol. Dapat +1 kapag US hehe. Post mo na pala idolestest yung mga US pics mo.

Banawa, Cebu lang kaya ako na Sprint! Jejejeje anong balita sa lagay mo @twotripleow? Sabi ni Sir Eldean mabuti buti daw!

Subvert "balita" okay? Kung itatanong mo sa tagalog iyan. Ano lagay? Ganiyan lang haha. Siyempre isasagot ko hindi mapa-lagay. Kapag sinagot ko sa bisaya iyan "gahi" LOLOL.

ang daming elementp ng anime hahahaha. Ippo at ghostfighter.
nakakalibang po basahin

Maraming salamat bro hehe. Lalagyan ko pa sana High School DXD kaso huwag na hehe

sana makabasa pa ako ng ganito kasaya na mga akda master

bro sali ka na ulit hehe sana maging magkakampi tayo hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66753.89
ETH 3256.47
USDT 1.00
SBD 4.34