TAGALOG SERYE IV: UNANG BAHAGI NG UNANG PANGKAT. 05/14/2018

in #tagalogserye6 years ago (edited)

toto.png

Ang larawan na ito ay nag-mula kay ginoong Toto.

Maligayang pag-bati sa inyong lahat andito nanaman po kami mga kaibigan. Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko po ang unang bahagi ng unang pangkat. Isinulat ko po para sa walang kahilig hilig sa potato chips na si Toto samahan pa po natin ng chicharon na puro taba.

center city 1.jpg

Mataas Na Gusali


Apat na magkakaibigan ang sumalakay sa isang museyo sa Makati. Inakyat nila Tony, Jason at Mark, habang si Darius naman ay naiwan sa kotse malapit sa museyo para magsilbing look out. Unting unting hinihiwa ng asetilino gas nina Tony at Jason ang isang kwadradong bakal na dadaanan nila sa itaas nang museyo. Habang si Mark ay pinuputol ang mga wires ng mga CCTV at pulang laser nang nasabing museyo. Habang sineset up ni Mark ang mga camera nila ay sinabi ni Jason na ayusin ang trabaho nito nang sa gayon ay makita nila ang mga paparating na mga pulis. Umalis si Jason at nag-tungo sa dulo ng gusali upang check up in ang lagay ni Darius sa ibaba. Tinawagan ni Jason si Darius sa ibaba gamit ang radyo. "Ayos ka lang ba diyan? Hmm nagmamariwana ka nanaman? Amoy na amoy ko kasi hanggang dito sa taas." tanong ni Jason kay Darius. Haha hindi a. Tugon ni Darius kay Jason. "Ok sige alerto ka babalik na ako doon." ika ni Jason. Sa kabilang dako naman ay inayos na ni Tony ang gagamitin nila para sa pag-baba. Ikinawit ni Tony ang mga lubid at sinubukan kung ito ay mapapatid ba o hindi. Ayos na Jason at Tony halika na bumaba na tayo ika ni Tony. Lumapit si Jason at nanguna sa pagbaba sa museyo, nang makababa sa unang palapag ng museyo ay dahan dahan sila gumagapang patungo sa kinalalagyan ng dyamante. Si Mark naman ay nasa itaas lang nakatutok maigi sa na hack niyang cctv.
43_CC+TV+Control+Room_Pallabi+Police+Station_AM_160816_001.jpg
Nagtataka ang mga guwardiya kung bakit ayaw gumana ng mga cctv. Maya maya pa ay rumonda ang isang guwardiya paikot ng museyo. "Mga pre may papalapit na parak sa inyo, mga 5 minuto ay nandiyan na siya." nag-aalalang kunwari si Mark sa dalawang kasamahan. "Ok copy mark kailangan lang namin ng dalawang minuto para buksan ang pinaka matibay at pinaka mahigpit na vault sa Pinas". Payabang ni Jason sa kasama. Nagmamadali sina Jason at Tony patungo sa lugar kung saan naroroon ang dyamante, nang makarating sila sa paroonan ay agad naman nilang iginayak ang mga parepernalya.
"Tony ang una mong gagawin kapag tumambad sa'yo ang ganitong kalaking vault"

Siyempre babarenahin ko na agad iyong kandado tapos gagamitin ko na iyong ginawa kong aparato para makuha ang eksaktong numero.

"Mali una mo munang titingnan kung ito ba ay naka bukas na, para hindi na tayo mahirapan siyempre. Siyempre hindi nila gagawin iyon kaya nga tayo nandito haha." Pangaasar ni Jason kay Tony.

Rumadyo ulit si Mark sa dalawa at sinabing malapit na malapit na iyong isang guwardiya. Magmamadaling binarena ni Tony ang vault at agad agad idinikit ang inimbentong aparato upang hackin ang programa ng vault. Nagtagumpay si Tony at ipinaubaya na kay Jason ang pagkuha sa dyamante. Pinaakyat na ni Jason si Tony para mailigtas na nito ang sarili niya. Dalubhasang dalubhasa si Jason sa ganitong bagay. Kaunting kalikot lang at nakuha na niya ang dyamante. Nakaakyat naman nang ligtas itong si Tony pero pag-akyat na pag-akyat niya ay tumambad sa kaniya ang mukha ni Mark na masayang masaya at sinabi nito na "Salamat kaibigan pero huling araw mo na ngayon".

Huh? Ano pinag-sasasabi mo Mark? Huwag mong gawin iyan. Maawa ka sa'kin. Takot na tako na wika ni Tony. Hindi nagpapigil si Mark sa kaniyang kasakiman, agad agad niyang pinutok ang kaniyang boga kay Tony nang walang pakundangan. Tinamaan si Tony sa leeg at tumalsik ito pababa hanggang umabot sa unang palapag. Kumuha si Mark ng lubid at ikinokekta naman niya ito sa kabilang gusali para magsilbing takbuhan niya kapag dumating na ang mga parak. Nataranta si Darius nang makita niya ang walang buhay na kaibigan na biglang bumagsak malapit sa pinaparadahan ng kaniyang sasakyan, bumaha ang dugo na tila hindi titigil sa pagpatak. Nataranta si Darius at biglang pinaandarn ang sasakyan palayo sa patay na si Tony. Maya maya at ito na ang mga pulis at mga imbestigador nito. Walang kamalay malay si Jason na patay na ang kaniyang matalik na kaibigan. Dali daling ginawa ni Jason ang lahat para makuha ang dyamante at inilagay niya ito sa kaniyang bulsa. Nakita ni Jayson na andiyan na ang guwardiya kaya nag-tago muna siya sandali. Ang hindi lingid sa kaniyang kaalaman ay may mga parak na papunta sa loob ng museyo. Malinis na malinis ang pagkakanakaw nila Jason sa dyamante kaya naman ang guwardiya ay lumipat na sa kabilang kuwarta upang tingnan ang iba pang mga antigong bato. Hindi parin makakita si Jayson ng pagkakataon para makatakas, pero wala na siyang oras kailangan na niyang tumakas. Wala na siyang nagawa kung hindi makipagbuno na sa guwardiya. Hindi naman niya ito pinatay ginulpi lamang niya ang guwardiya, dahil nasa kabila ang lugar saan siya makakatakas. Nag-mamadaling umakyat si Jason, nang makaakyat siya ay tumambad sa kaniya ang boga ni Mark at sinabing "kumusta kaibigan ibigay mo na sa'kin ang dyamante para makauwi ka sa nanay mo na may hininga pa". Habang nagpapatrolya ang helicopter ng mga pulis ay nakita nila na tila may kakaibang kilos na nagaganap sa roof top ng nasabing museyo. Nasilaw si Mark sa malakas na ilaw ng helicopter, wala namang sinayang na oras si Jason at agad siyang tumakas nakita niya na tila may isang zip line sa tabi at agad agad naman niya itong sinuong. Sinundan siya ni Mark. Nag-abot ang dalawa at nag-suntukan at umabot pa sa balibagan ng kung ano ano. Ang hindi nila alam ay ito na ang mga parak tugis tugis kung nasaan silang dalawa. Naghiwalay na sina Jayson at Mark. Nagtungo si Jason sa may kisame at agad itong inakyat ang kisami ng ginawang gusali. Samantalang si Mark naman ay gumawa nang paraan upang maitakas ang sarili. Gumapang si Jason nang gumapang hanggang sa napagpasiyahan niya na iiskats tape nang mabuti ang kahon ng dyamante sa kisami ng ginawang gusali. Nang bumaba si Jason sa kisami tumambad sa kaniya ang tatlong aso na K-9. Tahol nang tahol ang mga aso at galit na galit tila gutom na gutom at sabik na sabik sa karne ang mga aso. Wala na lang ginawa si Jason at kinausap na lang ang mga aso nagmistulang istatwa sa kaniyang kinalalagyan si Jason.

"Lumuhod ka at kamay sa likod" ika ng mga pulis. Sinunod naman ni Jason ang mga parak at ginawa ang mga sinasabi.

"Mayroon kang karapatang tumahimik. Lahat nang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa'yo sa korte. Maaari kang kumuha ng abogado mo o kung hindi mo kayang magbayad ng isang abogado ay ang iyong lungsod o lalawigan kung saan ka nag-mula ay magtatalaga ng abogado para sa'yo". Wika ng mga parak na umaresto kay Jason. Nagpaliwanag si Jason ang sabi niya ay "isa lamang siyang construction worker sa nasabing gusali."

Sa presinto ka na lang mag-paliwanag. Usal ng parak kay Jason. Nilitis si Jason at nahatulan ng tatlong taon na pagkakabilanggo.

LUMIPAS ANG TATLONG TAON


Lumipas ang tatlong taon ay nakalaya si Jason. Agad niyang pinuntahan ang kaniyang syota na si Marie. Kumatok siya sa pintuan ng bahay nila Maria at tumambad sa kaniya ang mukha ng matabang nanay nito. "Magandang umaga po andito po ba si Marie?" Ika ni Jason.

Marie ang ahenteng boyfriend mo kuno. Wika ng nanay ni Marie at sabay alis. Hinarap naman ni Marie si Jason at sinabing "hindi pa ba senyales na maski isang beses ay hindi kita binisita sa bilangguan? Ano pa ba ang gusto mong malaman? Sinungaling ka sabi mo ahente ka ng mga alahas pero ano? Magnanakaw ka pala napaka dami mong sinabi na hindi totoo." Galit na galit na wika ni Marie kay Jason.

"Oo nag-sinungaling ako pero para sa kinabukasan natin lahat ng mga ginagawa ko, kailanman ay hindi ko inuna ang aking sarili bagkus ikaw lagi". Malungkot na bigkas ng bibig ni Jason.

Sana inisip mo muna ang lahat bago ka nagnakaw. Sabay sarado ng pintuan at pumunta sa kwarto niya si Marie.

Walang nagawa si Jason at umuwi na lang. Kinabukasan ay bumalik siya sa gusali kung saan iniwan niya ang dyamante, nagulat siya sa kaniyang nakita. Ang dating ginagawang gusali ay ngayon naging Makati Police Station. Hindi makapaniwala si Jason sa kaniyang nakita. Tinanong ang mga dumadaan kung ito ba ay talagang isang istasyon ng pulisya subalit ang sagot ay iisa "oo himpilan na ng pulisya iyan hijo".

ITUTULOY BUKAS







Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Diamond (Elegance, Wealth)

Blood (Life, Sacrifice)

Tema ng Ikatlong TagalogSerye
Action at Adventure

Unang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@twotripleow Lunes
@chinitacharmer Martes
@cheche016 Miyerkules
@jemzem Huwebes
@johnpd Byernes

Ikalawang Pangkat
Username sa Steemit Araw ng Iskedyul
@itsmejayvee Lunes
@romeskie Martes
@jamesanity06 Miyerkules
@julie26 Huwebes
@tpkidkai Byernes

Sort:  

Ang tanong, nandoon pa ba sa pinagtataguan ni Jason ang nasabing diyamante? Hahahha. Na-reconstruct yata ang dating building. 😅
Pero si @chinitacharmer na ang bahala riyan. Saka naintriga rin ako kung ano nang nangyari kay Mark. Kaloka! Katukayo pa sila ni boyfie. 😂

Hindi a kagagawa lang kaya nang building. Siyempre andoon pa iyon para maganda kwento hehe.
Ay ayee! Boyfiee ngayon o EX haha. Ikaw na bahala sa mga fight scenes sa 4th. Si Mark andyan lang yan babalik syempre yan para sa dyamante hehe.

Nandoon pa yung diyamante at toot toot tooot. Si chinitacharmer na ang bahala. Hehehhehe.
Si current boyfie na kontrabida sa kwentong ito ang katukayo. Hahahaa. Kung anong magaganap sa ikalawa at ikatlong bahagi, dudugtungan ko na lang. Basta ayos na tong panimula ng kwento. Pasok na pasok sa tema. 👍

Gusto ko sana boss itigil doon sa nakakapag trabaho na siya sa loob ng pulis station hehe kaso baka umabot nanaman ako 3K words magalit si Toto haha. Ikaw na bahala naniniwala naman ako sa'yo. At saka congrats may forever ka na hehe.

Pwedeng paabutin mo ng 3k boss tapos tag-100 words na lang ang idagdag namin. Ayos na rin 'yun para hindi masakit sa ulo mag-isip ng idudugtong. heheheheh. Salamat, boss. 'Yung forever mo na ang susunod na darating. :D

Sus ikaw pa mawalan, hindi ako naniniwala huwag ako haha. Unang sali ko umabot lagpas 3K mga 3.4 yata haha. Napasarap sa kwentuhan sa flashback palang at panaginip madaming salita na. Kayang kaya mo na mga fight scenes dyan sa Thursday. Hindi ko inaantay sa'kin haha huwag na lang ako takot na ako charot!!

Drained na ako lagi ngayon kaya ayos na yung 100 words na isusulat ko. hahahah. Pero ginalingan mo naman sa simula e. Tapos ang gagaling pa ng mga magdudugtong. Ang gagaling ng nasa pangkat natin! :D
Excited din kung anong magiging daloy ng kwento. hehehehe.
Ayy naku, basta kung bubuksan mo ulit ang puso mo at pakawalan ang takot, darating din 'yan. Masakit mabigo, pero panalo pa rin dahil sumubok. Kasi mas masakit mabigo dahil nagpakain sa takot na muling sumubok. Chariiiing. hahahhahha

Hay naku ewan ko sa'yo haha. Kung nakumbinsi mo ako mag-sulat ng tagalog. Sa ganyang paraan hindi ko alam haha. Ok na ako sa ganito na alam mo na haha. _Tawang demonyo ni 2K bwahaha. Sa totoo lang napasarap na ako sa pagsusulat nitong tagalog serye hindi ko talaga namamalayan lagpas lagpas na ako, kaya ngayon hanggang dito na lang buti na lang kamo hindi nadidisqualified hehe. Kapag action ang dami kong naiisip kapag drama o love story walang pumapasok sa isip ko puro sakit lang haha.

Wow maaksyon ang mga kaganapan sa unang araw! Ginalingan ni Ginoong @twotripleow.

Maraming salamat Toto/Jun-Jun. Salamat kasi kayo ang inspirasyon ko sa pagsusulat.

Ma aksyon talaga yan si @twotripleow

Maglaban na tayo idolESTEST

Kanino sa'yo? Sus!

Umpisa pa lang maaksyon na! Ginalingan ni 2k! 😃 Kagigising lang, pero bigla aqng na excite pagkatapos q tong basahin! Sisimulan q na po. :)

Chinita Charmer for the win na hehe!

maganda ang simula. hmmm. Asan na kaya yung iba nyangkaibigan. Andun pa kaya yung dyamante?
Kapanapanabik po master @twotriple0w

Hehe master malalaman natin mamaya ang sagot sa mga tanong mo. Chinita Charmer na bahala diyan. Salamat sa pag-follow bro. Ganoon din ako nagfollow back. Sana sumali ka next week hehe.

Magnanakaw ka pala napaka dami mong sinabi na hindi totoo. <--- okay lang yan basta di lang magnanakaw ng puso!

Nanakawin ko puso mo haha.

Di nga, dami mo ng na nakaw!

Wala kaya. Sa'yo palang ang nanakawin ko kapag nagkataon.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70884.24
ETH 3570.27
USDT 1.00
SBD 4.76