FILIPINO FICTION: TAGALOG SERYE SEASON 2 | IKA-APAT NA BAHAGI NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogtrail5 years ago (edited)

Nakaraan.....

"The best ka talaga Samuel! Akalain mo 'yon, napatumba mo ang ego ng bruhang iyon? Bilib na talaga ako sa 'yo. Jowable ka rin kagaya ko."

Napatitig naman ng seryoso si Samuel sa kanya. Natameme tuloy siya dahil sa pagkailang. Ilang segundo rin silang walang imik habang nakipagtitigan sa isa't isa.

image
Larawan mula kay @tagalogtrail


7:58am

Ano ba?! Late na ako! Pambihira naman kasi. Anong oras na ako nakauwi kagabi dahil sa kabobohan ng katrabaho ko!

Dali Samuel! Hindi ka pwedeng mahuli. Masisira ang record mo. Baka dahil sa pagka-late mo ay mawala ka sa listahan ng pinakamahusay na manggagawa ng taon! Paglilitanya ni Samuel sa sarili.

Patakbong papasok sa tarangkahan ng opisina si Samuel nang hindi inaasahang natalisod sya sa gutter. Saktong nananakbo rin ang katrabaho nyang si Diana. Dahil sa pagkatalisod ni Samuel ay nawalan ito ng balanse at hindi sinasadyang sumubasob ang mukha nito sa malulusog na kinabukasan ni Diana.

Naku miss, pasensya ka na! Nagmamadali kasi ako

Sabay pulot sa nahulog na envelope ng dalaga.

"Aba Samuel ikaw pala iyan!"
Diana! Pagulat na pagbigkas ni Samuel.

Hindi maipinta ang mukha ni Samuel. Napahiya sya sa nangyari. Ngunit hindi na nya ininda ito dahil mas importante sa kanya na hindi mahuli sa trabaho.

Saktong sakto sa oras ang pagdating nila sa opisina. Wala pa rin ang kanilang boss na si Warren.

Wew! Buti nalang naka-abot ako!

Kumuha na rin ng pagkakataon si Samuel upang humingi ng pormal ng paumanhin kay Diana.

Bes, pasensya ka na kanina. Ikaw naman kasi. Bakit ka tumatakbo? tanong nito.

"Ayaw ko kasing mahuli. Baka malaman ni boss na inuwi ko ang trabaho sa bahay. Alam mo naman yun, laging galit." tugon ni Diana.

Alam mo, isang malaking palaisipan din sa akin kung bakit laging nakabusangot yun. Siguro walang nagpapasaya sa kanya. Ani Samuel

"Wowha! Kung makapag salita akala mo sya meron." sabay ismid ni Diana.

Wow! Nagsalita ang may lovelife. E isa ka rin namang tigang. natatawang pang-aalaska ni Samuel.

"Hoooooy! At least ako, may pag-asa pa, e yung iba dyan? 10 years na, single pa rin hanggang ngayon. Ano petsa na? Anong hinihintay nun, pati pagkalalaki nya kailangan ng tungkod para makatayo?" Sarkastikong paglalarawan ni Diana sa kanyang boss.

"DIANA!"
napalingon si Diana ng makitang dumating na ang kanilang boss. Agad naman tumungo sa kanyang station si Samuel.

Matapos ng mahabang diskusyunan na nabasa nyo sa unang 3 bahagi, kasama ang isang ambisyosang mamaru (nagMAMARUnong) na empleyado...

"Ehem..."

Napapitlag si Diana nang muling marinig ang boses na iyon na galing sa kanilang likuran.

"Ano na naman ang pinagchichismisan nyo, aber?"
Pagalit na tanong ni boss Warren.
"Samuel, puntahan mo nga si Amanda. Itanong mo kung naiayos na nya ang corrupted files na ipinaayos ko." Dugtong pa niya.

Opo sir. Sagot ni Samuel

Pagpasok ni Samuel sa opisina ay wala si Amanda. Nakita nya ang isang malaking picture frame na may litrato ni Warren.

Aba teka, bakit may pitsur si boss dito? Wow! Akalain mo nga naman. Isip-isip ni Samuel. Sakto namang pag pasok di Amanda.

"Samuel! Ano iyang hawak mo? Bitawan mo yan!" Pasinghal na bigkas ni Diana.

Nagulantang si Samuel kaya binitawan nya ang larawan at ito ay nabasag.

"Bakit mo binitawan?" Tanong ni amanda.
Sabi mo bitawan ko. Kung sinabi mo sana na ilapag ko ng matiwasay edi sana hindi nabasag. Sagot ni samuel.

Ayusin mo nga iyang lipstick mo! Tila nakipagdaupang-labi ka sa kung anong hayop. Kalat-kalat! At yung files ni sir Warren kamusta na daw? Dagdag pa nya

"Oo, naayos ko na. Ako nalang ang magbibigay sa kanya. May dala rin kasi akong kapeng barako. Ibibigay ko sa kanya ng personal." Ani Amanda

Samantala....

Papunta na si Diana sa lugar kung saan naimbitahan ang ating bida. Manghang-mangga siya dahil walang ganoon sa probinsya...

"Huwaw! Yayamanin palang tunay si Mr. Kinimoto? Kukimoto? Ajinomoto? (Waley) Ay ewan. Basta yung matandang hapon. Sa sobrang yaman kinailangan pa yung serbisyo ko sa pagtitimpla ng kape." Wika nito sa sarili

Habang siya ay naglalakad nakasalubong nya ang isang german at isang chinese na tila pamilyar...

"Pambihira! Sa sobrang sabaw ng awtor ng bahaging ito ng kwento, pati mga karakter ng kabilang grupo nasasalubong ko na." ani Diana sa sarili

Nang makarating si Diana sa kanilang table, hindi sinasadyang matapilok ito sa 10inches nyang stilleto. (Pero dahil komedya ang tema nito, biro lamang iyon, 2 inches lang talaga. Paninindigan ko na rin ang pagka-waley ng mga jokes ko).

Kagaya ng nangyari kay Samuel sa panimula ng kwentong ito, sumubasob si Diana sa waiter na may hawak ng kape, dahilan upang matapunan ang flash drive na naglalaman ng files. Dahil din dito ay nagkaroon ng lipstick ang uniporme ng waiter.

"Naku, Diana ano ba? Bakit hindi ka nag iingat. Magagalit na naman si boss Warren. Matatapos na lang itong kwento, busangot pa rin sya." Bulong nito sa sarili

Nilapitan sya ni boss Warren, akmang tutulungan ito ng may humawak sa kanyang balikat.

Itutuloy ni @rigormortiz...

ang kasabawan ng storya na ito.
Ay hindi.
Sya pala ng bubuhat samin sa #sabawweek


Bakit ganun ang ending ng bahagi na ito?

Sino kaya ang humawak sa kanya? Hindi ko sasabihing si Samuel iyon.

May pa Fourth Wall Break (metafiction) pa akong nalalaman, waley din naman.

Ikaw na bahala Bam!



Setting sa isang Opisina

Karakter
Masungit na Boss - isang karakter na palaging galit at di maipinta ang mukha.

Sexytari - sekretarya na lubhang maganda ang hubog ng katawan maliban sa angking ganda/kakisigan wala na siyang ibang maipagmamalaki.

Perfectionistang Empleyado - lahat dapat ay nakaplano sa kanya at sa sobrang perfect nya wala siyang lovelife wala pa kasi si Mr. o Ms. Right

Elemento na maaring gamitin
Lipstick
Corrupted File
Kape

Tema
Komedya

Unang Pangkat
@mrnightmare89
@oscargabat
@twotripleow
@johnpd
@itisokaye

Ikalawang Pangkat
@romeskie
@beyonddisability
@jemzem
@czera
@rigormortiz

3E936545-DC28-4A7B-BECB-A01307F946DF.png
© 2018 @czera

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Havey na havey sa kin mga punchlines nito. Hahaha. Nice one @czera!

Haha. Wala na po. Hanggang dyan lang talaga kaya ko. Olats talaga ko sa komedi. @romeskie

Posted using Partiko Android

sabaw week talaga tayo ngayon
comedy pa more

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by czera from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.35
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70557.88
ETH 3560.83
USDT 1.00
SBD 4.75