Yung "Next Time", Gawin mong "This Time"!!!

in #tagalogtrail6 years ago


Yung puro nalang sa "susunod" ang sinasabi kapag merong pinapagawa. Relate ako dito. Salitang nakakahadlang sa mga bagay na dapat ay natatapos na. Oo nga no? Kung lahat pala ay ginawa ko agad, malamang, marami na kong natapos at nasimulan na mga plano sa buhay. Kaya lang, puro nalang "next time" ang sinasabi ko.  

Yung pagsunod sa magulang, minsan ang sagot, "next time". Pinagtatapos ng pag aaral, dahil tinatamad, sa susunod nalang na pasukan. Yung assignment, project sa school, "Next Time" nalang, marami pa namang oras. Yung pinag aaplay sa trabaho, dahil walang kasama, "next time" nalang. Yung Boss mo na may pinapagawa sayo, dahil hindi naman masyadong urgent, minsan kinabukasan pa sisimulang gawin or worse case scenario, biglang makakalimutan. Tuloy kapag tinanong, ang daming dahilan.  

Hay, Buhay nga naman! Bakit ba ang hilig kong sabihin ang salitang "Next Time"? Siguro nga, nakaugalian ko na. Yung lagi ko nalang iniisip na may oras pa naman eh, marami pang pagkakataon. Pero ang totoo, nauubos na ang panahon ko at hindi ko na maibabalik pa ang lumipas. Sayang yung mga pagkakataon na ibinigay sakin na hindi ko pinahalagahan. Kung ginawa ko agad yun! Malamang, ang dami ko nang accomplishment sa buhay.  

Yung paggawa sa Ministry sa Church, sana nuon ko pa sinimulan. Lagi ko nalang sinasabi na "next time" gagawa rin ako. Kung hindi pa ko na touch sa sinasabi ng salita ng Diyos, malamang hanggang ngayon, attendee parin ako at walang ginagawa.  

Na realize ko na ang sarap palang gumawa lalo na kapag may natatapos ka at satisfy ka sa result. Ang saya diba? Sana yung "next time" ko nuon ay ginawa kong "This Time" gagawin ko na!  

Proverbs 6:4  Don’t put it off; do it now! Don’t rest until you do.

This time, gagawin ko na yung mga bagay na dapat ay simulan na! Nang sa gayun ay hindi ko pagsisihan balang araw. Na masasabi ko sa sarili ko na marami akong na accomplish sa buhay. Dahil napaka exciting at maigsi lang ang ilalagi natin dito sa mundo. Kaya habang may pagkakataon, gawin na natin yung mga bagay na makakabuti para sa atin, sa Pamilya, sa kapitbahay at sa kapwa tao natin...  

Set aside mo muna yung Next time na word, at gawing This Time. Marami pa tayong pwedeng magawa sa buhay, pag ingatan natin to, eh to yung kaloob ng Diyos. Gamitin natin to para patuloy na makapaglingkod sa kanya...  

Yung "Next Time" mo, ba't di mo gawing "This Time" ngayon!  

@manzon

Sort:  

wow bro. amen ako diyan.Yung "Next Time" mo, ba't di mo gawing "This Time" ngayon! , nakasanayan na kasi hehehe nxt time. baka sabihin ni Lord nxt ka na din sa langit. jok.

Hahahahahaha.... Tama Bro. kaya pinipilit kong baguhin ang nakasanayan...

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64271.38
ETH 3157.43
USDT 1.00
SBD 4.25