April Fools part 2

in #tagalogtrail5 years ago

image

Halos hindi makahinga si Molly sa kakatawa. Ang chinita niyang mga mata ay nakaaaliw pagmasdan dahil halos nakapikit na ang dalaga sa kahahagalpak. Si Vince ay nagpipigil ng tawa pero halatang naaaliw din siya sa sitwasyon. Bumaling si Lina sa nobyo na alam niyang kasabwat sa kalokohan ng kanyang matalik na kaibigan. "Subukan mo lang tumawa diyan, lagot ka talaga sa 'kin!"

"Hindi naman eh. Kayo talaga, lagi niyo na lang pinagti-trip-an ang girlfriend ko," Kunwang saway nito sa dalawa habang pinupulot ang pambatang aklat na punong puno ng larawan ng hayop na kinatatakutan ni Lina. Tumalsik ito sa bandang kanal nang ihinagis ni Lina kanina pagtanggal niya ng piring sa mata.

Nang makabawi mula sa paghalakhak ay niyakap siya ni Molly. "Sorry na. O eto na yung mga palaka. Muntik na silang mapunta sa kanal o," muli ay tinabig ni Lina ang aklat habang tumitili. Alam ni Molly kung gaano kalaki ang takot niya sa mga ito kahit sa larawan lang. At alam din ng dalaga kung paano siya lalambingin kapag nagalit siya. Kung tutuusin ay alam ni Molly ang halos lahat tungkol sa kanya.

Naging matalik silang magkaibigan dahil parehong pareho sila ng mga bagay na kinahihiligan. Mula sa mga extra-curricular activities sa paaralan hanggang sa mga palabas sa telebisyon. Nauubos ang oras nilang dalawa sa pakikipagdaldalan sa isa't isa. Madalas mag-overnight si Lina kina Molly at inaabot sila ng madaling araw sa pagku-kuwentuhan.

Minsan ay pinagagalitan na si Lina sa kanila dahil mas madalas pa siyang nasa bahay ng kaibigan. Paano ay giliw na giliw siya rito. Masayahin si Molly. Parang walang puwang ang lungkot dito. At kapag ito ay tumawa, talaga namang nakakahawa dahil sa lutong ng halakhak nito at sa tila paglalaho ng mga mata niyang singkitin. Matalino rin ang kaibigan. Pareho silang nakapasok sa isang prestihiyosong unibersidad nang sila ay mag-kolehiyo. Mahusay mag-isip ng solusyon sa kahit anong problema. Kung susumahin ay isa siyang perpektong halimbawa ng strong, independent woman.

Parang hindi ito nangailangan ng tulong kailanman. Kaya naman nang minsang nasira ang antiparang gamit nito noong sila ay nasa kolehiyo pa at kinailangan niyang umuwi nang maaga, hindi nagdalawang isip si Lina na lumiban sa iba niya pang subjects para maging mata ni Molly. Masaya siyang may naitulong siya sa kaibigan.

Alam ni Lina na hindi mahirap mahalin ang kaniyang kaibigan. Hindi imposibleng may mga lalaking mangarap na maging nobyo nito. At kitang kita niya kung gaano kasaya si Vince nang sagutin ito ni Molly.

"Hindi ko alam kung paano nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nalilito ako. Pwede bang i-turn off mo muna ang pagiging girlfriend at maging kaibigan ko muna? Kaipangan ko ng payo."

Maya-maya ay narinig niyang muli ang boses ni Lance. E isa ka pala tanga't kalahati eh. Paano ako magpapaka-kaibigan? E girlfriend mo ako! Gustong murahin at pagsasampalin ni Lina ang nobyo. Tiningnan niya nang mataman ang lalaki. Halatang hindi ito nakatulog buong magdamag. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Lance.

Itinuturing itong clown ng tropa dahil magaling itong magpatawa. Iyon ang isa sa mga nagustuhan niya rito. Bukod pa roon ay mahusay din sa Matematika ang lalaki. Nagkakilala sila sa isa sa mga sinalihan niyang Math quiz bee. Nasa ikaapat na taon na ito ng high school at siya naman ay nasa third year. Nagulat ang marami dahil natalo niya ang mas tenured sa kanya. Nang maging magnobyo na sila ay ipinipilit nitong nagpatalo lamang ito sa kanya para makapagpapansin. Tingin niya ay iniinis lamang siya nito.

Mahusay rin ito magdala ng sarili at alam niyang kaya nitong i-handle ang kahit na anong pressure sa buhay. Maraming beses nang nalagay sila sa mga alanganin at mapanganib na sitwasyon pero nakakayanan nitong manatiling kalmado para makapag-isip nang matino.

Pero ngayon ay ibang iba ang aura ni Lance. Halatang hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Magulo ang alunan nitong buhok kaya alam niyang nasa malalim itong pag-iisip nang umalis ng bahay. Hindi ito lumalabas nang hindi inaayos ang buhok at sumisilip sa salamin. Malamlam ang mga mata nitong dati ay makislap. Marahil ay umiyak din ito kagabi.

Hindi niya maiwasang mahabag sa nobyo. Huwag kang maawa! Pinagtataksilan ka niya! Sinira niya ang tiwala mo! Ang lohikal na parte ng isip ni Lina ay pilit na ipinapaalala kung paano siyang nagtiwala. Kahit minsan ay hindi niya inisipan ng masama ang pagiging malapit ng kaibigan at ng nobyo sa isa't isa. "Pareho nila akong mahal kaya alam kong hindi nila magagawang saktan ako." Matindi ang paniniwala niya sa pangungusap na iyon.

Alam niyang hinding hindi siya sasaktan ng nobyo dahil malaki ang tiwala niya sa pagmamahal nito. Maaaring ito na ang ganti niya sa kataksilan mo noon. Muli ay inusig na naman siya ng kaniyang konsoyensiya. Tiningnan niyang muli ang kaniyang nobyo. Nasasaktan siya sa sinabi nito. Ngunit mas nasasaktan siyang nakikita niya ito sa ganitong kalagayan.

Huwag kang tanga, Lina! Iwanan mo na siya ngayon at hayaan mo na siya sa bestfriend mo. Pumasok ka na sa opisina at ipagpatuloy na lang ang trabaho. Magiging masalimuot ang pagdadaanan mo pag pinairal mo 'yang awa mo! Nagsusumigaw ang natitira niya pang lohika sa kaniyang isip. Tiningnan niya ang kaniyang relo.

Huwag kang tanga, Lina!

ITUTULOY

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

Sort:  

Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66396.53
ETH 3174.43
USDT 1.00
SBD 4.15