Kusina ni Nanay Romeskie | Fried Cream Dory in Burger Steak Sauce

in #tagalogtrail5 years ago

image

Isang beses isang linggo kung mamalengke ako para sa Kusina ni Nanay Romeskie. Mas kumbinyente ang ganito. Napa-plano kong maigi ang lahat ng uulamin namin sa buong isang linggo.

At linggo-linggo rin ay tinatanong ko si Tatay Ritsard kung may gisto ba siyang ipaluto. (Naks! Feeling marunong talagang magluto.) Sa aming dalawa ng asawa ko, ako yung nagtatanong ng "Ano'ng gusto mong kainin?" o kaya naman "San mo gustong kumain?" Na palagi ay sinasagot niya ng "Ikaw ang bahala." o kaya ay "Ikaw." Na kapag nagdesisyon ako kung ano o saan kakain ay kokontrahin niya nang kokontrahin hanggang sa maubos ang pasensiya ko at pipili na siya ng gusto niya.

Kung ikaw ay nagpaplanong mag-asawa, humanda ka nang harapin ang ganitong klaseng ritwal dahil paulit ulit ninyong gagawin ito hanggang sa isa sa inyo ay sumuko o maunang mamaalam sa mundong ibabaw.

Mabalik tayp sa Kusina ni Nanay Romeskie. Ngayong linggong ito ay nagrequest siya (pagkatapos ng tanungan cycle naming ng anong gusto mong kainin) ng burger steak pero gusto niya, imbes na burger patty ay cream dory raw ang ilagay ko. Kaya naman naglista na ako kaagad ng mga kakailanganin.

Mga sangkap:

Para sa pagpi-prito:

  1. Cream Dori
    image

  2. Harina

  3. Asin

  4. Paminta

  5. Mantika

Para sa chicken broth:

  1. Isang pirasong pakpak ng manok.
    Magluluto ako ng arroz caldo sa weekend kaya kumupit na ako ng isang pakpak.
  2. Dalawang tasang tubig
  3. Sibuyas
    Hiwain nang maliliit
  4. Bawang
    Pitpitin at tadtarin

Maaari nang wala ang parteng ito pero dahil hindi kami gumagamit ng chicken, pork o beef cubes, kinailangan kong magpakulo ng manok para may lasa steak sauce.

Para sa sarsa:

  1. 1/4 cup butter
  2. Limang kutsarang harina
  3. Isa't kalahating tasa ng Chicken broth
  4. Isang tasang tubig
  5. Mushroom

Pagluluto:

  1. Unahin nang isalang ang broth. Ilagay lang ang mga sangkap sa kaldero at pakuluin sa.mababang apoy.

  2. Budburan ng aain at paminta ang cream dori. Idawdaw sa harina bago isalang sa kumukulong mantika. Hanguin kapag golden brown na ito. Patuluin ang mantika.
    image

  3. Para sa sarsa, tunawin sa mainit na mantika ang butter sa mainit na kawali. Siguraduhing mababa lamang ang apoy para hindi ito masunog.

  4. Idagdag ang limang kutsarang harina. Haluing maigi hanggang sa maging malapot ang kombinasyon ng butter at harina.

  5. Kapag medyo brown na ang kulay ng harina at butter, ilagay ang chicken broth. Maaaring gimamit ka na lamang ng pork o chicken o beef cubes dito. Haluing maigi.

  6. Lagyan ng tubig. Huwag titigilan ang paghalo. Oo. Bawal tumigil. Huwag kang susuko.

  7. Ihalo ang mushroom. Hayaang mag blend in sa ang mushroom sa sarsa.

Ihalo ang sarsa sa iada. Ihain habang mainit pa. Mas masarap pagsaluhan kapag medyo mainit-init pa ang pagmamahalan.

image

Komento ng mga hurado:

Tatay Ritsard: Masarap naman daw. Iyon na ang pinakasatisfied niyang estado. Kaya hayaan na natin siya.

Ayapot: Umupo sa tabi ko habang kumakain. Para sunod sunod ang pagsubo sa kanya. Pero nanaig pa rin ang kakulitan kaya tumayo pa rin siya at nagharot pero pabalik balik pa rin para kumain.

Madalas ay ang kapatid kong babae ang pinagluluto ko ng burger steak sauce kaya unang subok ko lang ito. May mas ikasasarap pa sa pagluluto nito pero sa susunod na subok ko na lang. Ako man ay nasiyahan sa luto kong ito kaya ayos na rin. Isa na namang tagumpay sa Kusina ni Nanay Romeskie.

♥.•:¨¨:•.♥.•::•.♥.•:¨¨*:•.♥

♥.•:¨Maraming salamat sa pagbabasa!¨:•.♥

»»-------------¤-------------««

Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan

»»-------------¤-------------««

Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord

»»-------------¤-------------««

image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 61122.11
ETH 2972.46
USDT 1.00
SBD 3.66