Pagbati ni @zephalexia Para sa kanyang Ina at sa lahat ng nanay (Heypi Mothers' Day)

in #teardrops6 years ago

PicsArt_05-13-03.13.30.jpg

Ang araw na ito ay para sa lahat ng nanay sa buong mundo. Isang araw na inilaan para sa taong nagbigay buhay sa biyaya ng Panginoon. Ang taong handang isakripisyo ang lahat para sa pamilya lalo na para sa mga anak. Isang babaeng napakalaki ng puso. Ang taong may trabaho nang bente kwatro oras , pitong araw buong linggo. Isang taong mahaba ang pasensiya at napakatiyaga at walang hanggan ang pagmamahal para sa mga anak niya. Yan ang isang INA

Kaya sa ating lahat na nabubuhay pa at kasama pa ang mga nanay sa mundong ibabaw, wag niyong sayangin ang mga pagkakataon na pwede niyo silang makasama . Sapagkat maswerte tayo na mga may nanay pa. Hindi naten alam kung kailan ang buhay kaya marapat na araw araw nateng pahalagahan bawat oras na andiyan sila at lageng ipadama ang ating pagibig para sa kanila.

Ang akdang itoy nais ko ding ialay ,para sa aking ina na Lucia. Ang aking ina na hindi mapapalitan ng sinuman at walang kasa sawang kamiy alagaan . Hanggang sa kanyang mga apo ay talaga namang oras niyay iginugol, lalo na sa panganay ko na itinuring niyang anak na rin. Mula pagsilang ko mama ramdam na ramdam ko ang iyong pagmamahal. Bawat pagbabago sa akin ay yonh binantayan. Hanggang sa akoy nagsimula nang pumasok sa eskwela, andiyan ka para sumuporta. Mula sa pagkanta , pagsayaw , pagtula , pag arte. at kung anu anu pa.

Lahat kaming apat na magkakapatid ay iyong inaruga. nagdakripisyo ng pansariling karera at kaligayahan , para kami ay masubaybayan. Salamat mama sa pagpapalaki sa amin ng maayos. Salamat mama sa walang humpay na kalihayahang dulot mo. Sa araw na ito nawa ay maging maligaya ka . Mahal na mahal kita aking Ina

Thanks for reading!

Sort:  

Happy mothers day to you and your mom.

You are amazing.

thanks brotha! 😊

Happy mothers day to you

thanks dear @nigtroy 😊

salamat po 😊 belated heypi moms day din sayo 😘

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.040
BTC 70839.13
ETH 3563.41
USDT 1.00
SBD 4.77