Filipino Poetry: Natatanging Araw

in #tula6 years ago

IMG_20180611_180545166.jpg

Natatanging Araw
ni @jennybeans


Ngayon ay araw ng kalayaan
Anibersaryo ng ating kasarinlan
Nagpapaala sa ating tayo'y malaya na mula sa mga dayuhan
Sa tulong na rin ng mga taong may malasakit sa ating bayan

Ngunit di lang ito simpleng araw para sa amin
Sapagkat ito ay kaarawan ng taong malapit sa akin
Taong parating andyan at lahat ay hahamakin
Taong hindi magsasawang ako ay mahalin

Oo, kaarawan ng mama ko
Ang pinakatangi-tanging babae sa buhay ko
Ang nagbibigay tanglaw at gabay sa daang tinatahak ko
Makamundong rason kung ba't ako naisilang at naalagaan ng husto

Kuwarenta y singko na ang aking ina
Medyo di na bumabata't nagkaka edad na
Ngunit panatag ang kalooba't siya'y OK at masigla
Walang iniindang karamdaman at masaya

Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon
Dahil dininig ang aking mga panalangin buhat pa noon
At yun ay makasama ng mas matagal pa ang mga magulang ko
Dalawang taong pinakamalapit sa akin at mahal na mahal ko



Paumanhin sa waley na tula dahil madalian ang pagkagawa. Hinahangad ko ang inyong pang-unawa :) Pasensya na rin sa pamagat at yan lang ang naisipang isulat. Maraming salamat. :)


U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

jennybeans.gif

JENNYBEANS-1.gif


Hanggang sa Muli

Sort:  

20.000+Followers can see you.(@tenorbalonzo,@hakanlama,@cemalbaba,@asagikulak) Send 0.200 Sbd or Steem. Post link as memo for

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.032
BTC 64579.45
ETH 3101.05
USDT 1.00
SBD 3.83