TAGALOG BLOG | Tula para sa mga pusong PINAASA, NAWASAK, at NASAKTAN.

in #tula6 years ago (edited)


Kay rami rami ng mga taong nagsasabi na ang "sarap kaya magmahal" , hindi naman nila alam na hindi lahat ng may relasyon masaya, hindi sa bitter ako pero "take time" naman muna bago ka papasok sa isang relasyon, isipin kung ano ang maidudulot nito sayong buhay, at isipin kung mapapanindigan mo ang iyong nabuong relasyon sa isang tao.

Ang tulang ito ay tungkol sa isang lalakeng nabulag sa isang babaeng akala niyay "shes the one" pero yun pala "shes the worst" . Sana magustuhan ninyo ang tulang nagawa ko. Enjoy!



Bakit Nakilala Pa Kita

By: Omar G. Navarra


Mahal bakit mo ko iniwan,
Sabi mo pa nga noon magmamahalan tayo magpakilanman.
Sinasaktan mo ang aking damdamin,
Lalo na nung nalaman kong pinili mo siya kaysa sa akin.


Hindi mo ba naaalala nung tayoy unang nagkita,
Sabi ko nga sa sarili ko siya na nga ba ang binigay ni bathala.
Sa ganda mong kahit ang iba ay hindi makapaniwala,
Dahil meron kang liwanag na parang ikaw lang ang babaeng pinagpala.


Nung una kitang kinausap,
Mata moy kumkislap,
Ganda moy lumalaganap,
Bakit hindi kita maiwasang titigan kahit sa isa man lang iglap.


Nagkamabutihan tayo,
Hindi na mapakali ang puso pag hindi kasama sayo.
Mga estudyanteng kitang kita pag kinikilig kahit kami'y malayo,
Sinasabi sa amin"oi bagay talaga kayo".


Parang kami na ang Romeo at Juliet sa unibersidad,
"Meant to be" sabi pa nga ng ating mga palad.
Labis labis na pagmamahal ang naramdaman,
Sa isat isa na akala naming magpakailanman.


Umabot na ng ilang taon ang relasyon,
Mga problemay hindi talaga maiwasan kahit sa anong sitwasyon.
Mga nakakasakit na mga sikreto,
Hindi ko namalayang ginagawa mo pala ito.


Puso koy nasasaktan,
Naging manhid, wala nang maramdaman.
Mundo ko'y gumuho,
‎Ugali moy nagbago.


Bakit hindi mo sinabi sakin,
Na ayaw mo na pala akong mahalin.
Ang sakit isipin,
Na ang relasyong binuo natin ay dinala na pala ng hangin.



Sort:  

true to life ni @omargnavarra? sakit sad ni! 😂
Pero ano ba talaga ang mas masakit? Ang naging kayo, pero hiniwalayan ka, kaya ka nasasaktan? o Ang minahal mo, pero di ka minahal, kaya ka nasaktan?
Siguro yung mas masakit ay yung minahal mo, pero di ka minahal. Atleast diba yung hinawalayan ka, naranasan mo namang mahalin niya, na kahit nasaktan kana, masasabi mong minahal ka. Hindi katulad ng nasasaktan ka na nga, pero ni minsan di mo naman naranasang mahalin niya.

Humugot siya oh!

Love pa more. Haha hinay-hinay lang dpat para hindi ma-scam 😅

Hahahahahaha owrayt ate @chastityyy110 😂

Coin Marketplace

STEEM 0.36
TRX 0.12
JST 0.039
BTC 69965.85
ETH 3540.49
USDT 1.00
SBD 4.71