"Tula Para Kay Inay" (Happy Mother's Day)

in #tulaparakaynanay6 years ago (edited)

This poem is for all the nanay in the world, lalo na sa mga single nanay na mag-isang nagtataguyod at nagtaguyod sa kanilang mga anak. Saludo po ako sa inyong lahat. Happy Mother's Day to us:) Sana magustuhan nyo ang tula na ginawa ko..Happy reading po:)

Simula sa pag silang hanggang sa paglaki,
Kami ay iyong siniguradong hindi maaapi.
Sa bawat sandali ikaw ang aming kakampi.
At anumang pagsubok, hindi ka pagagapi.

CYMERA_20170325_105057.jpg

Mula pagkabata kami ay iyong inakay,
Walang kapagurang ikaw sa ami'y gumabay.
Madapa man kami ika'y laging nakaalalay,
At halos buong buhay mo'y sa amin inialay.

FB_IMG_1522928154197.jpg
image source

Araw at gabi ikaw ay matyagang kumayod,
Hindi mo ininda ang hirap at sakit ng likod.
Hindi ka rin sumuko kahit ika'y napapagod,
Dahil gusto mong kami'y sa pag-aaral maitaguyod.

received_282875135481108.jpeg

Sa mundong magulo at punong-puno ng hamon,
Ikaw ay nagpakatatag at pilit na bumangon.
Kaya't sa lahat ng iyong pinagdaanan sa mahabang panahon.
PANGAKO! Ikaw aking inay, sa kahirapa'y iaahon.

FB_IMG_1522928158388.jpg
image source

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63457.41
ETH 3119.12
USDT 1.00
SBD 3.94