Second entry in ULOG😊

in #ulog6 years ago

Tatlong araw mo kong tiniis na hindi kausapin
Paghihiwalay ay nagawa mo pang gawin
Nuong mga oras na iyun akoy di malaman ang gagawin
Halos akoy mabaliw dahil hindi ko kayang ikay mawala sa akin
Hindi ko malaman ang dapat kong gawin
Tinitibok ng puso ko na dapat ikay aking habulin;
Pero bat ang isip koy ayaw dahilan ng gusto koy ako ang iyong habulin.

image

Hindi ko alam, akoy litong lito at naguluhan
Hindi ko alam kung ikaw bay dapat ko pang habulin o hayaan
Habulin? pero "pride" koy ayaw mawala sa aking isipan
Hayaan? pero puso koy hindi ka kayang mawala ng biglaan
Ano nga ba dapat ang ilagay sa aking isipan?
Iyan ang paulit ulit walang humpay na tumatakbo sa aking isipan
Tanging ewan, hindi ko alam ang kaya kong isagot sa tanong ng aking isipan

image

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni muni
Hindi ko nawaring ikaw palay nasa likod ko na at akoy hinhintay
Tumigil ng panandalian ang aking isip
Di mawari ikaw nga bay tunay o guni guni lamang
Tanging pagpatak ng luha ang una kong nagawa
Luhang galak na galak dahil sa wakas ikay nariyan na
Tanging SALAMAT MAHAL aking nabigkas dahil akoy iyong binalikan
Saya at pasasalamat ay walang paglagyan dahil sa aking sobrang kagalakan

image

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64507.66
ETH 3080.07
USDT 1.00
SBD 3.85