Ang aking ika-limang #ULOG sa Wikang tagalog : PASASALAMAT SA PANGINOON

in #ulog6 years ago

Isang Foggy at maulan na panahon mga kabayan. Gayunpaman, tayo'y magpasalamat sa Diyos dahil may isang araw na naman ang lumipas ngunit nasa maayos at ligtas tayong kalagayan. Ang pagising palang natin sa bawat umaga ay isang napakalaking biyaya na mula sa kanya.

Dahil sa hanging habagat ay patuloy na magkakaroon ng bahagya at pabugso-bugsong pag-ulan at patuloy na makakaranas ng makulimlim na panahon. Dahil sa panahon natin ngayon lalo na at lumalamig na ay maraming sakit ang nararanasan. Kaya ingat lang mga kabayan dahil sa malamig na panahon di maiwasang magkasipon.

Mahirap bumangon pag madaling araw pero kailangan dahil may pasok na naman. Maaga kasi akong nagbiyahe dahil sa aking trabaho pero kadalasan ay lunes ng madaling araw. Dahil holiday kahapon kaya kanina nalang ako nag biyahe para pumasok pero iba ang klima sa La union at iba dito sa Baguio City. Buti nalang din at tag-ulan na at lumamig na din kahit papano sa La union. lol. Pagbaba ko kaninang umaga sa Bus na sinakyan ko ito ang klimang sumalubong sa akin, isang malamig at Foggy na umaga.😊

Igorot Park Baguio:
Habang naghihintay ng Jeep na masakyan. Minabuti ko munang picturan pero mahirap maaninag dahil sa fog..😊

Isang patotoo at pasasalamat ko to dahil iniingatan ako lagi ng ating Panginoong Diyos. Sa aking pagbibiyahe pa-akyat ng Baguio City, simula ng pagising ko hanggang makarating sa aming staff house na walang masamang nangyari.

Pasasalamat sa mga biyaya na ipinagkaloob ng ating Diyos malaki man o maliit. Sa mga pagsubok at problemang dumarating. Kahit kailan ay di niya tayo pinabayaan at nandiyan siya para tayo'y gabayan, samahan at damayan. Para matuto tayong bumangon sa mga pagkakamali natin at ating malalampasan na may kasamang pananalig at pagtitiwala natin sa kanya. Maraming salamat Panginoon sa walang sawang pag gabay at pagmamahal .


Ang Panginoon ay iyong tagapag-ingat;
ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw,
ni ng buwan man kapag gabi.

Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan;
kanyang iingatan ang iyong kaluluwa.
Ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok ay kanyang iingatan,
mula sa panahong ito at magpakailanpaman.

- Mga Awit 121 Ang Biblia

Ito po ang aking ika-limang #ulog entry sa Wikang tagalog.

Maraming salamat, hanggang sa muli.

Please support @surpassinggoogle as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.


(logo created by @bloghound)

Ilocano ak, Proud nak.

@jhunbaniqued)

Sort:  

thank you kay Lord sa bagong umaga:)
ang hirap bumangon sa umaga lalo na kung maaga ka gigising hehe
alam ko pakiramdam hehe kung pede nga lang matulog ulet
pero salamat at tayo ay nagigising:)

Ganda ng gawa sir:)

oo, nga mam buti nalang may alarm clock hehehe... salamat sa pagdalaw mam. God Bless.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63945.57
ETH 3135.76
USDT 1.00
SBD 4.00