ULOG 18: Depresyon (Tagalog)

in #ulog6 years ago

2018-06-13 01.08.33 1.jpg

Pagkatapos ng palabas, napuno ng galak ang mga manonood. Para sa akin naman, ibig sabihin nito, kailangan ko na namang harapin ang realidad ng mag-isa.

Ang daming nagsasabing sayang naman yung relasyon namin at inuwi ko sa wala. Magdodoctor siya soon, I just needed to wait and endure sa kung ano man ang darating along the way.

We had been through a lot. Yung distansya mismo ay naging isang malaking balakid. At kahit naman ganun, may plans na kami to get married soon and have kids. Ang saya ko nga eh when we reached the point.

Mababaw lang naman kasi ako. Hindi ko na kailangan maging super yaman, have a high paying job, or kung ano pa man yan. I just want to have my own family. I want to raise my lovely child or children kung mamarapatin ng Poong May Kapal. I just want to live a simple life, maging full-time mom para mabantayan ko yung kids ko. Ibibigay ko lahat ng pagmamahal that they deserve.

But I let it slipped away nga daw. Ang babaw ko daw. Wala naman talagang third party sa amin. Sadyang ayaw lang talaga magwork out between us. Well, sa part ko alam kong wala naman akong ibang minahal when we were still together. Ewan ko nalang siguro sa kanya.

Pagod na ako. I got so fed up. Matagal na akong nakipaghiwalay sa kanya. Sadyang pinipilit lang niya yung sarili sa akin. Umiiyak na ako kasi nasasakal na ako. Pagod na pagod na ako na sa paningin ng iba masama ako para sa kanya. I was never enough daw. Ang babaw ko lang daw kesyo di ako nagtatrabaho sa gobyerno, simple-minded lang ako, at kung ano pa. Sa totoo lang, I can be anyone that I can be pero alam ko di ako masaya sa ganun. Binabaon na ako ng sobrang depresyon at lalong mas ayaw kong maburyo kakaplease sa ibang tao.

2018-06-13 12.07.35 1.jpg
Tapos na lahat ng gala-gala ko. Mukhang ang saya parati ano? Pero akala lang talaga ng iba siguro. Pilit ko namang maging masaya.

Nakakatawa ano parang sa teleserye lang. Gusto ko ngang tumawa nalang din eh pero everytime I try to napapaiyak. I pity myself.

Pakiramdam ko ngayon, bigla akong nalugmok sa isang lugar. Di ko na alam saan na ba ako.


@gailbelga or Johanna Gail is a free-spirited freelance artist. She took up Bachelor of Arts in International Studies in one of the Ateneo universities in the Philippines. She is currently a candidate for Masters in Public Administrations. She volunteers in various non-profit/nongovernmental organization which aims for human rights through political education. She draws and writes about the country to provide awareness and promote the Philippines to foreign tourists.
Sort:  

You are beautiful and you have a good heart! :)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63722.47
ETH 3049.10
USDT 1.00
SBD 4.03