#ULOG: POETRY #1: "Ikaw at Ako at ang Sampung Taon"

in #ulog6 years ago (edited)

FB_IMG_1528366838093.jpg

Unang sulyap ko lang sa'yo,
Niyanig mo na ang mundo ko,
Hindi ko akalain na sa'yo iikot ang buhay ko,
Ang iyong ngiti ang naging tulay upang magkakilala tayo.

Hindi sumagi sa isip ko na magiging tayo,
Pilit kong itinatago ang lihim na damdamin ko sayo,
Pero sa bawat pagdaan ng oras lalong nahulog ang loob ko sa'yo,
Walang bakas ng pagsisisi na nagkilala tayo.

Sampung taon ang matuling lumipas, sampung na taon pala tayo,
Sampung taon ko nang iniaalay ang buhay ko sa'yo,
Sampung taon na ang lumipas simula ng pinasaya mo ako,
Sampung taon ka nang parte ng buhay ko.

Ngayon gusto ko ng makasama ka,
Alam kong handa na ako at handa ka na,
Gusto kong gugulin ang mga araw na kasama ka,
Wala akong ipapangako kundi ang masayang buhay kasama ka.

Mahal kita, sobra pa sa buhay ko,
Wala na akong mahihiling pa, kundi ang maging kabiyak mo,
Sana magustuhan mo ang tula ko para sa'yo,
Mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo.

Magandang gabi. Sana magustohan nyo din ang tula ko na iniaalay ko para sa aking nobya. Ang litrato po ay akin. Kaming dalawa ng nobya ko. Salamat po.

Coin Marketplace

STEEM 0.33
TRX 0.11
JST 0.035
BTC 67020.94
ETH 3270.13
USDT 1.00
SBD 4.62